At bumaling ito sa kanya.

Agad na dumadagundong ang tibok ng puso niya nung nagtama ang mga mata nila.

"Are you okay? " agad na tanong nito sa malambing na boses, napalunok nmana siya, iba ang tono ng boses nito ngayon, malayong malayo sa boses nito kanina habang binabantaan ang kababata niya.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya at halos hindi niya marinig ang sinasabi dahil sa malakas na pintig ng puso niya.

"I was about to give you something....and I did promised that I will be back"sabi nito habang titig na titig sa kanya.

Agad nitong ininspeksyon ang braso niyang bahagyang nangitim na dahil sa mahigpit na hawak kanina.

Iniangat nito iyon at bago siya nakapag sabi na ayos lang siya ay napasinghap siya nung dinampian nito ng halik ang braso niya.

"Let me erase it...." sabi nito at nanlaki ang mga mata niya at namula siya sa ginawa nito.

Napakurap siya sa dating ng ginawa nito, para itong nanay na kapag nadapa ka ay hihipan ang sugat.

Kahit na sabihin mong para paraan ang ginagawa nito ay hindi pa rin maalis ang masuyong ginawa nito na naghatid ng kung anong mainit na bagay na humaplos sa puso niya.

At nagpapatuliro sa kanya....dahilan para hindi siya makapagsalita.

At kitang kita niyang ang masuyong ekspresyon nito kanina ay nung ibinaling nito iyon sa kababata niya ay naging matalim iyon.

"How dare you lay your hands on her" sabi ni Jazz sa kababata niyang hirap na bumangon at halata sa mukha nitong may iniinda itong sakit.

At nakakakaba ang boses ni Jazz na bagama't kalmado ay mapanganib ang laman ng bawat salitang sinasabi nito.

Nagpalipat lipat ang tingin niya sa mga ito at mukhang alam na niya ang susunod na gagawin ni Jazz.

Kaya naman bago siya nakapag isip ng gagawin para pigilan ito ay namalayan na lang niyang nakayakap na siya sa likod nito, at nakalagay ang mga kamay niya paikot sa bewang nito.

Kung may makakakita sa kanilang mga tao ay iisipin ng mga itong nasobrahan sila ng teleserye sa telebisyon.

Kaso dahil hapon na at alam niyang ang iba ay naghahanda na para magluto ng hapunan at medyo malayo ang bahay niya sa ibang bahay ay walang makakakita sa kanila.

"Jazz! Huminahon ka!" sabi niya dito at ramdam niya sa katawan niya ang matigas na kalamnan nito sa likod.

"He hurt you, and what if I wasn't around? What do you think will happen if he--"

"Tama na utang na loob...Jazz" sabi niya at iniyakap at dinikit niya ang mukha sa likod nito dahil naramdaman niyang naglakad ito palayo kay naman pinigilan niya ito lalo.

"Are you defending him?" tanong nito at batay sa boses nito, may hinanakit doon.

Humigpit ang yakap niya lalo.

"Hindi! Ikaw ang iniisip ko! Paano kung makasuhan ka at--" napasinghap siya nung napansin niyang muntik na niyang masabi na baka hindi niya na ito makikita pag nakulong ito.

Agad niyang binitiwan ito at lumayo at saka niya itinago ang mukha sa pamamagitan ng pagyuko.

At nakarinig siya ng pagbuntong hininga mula dito.

"So you're concerned" narinig niyang sabi nito, sumilip siya ng isang beses sa mukha nito at nakita niya ang panunudyo sa mga mata nito.

Namula siya sa sinabi nito.

Tama naman kasi siya. sabi niya sa loob loob, pero hindi siya aamin dito sa iniisip niya.

"H-hindi pa kasi ako tapos! A-ayoko ko lang na baka mag imbestiga ang mga tao na kung ano ang ginagawa ng dalawang lalaking duguan sa bakuran ng bahay ko at--" napatigil siya sa pagsasalita nung napansin niyang tumatalilis na ang kababata niya.

Pero napansin iyon ni Jazz kaya naman tinignan nito ang kababata niya.

"Don't you dare show me your face again and expect niyo na gagawin ko ang sinabi ko dati" banta ni Jazz dito.

"H-hindi mo ako mapapasunod!" sabi ng kababata niya at nanlaki ang mga mata niya nung akmang hahabulin na ni Jazz ito.

"Jazz!" tarantang habol niya.

Mukhang kapag mahahabol nito ang kababata niya ay mabubugbog na nito ng tuluyan ito.

Kailangan niyang mag isip ng paraan para mapigilan ito.

At baka tuluyan na itong makasuhan, kahit na sabihin mong binili na nito ang isla, pero hindi nito mabibili ang batas na pwedeng maipataw dito.

Agad niyang inunahan ito at saka siya pumwesto sa harapan nito.

"Stop defending him!" bulyaw nito at agad siyang parang natiklop na papel sa sigaw nito.

"B-bakit mo ako sinisigawan!" galit galitan niyang sabi, bahagya siyang nakaramdam ulit ng takot dito.

"I wasn't!" sigaw ni Jazz at akmang gigilid ito para iwasan siya pero gumilid din siya at para na silang nagpapatintero.

"Damn it! Get out of my way! Uulitin niya ang ginawa niya sa'yo kanina!" sabi nito at natigilan ito na parang may naisip na bagay?

Ano kaya 'yon?

"H-hindi na niya uulitin iyon, kilala ko siya--"

"Stop it!" sigaw na naman nito.

"Huwag mo akong sigawan!" naiinis na sabi niya.

"Then stop fucking defending him! " sabi din nito ng pasigaw.

Napaatras siya.

Pero hindi siya dapat papatalo dahil baka manganib din ang buhay ng kababata, at ayaw niyang mabahiran ng dugo ang mga kamay ni Jaazz.

"At bakit hindi! Bubugbugin mo siya!" sigaw niya din dito.

"Yes I will!" sabi nito.

Nagitla naman siya.

"Eh di tama ako---"

"I will beat him into pulp because I am fucking jealous right now!" sigaw nito sa kanya at kita niya ang sakit sa mga mata nito at nagulat siya sa sinabi nito sa kanya ngayon.

Nagseselos?

Ito?

Tulalang sinundan na muna niya ito ng tingin at para siyang nagising nung nakita niyang naglalakad n ito patungo sa kababata niyang bwisit na napakabagal maglakad palayo.

Mabilis niyang tinakbo si Jazz.

"Come back here you--" pero hindi na nito natapos ang anumang sasabihin dahil hinawakan niya ang mukha nito at saka niya hinila ang batok nito gamit ang dalawang kamay niya para maabot niya ang tangkad nito.

At saka niya ito binigyan ng isang mariing halik sa mga labi.

--

(A:N)

omg sorry mejo sabaw, pang fill kasi to hehe



Perfect Imperfections : JazzWhere stories live. Discover now