WLB 18

57 5 0
                                    

Chapter Eighteen

Katatapos lang namin kumain at magiimis na dapat ako ng magprisinta si Hoya. Kaya tumango na lang ako at lumabas ng bahay.

Hmmmm. Pumikit ako at pinakiramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin.

"Maricar!"

Napamulat ako ng may sumigaw ng pangalan ko kaya napatingin ako sa pinanggagalingan non.

Nakita ko naman si Manager Ella na papunta sa akin. "Ikaw pala Manager Ella."

"Huwag mo ng akong tawaging Manager Ella, Ella na lang :) "

tumango na lang ako sa sinabi nya.

"May dagat malapit dito. Gusto mong puntahan?" Napatingin ako sinabi niya. Naexcite tuloy akong puntahan.

"Pwede?"

"Oo naman. Tara na!" At hinigit niya na ako papunta doon. Medyo malayo pala kaya sabi ko kay Ella na hwag tumakbo kasi katatapos lang kumain kaya naglalakad lang kami ngayon.

"Maricar sorry nga pala dahil sa ginawa ng mga bata ko sayo. Yan tuloy napilitan tuloy silang patulugin ka para isama dito."

"Ayos lang yun Ella. Atsaka wala na rin naman akong magagawa kasi nandito na rin naman ako."

"Hahaha. Actually Maricar, ako talaga nakaisip na patulugin ka para makasama dito. Sorry ^_^V "

Napangiti na lang at nagpatuloy sa paglalakad.

Napaisip ako. Wala nga pala akong gamit na dala. Paano na lang kapag tumawag sakin sina mama? Baka importante ang sabihin nila. Isa pa, wala akong damit na dala dito -_-

Anong susuotin ko sa susunod na araw?

"Huwag ka ngang malungkot dyan. Dapat ienjoy mo ang bawat sandali. Sabagay may tatlong araw pa naman tayo dito at siguradong mag-eenjoy ka! ^_____^"

T-tatlong araw? Ang tagal naman ata! At isa pa! Wala nga akong damit na maisusuot sa loob ng tatlong araw!

"T-teka-----"

*Riiiiiiinggggggg!*

May tumawag kay Ella. Lumayo siya ng kaunti sakin para siguro makapag usap sila ng ayos. Tumigil naman ako sa paglalakad para hintayin siya.

Maya maya pa ay papunta na siya sakin. "Sorry Maricar pero hindi kita masasamahan ngayon. May tumawag kasi sakin, emergency daw."

Akala ko walang trabaho ngayon kasi bakasyon nila hindi pala.
"Ayos lang. Naiintindihan ko naman."

"Sorry talaga. Kung yung dagat inaalala mo, ayun oh. Kaunti na lang malapit ka. Sorry ulit pero kailangan ko ng umalis."

"Sige! Mag-iingat ka! Madilim pa naman!"

"Ikaw dapat ang mag-ingat!" Sabay talikod na nya. Ramdam ko pa rin ang lamig ng hangin pero kung kanina ay naeexcite ako ngayon kinikilabutan ako. Madilim na kasi at medyo walang tao sa dinadaanan ko.

Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa nakita ko na ang dagat.

"Wooow!" Ang ganda talaga ng dagat. Dali dali akong lumapit doon at binasa ko ang paa ko. Grrr. Ang lamig pala ng tubig. Dahil sa sobrang lamig ng tubig umupo na lang ako sa tabi.

Pinagmamasdan ang mga alon. Ang gandang scenery. Kitang kitang ang bilog na buwan. Lalo pang gumanda ng magreflect ang liwanag nito sa dagat.

***

Kanina pa ako nakaupo dito pero ngayon ko lang naramdaman ang lamig. Giniginaw na tuloy ako. Yinakap ko na lang ang mga hita ko.

Ayaw ko pa kasing bumalik doon. Gusto kong makita ang sunrise. Ayos lang naman na hindi ako matulog kasi halos buong araw akong natulog pero baka mag-alala sila sakin. Wala pa naman akong dalang phone.

Naalala ko noon na twing pasko, lagi akong sinusurpresa ni Kaito. Ang mga surpresa nyang nakakamangha. Haaaayyyy. Pero nung umalis siya hindi na nangyayari sakin yun. How I miss those things.

Hmmm. Yung mga regalo ko nga pala, hindi ko nadala. Sayang naman hindi ko maibibigay sa kanila.

May nakita ang sanga sa gilid ko kaya kinuha ko yun at nagsimulang magsulat sa buhangin.

'Merry Christmas Kaito, Infinite'

Napaisip ako. Ilang taon na rin pala kaming walang communication. Pitong taon na pala. Pitong taon na simula ng iwan nya ako. Tutuparin mo kaya ang pangako mo Kaito? Magkikita pa rin kaya tayo? Siguro hindi na kasi hindi mo na ako kilala pero ikaw *sabay hawak sa kwintas na binigay niya* Kilalang kilala pa rin kita. At umaasa ako na balang araw magkikita tayo pero hanggang hiling na lang ako.

Sana maayos ka lang dyan.

At binura ko ang pangalang kaito sa isinulat ko.

"Bakit mo binura yung Kaito?"

Napatigil ako sa paggalaw ng sanga.

"Galit ka pa rin ba sakin?" Hindi ko siya pinansin dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip?

Kinurot ko pa ang kamay ko para siguraduhin na hindi ako nananaginip. Nasaktan ako ibig sabihin totoo nga. Totoo nga!

"Aarr---" pinisil niya ang pisngi ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi ka nananaginip. Totoo ang lahat Rica."

Totoo nga. Totoong nandito siya! Nakatingin lang ako kanya habang nakahawak siya sa mga pisngi ko. Hindi ko tuloy namalayan na pinupunasan na niya ang mga pisngi ko dahil umiiyak ako.

"Sabi ko naman sayo na hwag kang iiyak kasi papanget ka dba?"

"Hindi ka pa rin ba magsasalita tulad ng date? Nandito na nga ako hindi ba?" Pinipigilan ko ang sarili ko na hwag ng umiyak para makapagsalita ako ng ayos.

Nakita ko naman siyang umupo ng ayos sa tabi ko. Kaya tumingin na lang ulit ako sa dagat.

"Bakit ang tagal mo?"

"Pasensya na. Sina Mama kasi ang daming pinagagawa sakin dun. Atsaka hindi ka ba masaya dahil bumalik ako?"

"Masaya syempre!"

Mabilis na sagot ko sa tanong niya.

"Bakit hindi ko ramdam?" Napatingin ako sa kanya. Hindi ako sanay na malungkot sya. Mas sanay ako na lagi syang nakangiti at cheerful.

"Nagulat lang ako. Hwag ka ng magtampo dyan Kaito. Hindi bagay sayo." Sabing asar ko sa kanya.

"Tss. Panira ka naman Rica. Nagddrama ako." Nakapout niyang sabi..

"Hahahaha! Ang panget mo kaito. Hahahah!" Humawak pa ako sa tyan ko para mas lalong feel.

"Ako panget? Tingnan natin."

"Hahaha... ta...ma.. hahahaha... na... hahahaha. Oo na. Hahaha... h-hindi na. Hahahaha." Hindi ko mapigilang tumawa kinikiliti kasi ako ni Kaito. Alam na alam niya ang weakness ko.

At tumigil na rin siya sa wakas. "Ano? Panget pa rin ba ako? Hahaha "

"Hindi na. Hahaha." Umayos na ulit ako sa pagkakaupo. Hanggng sa may naramdaman akong mainit sa likuran ko. Si kaito pala. Pinatong sakin yung jacket niya. Ngumiti naman siya kaya ngumiti din ako.

"Gusto mong makita ang sunrise?" Napatango naman ako sa tanong niya. Tumingin siya sa relo niya. "Matagal pa bago sumikat ang araw. Matulog ka muna."

"Matulog na naman? Maghapon na ng akong tulog eh." Kasi naman sina Sungyeol.

Sina Sungyeol!!! Waaahhhh!!!!! Muntik ko na silang makalimutan! Baka nag-aalala na sila sakin!

Anong gagawin ko?!

When L Begins (INFINITE) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon