(Fourth) Types of Loveyouiousness

57 1 1
                                    

Narinig niyo na ba yung kantang #Inlove.Pumapag-ibig?

Ang dame kasing nakaka-relate ng sobra sa kantang yun, Lahat ng tao sa mundong ibabaw ay nagmamahal. Walang taong hindi marunong magmahal.

Minsan kasi, kahit hindi natin aminin sa sarili natin na ang sarap magmahal ng wala kang iniisip, wala kang inaalala. Hindi ka tao kapag hindi ka marunong magmahal.

Maraming uri ng pagmamahal, depende sayo bilang beholder kung papaano ka magmamahal..

How can you define Love?

Love is Mysterious way.

Love is Blind.

Love is Sacrifice.

Love is Unconditional.

Love is the most important gift from god.

At kung anu-ano pa..

Pero para sa akin, kahit anu pa man ang ibig sabihin ng love..

Lahat tayo ay marunong gumamit nito. Isa-isahin natin kung anung uri ng pagmamahal ka nabibilang..

Una..

Eros Love

Ito yung klase ng pagmamahal na nagpapakita ng intense at passionate na pagmamahal sa iyong minamahal na asawa o kasintahan. Ito ay nagpapadama ng Romantic Feelings sa kanya-kanyang ka-partner.

Halimbawa, sa Mag-asawa habang sila ay nagtatalik unti-unti nilang pinaparamdam ang Eros Love, ang kanilang Affection and Passionate Love. Since sila ay naikasal na, mas banal at totoo ang kanilang pagmamahalan na pinagbuklod ng maykapal. Na kailanman walang makakasira,pwera na lang kung sila mismong mag-asawa ang sisira o tatapos.

Sa mga mag-kasintahan naman, madalas mas naipaparamdam nila ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pagsasabihan ng "I Love you.. I miss you" at kung minsan nagyayakapan at paghahalikan. mas nai-express nila yung intense na feeling.

Kaya kong isa ka dito? Relate much ka talaga?

Pangalawa..

Storge Love

Ito ay uri ng pagmamahal na nagpapatungkol sa pamilya, magulang para sa anak at Anak para sa magulang.

Iba ang pagmamahal na ito dahil kadalasan, common na natin itong nararamdaman ito, at kung minsan pa ay ipinagbabawalang bahala nlng yun.

Sa Pamilya, hindi masyadong nagsasabihan ng mahal natin sila, dahil mas gusto na lang natin iparamdam.

Well that's Love, its not about the word that came from your mouth, but its about the efforts.

Ang pagmamahal ng Anak sa Magulang..

Para sa akin, mas madalas lugi ang mga magulang dito. Alam niyo ba kung bakit? Kasi sa panahon ngayon, mas marami na ang napapariwara at hindi na nila iniisip ang paggalang nila sa mga magulang nila. Basta makahingi na lang ng baon ay Wagas eh! Kaloka! Mag-aral ng mabuti ate. Mahalin mo magulang mo. Gawin mong espesyal ang mga oras na magkasama kayo, dahil hindi niyo alam kung hanggang kailan tayo mabubuhay.

Ang pagmamahal ng Magulang sa anak!

Para sa akin, ang pagmamahal ng magulang ay isa rin sa pinaka-importante sa buhay ng isang tao. Kasi kung wala kang magulang, walang mag-aaruga at mag-aalaga sayo. Sinawi ka masyado ng bongga.

Pero alam niyo ba, sabi nila.. Mas natitiis daw ng anak ang magulang kesa sa mga magulang, Dahil kailanman ang mga magulang ay hindi naaatim o natitiis na mapahamak ang kanilang mga anak.

Minsan nga lang, may mga magulang na walang pakialam at walang kwenta (No hard feelings sa mga magulang dyan out there!) may mga sadya kasi talagang pabaya, sabi nga nila mahirap magpalaki ng magulang lalo na kapag paurong yung pagtanda nila.

Pangatlo..

Agape Love

Ito ang pinaka-espesyal at pinaka-mahalagang uri ng pagmamahal. Ito ay tumutukoy sa ating panginoon o creator na gumawa ng langit at lupa. Ang kaniyang Love din ay tinatawag ding Sacrificial Love or Unconditional Love.

Napakabanal ng pagmamahal na ito na tanging ang may lalang lang ang tinutukoy.

Sabi nila, ang pagmamahal ng ating panginoon ay Sacrificial dahil kaya niyang isakripisyo lahat ng meron siya upang iligtas tayo sa kasalanan ng mundo. Kaya nga ibinigay niya ang kaisa-isa niyang anak para matapos na ang mga kasalanan nating mga mortal.

At ang panginoon din ang Unconditional Love dahil gagawin niya ang lahat ng makakaya niya upang maging maayos ang buhay mo, ng walang hinihinging kapalit na kahit ano.

Ganyan magmahal ang panginoon. Walang pinipili, lahat minamahal niya ng lubusan. Sobrang napakabuti niya, kahit kakaunti lang ang nagtitiwala sa kanya, mahal na mahal niya pa rin tayo bilang kanyang mga anak.

----------------------------------------

Marami akong hindi naisulat dyan, ilan lamang yan sa mga nalalaman ko sa mundo ng pag-ibig, nakanaks!

Maraming salamat kung nasagot ang iyong katanungan, matalino ka human! :-)

(As an Amateur writer, I need your opinions, suggestions or any clarifications regarding sa pagsusulat ko para mas ma-improve ako sa writing skills ko! Thank you so much and God Bless!)

H.U.M.A.N Ang Utak mo!Where stories live. Discover now