(Tenth) Love ka pa kaya ng EX mo?

1.3K 1 0
                                    

After break-up minsan umaasa ka pa na babalikan ka ng EX mo. Umaasa ka na mahal ka pa rin niya lalo na kung siya mismo ang unang lumayo. Umaasa ka na mahal ka pa rin. Iniisip mo kasi na hanggang ngayon ikaw pa rin ang nilalaman ng puso niya. Kumplikado lang kasi ang lahat kaya kayo nagkahiwalay. Paano nga ba malalaman na mahal ka pa ng EX mo? Tara! Pag-usapan natin ‘yan!

        Inaalam niya kung ano ang relationship status mo – inaalam niya kung kayo na ba ng masugid mong manliligaw. Minsan kasi may selos na nararamdaman kaya feeling niya nasasaktan siya kapag nababalitaan niyang may umaaligid sa’yong gwapo.

      Feeling affected pa siya kung makita niyang masaya kang nakikipag - close sa mga manlililigaw mo. At kung lalaki ka naman, lagi niyang binabantayan kung sino na ang nililigawan mo.

      May selos kasing nararamdaman kapag mahal ka pa ng EX mo. Mapapansin mo ‘yun lalo na kung madalas kayong magkita. Minsan naman, nagtatanong siya kung kayo na ba ng karibal niya. Minsan naman, naghihinala siya nang hindi totoo.

      “Kayo na pala, ‘di mo man lang sinabi sa akin.”  - mga lumang linya ng mga hindi makamove-on. Nagseselos lang kaya kung anu-anong iniisip na ‘di naman confirm kung totoo.

      Mahal ka pa rin niya kung ‘di nawawala ang communication ninyong dalawa. Sa text or sa facebook ‘di siya nawawala – kasi naman like niyang maging bestfriend mo.

      Sweet ‘di ba?

      Bestfriend after break-up na talagang nagaganap sa karamihan. Eh, kung maganda naman ang break-up eh, ‘di walang masama kung friends pa rin kayo.

      Love ka niya, kasi ginagawa niya ang lahat na maging okay kayo. Kahit bilang friends muna. Kasi naman ayaw niyang mawala ka. Na sana kahit friendship lang eh, love mo pa rin siya. Dahil kung bumalik ang closeness n’yo as friends pwede na siyang manligaw sa’yo at humingi ng another chance.

      Get’s mo teh?

 

      Friends na kayo pero ‘di ka sure kung love ka pa rin niya as more than friends? Simple lang ‘yan! Love ka pa rin niya kung pilit niya ipinapa-alala sa’yo ang mga bagay na pinagsaluhan ninyo.

      Naaalala pa kasi niya ang unang araw na nag-date kayo, lagi niyang sinasabi na ang saya niya nung GF ka pa niya, at hindi niya nakakalimutan ang mga likes and dislikes mo na madalas niyang ipaalala sa’yo.

      Kasi nga kung ‘di ka niya love baka sa iba siya naka-tambay ngayon. Inuubos nga niya ang oras niya sa’yo eh, kasi nga interesado pa siya sa'yo.

      Love ka niya kaya gusto niyang ma-involve sa’yo. Ang problema, kung ‘di mo na siya mahal ‘di ba? Pero ikaw naman, malambot ang puso kaya ibinibigay mo si friendship sa abot ng iyong makakaya.

      Pero kung matigas ang puso mo – sure ako papalakpak tenga mo. Kasi nga minahal mo siya pero anong ginawa niya? Sinaktan o niloko ka lang niya. Then? Babalik siya para iparamdam sa’yo na mahal ka pa rin niya?

      Emote siya! Nasaan ba siya nang minahal mo siya?

      Nakaka-badtrip pa kung may friendship pa siyang nalalaman. Pero kung love mo pa rin siya, aminin mo ‘di mo ipagkakait ang friendship na hinihingi niya. Mahal mo siya pero ayaw mo na kaya pinipilit mo ang sarili mo na hanggang kaibigan na lang. At willing ka ng magmahal ng iba.

      Oo, mahal mo siya pero handa ka nang kalimutan siya at hanggang friends na lang ang lahat. Takot ka na kasing masaktan at sawa ka na sa mga kasinungalingan niya. Isa pa, mabait ka lang talaga kaya friends mo mga EX mo!

      Mahal ka pa niya kung hanggang ngayon eh, ‘di siya makamove-on. Lagi na siyang humihingi ng apology sa ginawa niyang kasalanan sa’yo. Kulang na lang lumuhod siya sa’yo para mapatawad mo siya. At katulad ng drama sa TV eh, madalas humihingi siya ng second chance.

      Kilig ka naman kung love mo pa rin siya pero badtrip kung hate mo na siya.

      Over-acting na kasi! Paano ba naman, napatawad mo na siya pero paulit-ulit ang sorry niya. Nagbara na yata ang tutuli mo sa tenga sa mga sorry niya.

      Love ka pa rin niya kung hanggang ngayon eh, kinakausap ka niya sa mga personal life niya. Hinihingi niya ang mga advices mo o minsan naman kailangan niya ng tulong mo.

      ‘Di pa rin kasi nawawala ang tiwala niya sa’yo. Feeling niya part ka pa rin ng buhay niya. Mahal ka pa rin niya kung hanggang ngayon single pa rin siya. ‘Di siya naghanap ng iba para makamove-on siya. Gusto niya kasing ipakita sa’yo na ikaw pa rin ang mahal niya.

      Marami pang signs para malaman mo kung love ka pa rin ng EX mo pero 'yan muna ang babanggitin ko. Tandaan mo, kung dumating man ang araw na bumalik siya para sabihing mahal ka pa rin niya. Pakinggan mo lang ang bulong ng puso mo.

      Kung love mo pa siya, dapat ihanda mo ang sarili mo sa RISK kasi pwedeng maulit muli ang nangyaring hindi maganda.

      Paano ka ba makakatiyak na ‘di na mauulit ang panlolokong ginawa niya? Sure ka na ba na nagsasabi na siya ng totoo?

      Kaya bago ka magbigay ng one last chance dapat kilalanin mo muna siya at patunayan niya na nagbago na siya.

      Huwag mo siyang babalikan kung gusto mo lang gumanti sa kanya - bad ‘yun!

      At kung ‘di mo na siya love at love ka pa raw niya eh, ‘di emote siya - isipin mo na lang na ilang araw kang nagdusa nang iniwan ka niya. At ngayong nakamove-on ka na babalik siya para guluhin ang tahimik mong buhay?

      Emote siya!

      Kung love ka niya at alam mo sa sarili mo na love mo pa rin siya dapat ayusin mo muna kung bakit naging kumplikado ang relasyon ninyong dalawa. Kasi kung ‘di maaayos 'yan paulit ulit lang ang situation - magiging mas complicated lang ang lahat.

      Kung love mo pa rin siya pero ayaw mo na kasi sumakit ulo mo sa mga kasinungalingan niya eh, ‘di pakawalan mo na. Ikaw na mismo ang umiwas sa kanya.

      Kung love mo pa si EX pero siya ‘di ka na love - simple lang move-on ka na lang! Huwag ipilit ang sarili sa taong ayaw na sa'yo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

H.U.M.A.N Ang Utak mo!Where stories live. Discover now