Chapter Twenty-Five

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wala 'yon. I-dadagdag ko nalang  sa sisingilin ko sayo." He chuckled.. Hindi rin naman naiwasan ni Chase ang mapatawa sa sinabi niya. Ian is always with his humor. This is his other half.

"Okay, mag-lista ka lang."

"Dadalawin mo ba si Lyan?" Biglang napawi ang kanyang ngiti nang maalala niyang nasa Hospital nga pala ang kanyang Nanny.

"Yes. I should visit her. I'm her Boss, after all"

"Then I guess, bukas ko na ulit siya dadalawin" saad naan ni Ian.

"Bakit mo siya dinalaw? I didn't know you were that close to see her."

Ian just blinked his eyes when Chase asked him. He thinks that it is nothing. Ngunit hindi niya inaasahan ang pag-confront sa kanya ni Chase ng ganito.

"We're friends. I think that's enough reason to see her. " Ian just shrugged his shoulders.

"Bakit pakiramdam ko iniinterview ako ng Tatay ni Lyan?" Bigla namang nag-iwas ng tingin si Chase

"I'm just asking. I felt bad that I didn't know it first... that she was in the hospital."

"Lyan is a good person. Maswerte ka sa Nanny na nakuha mo this time. Don't let her go"

**
"Santong Kabayo ka!" Nang ma-imulat ni Lyan ang kanyang mga mata ay nakakita siya ng isang lalakeng nakaupo sa kanyang tabi.

"Why? Anong nangyari?" Naalarma naman si Chase at napatayo ito nang mapabalikwas sa bangon si Lyan

"W-Wala po, Sir" Napayuko naman ito sa hiya nang mapagtanto niya ang kanyang rekasyon. Hindi naman niya aasahang makikita niya ito ngayong gabi. Napatingin naman siya sa orasan. Mag aalas dose na ng hating gabi. Mukhang ngayon lang natapos ang party.

"Are you sure? Parang sinasaniban ka na kaya" Napabalik naman si Chase sa kanyang upuan.

"Normal pa po ako sa lagay na ito, Sir" Napangiti na lamang si Lyan.

Nagtagal ng kaunti ang titig ni Lyan kay Chase. Nakatanggal na ang kanyang coat at tanging ang polo na lamang nito ang kanyang suot. Some part of her wished she could have seen him in his attire a while ago. Napaka malas lang niya ngayong araw at hindi niya ito nakita.

"Do you want to walk outside?"

Hindi naman natanggihan ni Lyan ang alok ni Chase. Kanina pa siya tahimik habang naglalakad sila. He seems to be having a good day today. After all it was his birthday. Sapat na rason na hindi niya nasabi ang karumaldumal na ginawa ni Hana sa mga bata.

"I came here for your explanation" Napatingin naman si Lyan sa paper bag na hawak ni Chase. Ngayon niya lamang napansin ang hawak nito.

Napaupo naman silang dalawa sa isang bench at inilabas ni Chase ang laman ng paperbag na hawak nito.

"I was so glad that Jin and Jana gave me a gift. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ito ang laman" Chase tapped the canned beers and the box of band aid.

"I mean you spent most of the day with the kids, Siguro ay ma-ipapaliwanag mo ang tungkol dito."

"Kase po-" Naudlot ang sasabihin sana ni Lyan nang biglang tumayo si Chase at ipinatong sa kanya ang coat niya na hawak hawak niya kanina pa.

'Ang kulit mo ngayon, Sir'

Sinundan lang naman ni Lyan ng tingin si Chase nang makabalik ito sa upuan niya. Pasimple naman niyang inamoy ang coat ni Chase. Ang bango pa rin talaga. And this side of Chase never fail her.

"Kase po Sir ang sabi ni Jana ay lagi niyo daw hinahawakan ang noo niyo. So parang naisip ng dalawa na laging sumasakit ang ulo ninyo at maaring magamot ito ng band-aid"

The Boss and his TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon