29. VENGEANCE

2.4K 113 6
                                    

"VENGEANCE"

Kasalukuyang naglalakad sa may butterfly garden sina Drake at Daisy habang nagkukuwentuhan. Gabi na kaya ang naka-on na ang ilaw sa lugar. Pareho silang may hawak na cup ng kape sa kanilang kanang-kamay. Nakikita nila ang mga magagandang bulaklak sa garden na dinadapuan ng mga makukulay na paru-paro.

"Curious question... Tumugtog pa rin ba ng violin ang Lola Erein mo matapos siyang iwanan nang lalaking minahal niya noong mabulag siya?" tanong ni Drake.

"Hmm... Hindi na. Naging malaking dagok sa kanya ang pangyayaring iyon. Kinalimutan niya ang music para makalimot din siya at maka-move on. Teka lang, bakit ba tanong ka nang tanong tungkol kay Lola Erein?" maang na tanong ni Daisy.

Bahagyang natigilan si Drake at napangiti ng alanganin. Mukhang nagtataka na ito sa kanya kasi panay ang tanong niya tungkol kay Erein. Pero salamat dito kasi marami siyang nalaman.

"Ahm... Curious lang ako kagaya ng sinabi ko. Medyo nadala kasi doon sa mga naikuwento mo sa akin noong una tayong magkita at magkausap. Kasi nga di ba... Kapangalan ko iyong naging first love ng Lola mo..." alanganing paliwanag ni Drake.

Matamang tumingin sa kanya si Daisy dahil sa sinabi niya at medyo naiilang na siya kasi parang nagdududa na ang titig nito.

"O-Oo nga eh, kapangalan mo siya. Pero imposible na ikaw siya. Kasi kung ikaw ang lalaking iyon dapat ay more than one hundred years old ka na. Kasi, Lola ng lola ko pa ang pinag-uusapan dito." comment pa ng dalaga.

Napainom si Drake ng kape sa hawak niyang cup. Tama, more than one hundred years old na nga siya. Guilty siyang napatingin sa kanyang kasama at napahinga siya ng malalim.

"Anyway, change the topic na lang."

"Okay, ano na ang topic?" tanong ni Daisy sa kanya.

Lumapit sila sa isang bakanteng bench at naupo sila doon. Kakaunti lang ang tao sa garden at karaniwan sa mga ito ay mga magkasintahan o mag-asawa na nagde-date. Nag-isip ng topic si Drake.

"Hmm... Ano ang kinatatakutan mo?" bigla niyang tanong.

Uminom muna ng kape si Daisy at alanganing tumingin sa kanyang kasama.

"Hmm... Alam kong nakakatawa ito, pero takot ako sa vampires." alanganin niyang wika.

Napatitig siya sa mukha ng kasama niya. Sana lang, hindi ito mapikon sa kanya kasi mukha itong vampire dahil sa putla ng balat nito.

"Ah...?!" gulat na wika ni Drake.

Sa lahat ba naman ng puwede nitong katakutan?! Bigla niyang pinagsisihan ang naisip niyang topic.

"Ayos ka lang?" untag ni Daisy sa kasama niya.

Natigilan kasi ito sa sinabi niya. Nainsulto niya yata?

"Sorry, hindi naman kita gustung insultuhin. Mukha ka ngang vampire pero hindi ka naman ganoon di ba? Iyong mga fictional characters lang naman ang sinasabi kong kinatatakutan ko eh..." alanganin niyang paliwanag.

Marahas na napakamot sa kanyang batok si Drake.

"Abuwisit ak pa." mahina niyang wika.

Tuliro siyang tumingin sa mukha ng kasama niya at lakas-loob na nagtanong. Heto na ito eh, naumpisahan na niya.

"B-Bakit mga vampires ang kinatatakutan mo?"

Uminom muna ng kape si Daisy bago siya magsalita.

"Noong bata kasi ako, naranasan kong maliparan sa ulo ng maraming paniki. Grabe ang takot ko noon. Nakadagdag iyong takot ko nang may mapanood akong pelikula na horror at nakita ko doon na iyong mga bats, nagiging vampires. Ayon, takot na tuloy ako sa vampires hanggang ngayon..."

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon