LMG 13. | Marami na siyang bagay na hindi nalalaman

4 3 0
                                    

• • •


Nanuod lang kami ng movie na dinownload ni Rafael sa cellphone. Inihatid na din niya ako sa bahay at nalaman kong hindi pa nakakauwi si Cameron.

Nakatanggap din ako ng text mula kay mom pagkatapos kong mag palit ng uniform.

[ Nakauwi na ba kayo? Si cameron. Hindi ko siya matawagan.. ] inis na naihagis ko ang cellphone dahil sa nabasa. Hindi ako nag reply pero hindi pa ako nakakatayo nang biglang tumawag si mom.

"Hija. Magkasama ba kayo ni cameron?" nag aalalang bungad niya agad sa akin. It took a seconds before I answer her question.

"Hindi po." maikling sagot ko.

"Paki hanap naman siya hija. Nag aalala na kami ng dad mo sa kaniya." hindi na ako nagulat sa narinig. Hindi ito ang unang narinig kong nag aalala sila kay Cameron. Hindi rin ito ang unang pinadama nila sa akin na mas importante pa ang lalakeng iyon kaysa sa akin. Kaya ano pa ba ang aasahan kong mararamdaman ko.

"Yes mom." sabi ko at ako na mismo ang nag baba ng tawag. Inis na lumabas ako nang bahay at hinanap si Cameron. Isa lang ang alam kong lugar na maaari niyang puntahan. Ang overlooking na madalas namin puntahan noon.

Dahil gabi na at ngayon nalang uli ako nakapunta at nakaakyat dito ay nanibago ako. Hindi tulad noon na wala na akong pake sa aapakan ko dahil kabisado ko naman ang daanan pero ngayon kailangan ko pang tingnan muna ang hahakbangan kung ligtas ba iyon.

Wala pa ako sa tuktok ay natatanaw ko na si cameron na nakahiga. Doon ay nakahinga ako ng maluwang.

"Akala ko nakalimutan mo na ang lugar na ito.." agad akong napahinto sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Eron. Nakadama na din ako ng kaba dahil sa tono ng pananalita niya. Naninibago ako doon at alam ko ang dahilan kung bakit ganon ang boses niya.

"Umiinom ka ba?" mabilis na tanong ko sa kaniya.

"Hanggang dyan ka nalang ba talaga? Hindi ka na ba talaga lalapit sakin?" nasasaktang tanong niya sakin. Gustuhin ko mang lumapit pero nanginginig ako at wala akong lakas na humakbang.

"Umuwi na tayo.." pagyayaya ko sa kaniya at hindi pa din ako umaalis sa kinatatayuan ko.

"Bwisit!" narinig kong mura niya sa hangin. Alam kong naiinis na siya dahil hindi ako lumalapit sa kaniya.

"Kanina ka pa hinahanap nila mom-" hindi ko pa man din natatapos ang sasabihin ko nang makita kong umupo siya mula sa pagkakahiga.

"Kayo na pala.. hindi ko manlang napansin.." sabi niya sakin

"Wala na pala akong hihintayin. Bwisit lang talaga! Naiinis ako!" galit na sabi niya at nilingon ako.

"Pano mo nagawa sakin ito? Akala ko ba ako? Akala ko ba magiging tayo?! Bwisit naman oh!" inis na tumayo siya at may kung anong bagay na sinipa. At base sa tunog ay bote iyon ng alak na iniinom niya.

Ganyan nga. Mainis ka at magalit ka. Masaktan ka ng todo kagaya ng ginawa mo sakin. Ganyan nga Cameron.. Umiyak ka sa harapan ko para hindi ko naman maisip na ako ang talo sa laro mo.

"Kulang pa yan. Kulang pa lahat ng ito sa mga ginawa mo sakin! Hindi mo lang alam kung gaano ako nasasaktan kapag mas madalas ikaw pa ang kasama nila mom imbes na ako diba?!" inis na sabi ko sa kaniya.

"Ang babaw lang non Rona! Baka talagang dati mo pa ako niloloko? Kailan pa? Kailan pa ako nag mukhang tanga sayo ha?!" sigaw niya sakin at humakbang palapit sa posisyon ko.

Hindi yun mababaw tanga!

"Hindi ka ba talaga naniniwala?" naiinis na sabi ko sa kaniya.

"Hiwalayan mo siya. Hindi kayo bagay.." mahinahong sabi niya sakin na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"Hindi ko siya hihiwalayan." mabilis na sagot ko sa kaniya na ikinasalubong naman ng kilay niya.

"Hindi mo hihiwalayan? Gusto mo ba talaga akong nakikitang nagagalit?" sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Naramdaman ko na din na hinawakan niya ako sa braso at nanlaki ang mata ko nang maramdaman kong hinigpitan niya ang pagkakahawak  sakin.

Ouch!

"Bitiwan mo ko!" pagpupumiglas ko sa hawak niya pero mas diniinan niya iyon.

"Okay fine! Hihiwalayan ko pero aalis ka sa bahay at babalik ka sa kung ano ka naman talaga!" sabi ko at tinitigan ko din siya pabalik. Susubukan ko kung gaano siya katapang ngayon dahil iyon din ang ginagawa niya sakin.

"See? Hindi mo magawa puwes hindi ko din gagawin!" dagdag ko pa nang wala manlang akong narinig na sagot mula sa kaniya.

"Ano ba talaga ang ginawa mo bakit parang napaka importante mong tao sa mga magulang ko? Ano ba talaga ang gusto mo?  Pera? Yumaman? Makaahon sa hirap? Ano?! Lahat naman yun pwede mong makuha nang hindi ako sinasaktan!" sabi ko sa kaniya at hindi ko na napigilan ang sariling hindi maiyak

"Kung kayamanan lang namin ang habol mo puwes ngayon palang sinasabi ko sayo hindi ka magtatagumpay. Bukas na bukas din kakausapin ko si mom about sa plano mo. Mukhang nabibilog mo na sila pero ako hindi!" dagdag ko pa at itinulak ko siya at tumakbo na ako pababa.

Gusto kong tumakbo palayo sa kaniya.  Ayoko siyang makita at ayoko din na makita niya na umiiyak ako at nasasaktan. 

Kung akala niya mababaw lang ang lahat ng ito puwes hindi sa isang katulad ko na ayaw na uling maramdaman ang pakiramdam ng iniwan at inabanduna.

Marami pang bagay ang hindi pa alam ni Eron tungkol sakin at ang mga bagay na iyon ay ayaw kong malaman niya.

Voteeeeeee

LET ME GOTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang