WLB 35

35 2 0
                                    

Chapter 35

Masaya akong makitang masayang nagkakantahan sina L. Hindi ko akalain na magkakasundo agad sila lalo na't parang ayaw sa maingay ni L.

Kanina pa rin ako patingin tingin sa relo ko dahil sa nalalapit na concert nila. Gusto pa kasing niyang magstay dito dahil ilang oras pa naman yung concert. Ilang oras na nga lang ay concert na pero wala pang napapraktis si L na sayaw nila.

Dahan dahan akong tumayo at umalis sa videoke room. Hindi naman nila ako napansin. Lakad lang ako ng lakad ng mapadpad ako sa harap ng jewelry shop.

Pumasok ako sa loob at nagtingin tingin. Ang daming magagandang accessories at halos lahat mamahalin. Napako ang tingin ko sa isang necklace. Ang ganda ng design nito. Mabilis ko itong binili at pumunta ng food court.

Kinuha ko ang nabili kong necklace at may kinuha sa bag. Hindi pa man ako nakakaabot ng sampong minuto ay natapos na ako.

Naglakad na ako pabalik sa kanila ng matapos ko ang ginagawa ko. Hindi pa man ako nakakalapit nakita ko ng nakatayo sa may gilid si L.

Huminto ako sa paglalakad at mukhang napansin nya na may nakatitig sa kanya. Nakita nya ako at nagsimulang maglakad palapit sa kinatatayuan ko.

"Saan ka galing?"

Imbis na sagutin ko sya ay ngumiti ako sa kanya na ikinuot ng noo niya.

"Here. For you." Tinanggap naman nya ito.

"Lucky charm." Tahimik lang siyang nakatingin sa lucky charm na binigay ko. "Kahit na maswerte ka, may mga bagay pa rin na hindi nakukuha nito. Kaya 'yan ang regalo ko sayo."

Mukha namang wala syang sasabihin. "Tara na."

Naglalakad na ako ng may maramdaman akong may yumakap sakin mula sa likod. Hindi ko na kailangan pang lumingon para makilala ko sya.

"Thank you." He whisper that to me. Hindi ako makagalaw bigla. Para akong naestatwa sa pwesto ko. "Let's go."

"Where?"

"To our concert." He smiled then grabbed my hand and started to walk where my friends are.

***

"Maricar! Waaah!"

"Ano ba Maria. Wag kang sumigaw. Masakit sa tenga."

Nandito na kami sa MOA kung saan gaganapin ang concert ng INFINITE. Kanina pa kami rito at hindi pa rin nagsisimula. Siguro ay nag aayos na sila dahil malapit ng mag alas otso.

"Hindi ko akalain na bigtime pala ang boyfriend mo."

Napatingin ako sa katabi ko nung magsalita ito. Tumango at napangiwi na lang ako sa sinabi ni Ina. Hindi ko naman talaga boyfriend si L officially. At hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip nya at nakisakay pa sya. I sighed.

"Wag kang mag-alala. Mahal ka nun."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Maria at tumingin sa harap dahil magsisimula na. Hindi naman kumikibo si Krisher.

Halos mabingi at mabasag ang dalwa kong tenga ng magsimulang magsigawan ang mga tao dito. Isama mo pa ang dalwang katabi ko. Instrumental pa lang ang tumutugtog pero kung makasigaw na sila parang walang bukas.

"Durowa durowa~"

Inabot ng halos dalwa't kalahating oras ang concert. Tumingin naman ako sa mga tao at nakitang masaya sila. Nung patapos na ay naging emotional na sila dahil kailangan ng magpaalam. Para mawala ang bigat na nararamdaman ng fans nagsalita ng mga tagalog ang ibang myembro kaya napatawa ako.

"Huwag kayo iyak. Balik kami dito." -Hoya

"May forever. Ako ang iyong boypren." -L

Hindi magkanda mayaw ang mga audience sa sinabi ni L. Boyfriend daw sya nito, doon, dyan kahit saan. Naririndi ako. Ako ang girlfriend nya! Gusto kong isigaw yun pero tunawa na lang ako.

Mga halimbawa lang yan ng mga sinabi nilang tagalog words. Nangako naman silang babalik ulit sila dito hindi pa nga lang sure kung kaylan. Basta daw maghintay. Hahaha Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi ni L na may forever. Mga bitter kasi ang mga tao dito kaya naniniwala silang walang forever. Kami kaya ni L may forever?

When L Begins (INFINITE) (Completed)Where stories live. Discover now