(Second) #EstudyanteMode #FDC

64 1 5
                                    

#Estudyante Mode.

#Aral Aral din!

Ilan lang yan sa mga hashtags na kadalasang nakikita natin sa mga paborito nating mga social networking sites katulad ng Facebook, Twitter at Instagram.

Paano nga ba ang maging isang estudyante?

Paano nga ba ang mag-aral ng mabuti? What a question noh?

Ibang-iba kasi ang pananaw ng mga kabataan sa panahon ngayon.

First Day Classes..

Ano nga ba ang kadalasang ginagawa o pinagkakaabalahan ng mga estudyante sa ating kapanahunan? Ating isa-isahin..

1. Siyempre, bilang First Day of Class eh dyan nangyayari ang "Tell me about yourself (kuno)" Aba! Walang kamatayang pagpapakilala, kabisadong kabisado na ata ng mga kabataang estudyante, Kailangan pa bang i-memorize yan. bisyo na to? haha! Naman, once and for all, ibahin niyo naman po mga teachers and professors. Gasgas na eh. Maiba lang, nakakaumay na kasi eh. kayo kaya? Try niyo. (Chos!)

2. Sa first day din nagaganap ang Class Officer Election, Oh diba? Election agad? Kabago-bago pa lang. Kaya yung iba, porket Maganda or Gwapo eh instant nagiging President. Ikaw ba namang Good-Looking eh, ewan ko lang kung walang bumoto saiyo. Nasaan ang katarungan para sa mga naaapi? Hayy naku! Naka-Relate ba kayo? umay na rin ako dito eh! Wala ako masabi sa ganyan. (Speechless -_-)

3. At sa First Day Class din natin nakikilala ang mga friendship at friendster natin. FC agad as in Feeling Close, yung tipong kadaldalan at kachikahan mo agad hanggang maghapon at matapos ang klase. Nakakatawang isipin na parang mag-bestfriend na agad ang turingan niyo. Ang babaw pero ganyan ako. hehe! Lalo na dun sa mga highschool student nowadays. Instant Friendship.

4. At kung sa First Day Class natin nakikilala ang mga Friendship natin, dyan din natin nakikilala ang mga Enemy as in Mortal Enemy. Yun bang unang beses mo pa lang siyang makita eh, inis na inis ka na. yung suklam na suklam at nag-iinit ung dugo mo. Paano ba naman, saksakan ng kayabangan at kaartehan. Sige, sabihin niyo sa akin kung sinu ang hindi maiinis sa ganyang set-up. Nakakabwisit kaya?

Ramdam mo?

5. Pumapang-Lima sa listahan natin ang pinaka-trending sa lahat. Madalas eto na lang ang laman ng mga status ng mga student, at kadalasan eto na lang ang ipinapasok ng mga estudyante ngayon. Mga Mahaharot! Paparating pa lang ang crush! Nadikitan lang ang balat, Parang hihimatayin na agad. First time pa lang makita yun ah. Partida yan! Sarap pagkukurutin sa singit eh! Hayy! Kebabata pa eh! Mag-Aral muna kayo mga ineng at totoy. Paluin ko kayo dyan eh, Aral muna bago harot.

Study First Before Anything else!

6. Next sa listahan natin ay ang madalas inaabangan din ng mga student outhere!

Ang mga Teachers o Guro, yun bang inaabangan nila kung masungit ba at terror. O kaya naman Maganda o Panget. O baka kasing bait ng Anghel si Maam at Sir. Whatever? Kaabang-Abang ba yun? Siguro nga, malalagay ba sa listahan kung hindi importante. (oh nga naman,hehe!) Iba-iba naman kasi tayo ng inaabangan eh.

7. Second to the last, listahan eh isa rin sa gusto ng mga estudyante. Ang School Uniform. Gusto rin nilang tingnan sa First Day Class kung maganda ba ang uniform, kung babagay ba sa kanila? Kanya-kanyang yabangan na yan, paiksian nga ng palda eh! Bahala na kung makita na ang kuyakot! ( Ang hard ko, Tama ba yung term ko?) basta ang importante din sa mga estudyante kung anu ang isusuot nila. Aba! parang nagpapagandahan na lang ang ipapasok nila dun. Mga Ateng at Kuyang, Aral muna. Saka na yan!

8. The Last and the most important! Haha! Sabi nga nila, mawala na ang lahat, wag lang daw itong bagay na ito.

Kahit sino ito ang pinapahalagahan, unang araw pa lang. Ang mahiwagang Baon! Bow! Sino nga ba ang hindi aabangan ang ganyan. Yabangan sa Baon, palakihan daw? Kawawa naman ang mga mahihirap na walang maipagyayabang na baon. Hindi sila makasabay sa mga mayayaman na unang araw pa lang ng klase eh wala ng ginawa kundi magyabang ng magyabang. Mag neneng at totoy, tandaan mong hindi naman ikaw ang naghihirap sa perang pinangbabaon mo.

Basta ako? Tingin ko ilan lang yan sa mga nangyayari sa First Day Class na kadalasang nararanasan. Agree naman siguro kayo noh? Tingin ko maraming naka-relate dyan sa inyo?

Always remember, na hindi importante ang mga materyal na bagay dito sa mundong ibabaw. Try mong mag-aral muna ng mabuti para kapag nakapag-tapos ka na, makatulong ka na sa pamilya mo. I Thank you! Bow!

                                                                        -End of Chapter II-

(As an Amateur writer, i need your opinions, suggestions, or any clarifications para po ma-improve ko po ang writing skills ko.. Thank you.. God Bless..)

H.U.M.A.N Ang Utak mo!Where stories live. Discover now