WLB 9

91 5 2
                                    

Chapter Nine

Maricar POV

My future wife? My future wife?

My... fu..ture... WIFE?!!!

"Teka! Teka! Bitawan mo ko!"

Pilit kong inaalis yung kamay niya.

Pagkaalis niya ng kamay inaayos ko yung damit ko. Gusot gusot na. Tsk.

"Oh chill. *giggles* "

Napatigil ako sa pag-aayos kasi narinig ko siyang tumawa.

(^_^) <---------------- (~_~ )

Tumingin ako ng masama sa kanya.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan ha?"

"Wala naman. Ang ganda mo pala."

Ano bang pinagsasabi mo dyan?!! Woohyun!?

Oo si woohyun yun! -______-

Obvious naman na siya.

Tinuloy ko na lang yung pag-aayos ng mga gamit kong nahulog. Oo nahulog yun nung pinaikot niya ako kanina.

Tsk!

"Ano bang ginagawa mo? Ang taas taas ng araw oh."

Eh ano naman kung mataas? Para sa inyo rin to.

"Bakit ikaw? Nakajacket ang taas taas ng araw?"

Hindi ko alam pero parang ang sungit sungit ko pagdating kay woohyun. Hindi ko alam kung bakit.

"Eto ba? *sabay turo sa suot na jacket* wala ka bang alam sa fashion? Miss Maricar naman, bababa din ng bundok minsan."

Bundok ka dyan!

"Ewan ko sayo!"

Iniwan ko na siya dun. Ewan ko ba pero parang ayos lang sa kanya na sungitan ko siya o sadyang hindi niya pansin na sinusungitan ko siya.

"Teka! Hwag mo kong iwan!"

Hindi ko siya nilingon bagkus naramdaman ko na lang siya sa tabi ko.

"Ano bang kailangan mo?"

"Ikaw. Pwede ba?"

Tumigil ako sa paglalakad at tumingin ng masama sa kanya.

"Relax. Actually napadaan lang ako dito tapos nakita kitang busy sa pakikipag usap don sa lalaki. Ano bang ginagawa mo?"

Nagtuloy na kami sa paglalakad.

"Wala. Wag mong intindihin."

Ayaw kong sabihin. Trabaho ko yun ayaw kong malaman nila yung gagawin ko. Pero matatapos ko ba agad to kung ako lang?

"Bakit ayaw mong sabihin? Siguro manliligaw mo yun noh!"

Manliligaw ka dyan! Kung ano ano pumapasok sa isip mo eh!

"Ano naman kung manliligaw ko?"

Napatigil siya sa paglalakad ng sabihin ko yun kaya napatigil din ako. Nagtatakha akong tumingin sa kanya.

"Huyy. Problema mo? Bakit ka tumigil?"

Hindi niya ako pinansin. Nakatungo lang siya. Waahh gusto ko ng magpahinga kanina pa masakit ang paa ko. Medyo masakit pa.

When L Begins (INFINITE) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon