9. "The Birthday"

2.1K 100 7
                                    

         

 

          "The Birthday"

Mahigpit na niyakap ni Blade si Ai. Nasa airport sila ngayon para ihatid ito.. Uuwi na si Ai sa Japan.

"Mag-ingat ka ah? Mamimiss ulit kita." wika niya.

"Ako rin... Promise, babalik ako sa pasko."

Kumalas na sila sa pagkakayakap sa isa't-isa at sina Hunter at Drake naman ang sumunod na yumakap dito. Matapos iyon ay iniabot ni Blade kay Ai ang dala niyang bag.

"Pinapabigay ni Tandang Gusting sa'yo. Mga prutas iyan na binabad sa honey." wika niya.

Agad na kinuha iyon ng binatilyo at ngumiti ito ng maluwang.

"Arigatou!"

"Welcome!" wika ni Blade.

Inihatid nila ito hanggang sa departure area. Inantay muna nila itong makaalis bago sila umuwi. At pag-uwi nila, agad silang naghanda dahil kinabukasan... Pupunta sila sa bahay ng Lolo nila Rane na magdadaos ng kaarawan.

Kinabukasan, medyo malayo ang biyahe at bahagya nang naiinip si Blade. Napatingin siya kay Rane na nakaupo sa may harapan niya. Nakasakay silang lahat sa van nila Rane at ang Daddy nito ang nagmamaneho. Semestral break na kaya okay lang kahit magtagal sila doon sa bahay ng Lolo ng mga ito.

"Rane, malayo pa ba ang bahay ng Lolo mo?" naiinip niyang tanong.

Busy si Hunter sa pagtingin ng view sa labas. Samantalang si Drake, lumilipad na ang espiritu sa mundo ng panaginip. Ang himbing ng tulog nito. Busy naman sina Karen at Conrad sa paglalaro ng tablet.

"Malapit na. Kapag nadaanan natin iyong sementeryo, Heaven's Gate na. Doon ang destinasyon natin."

Napaubo siya ng bahagya sa sinabing iyon ni Rane.

"He he, binibiro mo ba ako?"

"Hindi. Heaven's Gate talaga ang nakalagay doon sa arko ng hacienda ni Lolo Con."

"Ah... Ganoon pala." wika niya.

Ilang sandali pa ay nadaanan na nga nila ang sementeryong sinasabi ni Rane. Pagkatapos noon ay lumiko sila sa kaliwang bahagi ng kalsada at nakita na nila ang higanteng arko na may desenyo ng mga anghel at pangalan na... HEAVEN'S GATE. Pumasok na sila sa lugar at nalantad sa kanyang paningin ang malawak na taniman ng palay, at mga kung anu-anong prutas. Marami din siyang nakikitang baka at mga kabayo doon. Grabeh, para siyang nananaginip...

Natanaw na nila ang malaking bahay at iyon ang kanilang tinutumbok. Luma na iyon at noong panahon pa ng kastila ang desenyo, pero maganda pa rin. Classic... Huminto ang sasakyan sa harap ng bahay at excited na bumaba doon ang mga bata.

Sinalubong sila ng isang matandang lalaki na mukhang kanina pa naghihintay.

"Mga apo ko!" excited na wika ni Lolo Con.

"Yeheeey!!..." tuwang sigaw ng mga bata.

Pero imbes na takbuhin ng mga ito ang matanda ay sa mga puno ng citrus dumiretso ang mga ito. Nasa gilid lang ng bahay ang taniman ng citrus at humahalimuyak sa hangin ang mabangong amoy ng mga puno.. Tawang-tawa sina Leon at Kristine sa nasaksihang eksena.

"Uy, mga apo! Nandito ako! Ang Lolo niyo!"

Ngunit wala pa ring nangyari dahil nasa bunga ng mga citrus ang buong atensyon ng mga bata. Lumapit na sina Leon at Kristine sa matanda at nagmano. Yumakap din sila.

Sir Blade BOOK 2Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ