LMG 8. | Sino ang boyfriend ni Rona?

4 3 0
                                    

• • •

Hindi ako nakapasok at nag kulong lang ako sa bahay. Nalaman ko na hindi parin umuuwi sila mommy and assual hindi parin nakakauwi si Cameron. Hindi ako sumagot nang makarinig ako ng katok mula sa pinto.

"Rona! Buksan mo ang pinto!" bigla akong napabalikwas ng marinig ko ang boses ni Eron na halatang galit. So nakauwi na pala sila?

"Yes? Whats your problem?" walang emosyon tanong ko sa kaniya nang pag buksan ko siya. Pumasok lang siya sa kwarto at sinarado.

"Anong bang problema mo ha?" agad na bungad niya sakin na ikinataas ng kilay ko. Bakit niya sakin tinatanong kung ano ang problema?

"Pwede bang lumabas ka na. Ayoko makipag usap sayo!" sigaw ko sa kaniya at kunwari nag hahanap ng damit para maligo.

"SABIHIN MO NGA SAKIN KUNG ANO ANG PROBLEMA AT BAKIT KA NAG KAKAGANYAN? HA?" nataasan na niya ako ng boses at nagulat ako at napahinto sa ginagawa.

"Wala okay? Walang problema kaya umalis ka na please!" pagtatabuyan ko sa kaniya at tinulak ko siya palabas. Dahil alam niya din na wala siyang makukuhang sagot sakin ay kusa na din siyang umalis.

Hindi ko alam pero bigla akong napaiyak paglabas niya. Bakit ba kasi ako nag kakaganito?

Natatakot akong magalit sakin si Eron at ayaw ko din siyang lumayo. Siguro nga dahil sa mga bagay na nagbago, nagbago na din ang nararamdaman ko pero sigurado pa akong may nararamdaman pa ako sa kaniya ang hindi ko lang matanggap ay ang atensyon ng mga magulang ko na nakuha niya at wala siyang itinira kaunti para sakin.

Hindi na ako lumabas hanggang gabi. Dinalhan nalang ako ng katulong ng pagkain pero kaunti lang ang nakain ko.

Maaga akong pumasok ako sa school at hinanap ang isang taong napansin kong hindi ako kinukulit ngayong araw.

"HOY!" ginulat ko si Rafael na nag lalaro ng mobile games. Bigla naman niyang binaba ang cellphone at tinago.

"Bakit? Anong kailangan mo?" tanong niya at kinuha ang bag at tumayo para maglakad.

Naglakad na din ako para sundan siya sa kung saan man siya pupunta.

"Pansin ko hindi mo na ako kinukulit" pangangasar ko sa kaniya habang sinasabayan ko siya sa paglalakad.

"Alam mo Rona. Hindi kita pinipilit na maging girlfriend ko, gusto ko yung magustuhan mo muna ako." bigla akong napatigil sa paglalakad sa sinabi niya pero hinabol ko uli siya.

"Bakit kung kailan gusto na kitang maging boyfriend ayaw mo na sakin?" kunwaring nalulungkot na tanong ko sa kaniya na ikinahinto niya at hinarap ako.

"Paano si Cameron?" tanong niya sakin na ikinatigil ko bigla sa pag ngiti.

"Kung ayaw mo. Madali lang naman yon, marami namang may gusto sakin dyan sa tabi tabi na pwedeng-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinila palapit sa kaniya.

"Okay. Papayag na ako.." seryosong sabi niya na ikinatawa ko ng malakas.

"Bwisit ka! Hahaha bakit parang biglang ikaw ang naging babae hahaha" natatawang sabi ko at nakita ko ding natawa siya.

Buong klase ay mag katext kami ni Rafael. Natatawa ako sa mga jokes niya sakin na matagal na daw niyang tinatago.

Kami na pero hindi pa namin pinapakalat. Kami lang ang may alam sa relasyon namin. Masaya kasama si Rafael at panandalian kong nakakalimutan ang problema ko kay Cameron.

"Sabay tayo mag lunch." yaya ko kay sa kaniya at pinadala ko sa kaniya ang bag ko.

"Sege. Pero pagkatapos pwede mo ba akong dalhin sa madalas nyong puntahan ni Cameron?" bigla akong napahinto sa paglalakad sa narinig ko.

"Ayoko nga!" natatawang sabi ko at tumakbo kaya naman ay hinabol ako ni Rafael. Napadpad kami sa likod ng school at ngayon lang namin natuklasan ang lugar na ito.

"Woah! Ang ganda dito!" manghang manghang sabi ko dahil sa mga bulaklak na nakikita namin. Binaba niya lang ang bag namin at kumuha siya ng bulaklak at inilagay niya sa gilid ng taenga ko.

"Ganda ng girlfriend ko.." sabi niya at hinalikan niya ako sa pisngi at huli na para mahampas ko siya dahil tumakbo na siya palayo sakin.

"Bwisit ka!" sabi ko sa kaniya at hinabol ko siya.

"Oww! Shit!" bigla ko siyang nakitang napahinto sa pagtakbo at ako naman ay dahan dahan nag lakad palapit sa kaniya.

"Oh my god!" nanlaki ang mga mata namin sa nakita naming napakagandang ilog.

"Tara maligo tayo!" yaya ko pero pinigilan niya ako.

"Wag mamaya niyan may buwaya!" sabi niya sakin na ikinagulat ko

"Wahahhhahahaha!!" sigaw namin at nag mamadali kaming umalis pabalik sa school. Namumutla kami at napahinto sa ground at napaupo kasama ng mga kaibigan ko na naka stand by lang.

Hinihingal akong uminom sa tubig na iniabot sa akin.

"S-salamat.." sabi ko at hindi ko na inalam kung sino ang nag bigay ng tubig dahil nauuhaw na ako at nang matapos akong makainom ay iniabot ko naman kay Rafael ang tubig na natira ko at tahimik lang n nakatingin sakin.

"Bakit-" nakakunot noong tanong ko at dahan dahan akong nag angat ng tingin sa nag abot ng tubig at doon ay nakita ko si Cameron na nakatayo sa harapan ko.

"Teka! Hoy! Bitiwan mo nga ako!" pagpupumiglas ko dahil hinatak niya ako paalis sa mga kaibigan ko at sa boyfriend ko.

"Saan kayo pumunta?" kalmadong tanong niya at hindi ako sumagot

"SAAN NGA?!" nagulat ako ng sumigaw siya pero hindi parin ako nag salita.

"Bakit ka ba ganyan Rona?! Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa sakin!" sabi niya at umalis sa harapan ko.

[ Babe. Nakalimutan pala nating kunin ang bag natin pero ako nalang ang kukuha. ] nabasa kong text sakin ni Rafael. Huminga lang ako ng malalim at hindi ko na nagawang mag reply sa text niya.

Bakit nasasaktan ako ngayon? Bakit pakiramdam ko pinagsisisihan ko na ang lahat, pero paano naman si Rafael? Tunay lahat ng ipinapakita niya sakin at alam kong mahal niya ako pero sa ginagawa kong ito sinasaktan ko lang siya at ang sarili ko.

"Cameron, kung iniisip mong okay lang sakin na hindi mo ako kamustahin at kausapin puwes hindi. Ayokong umaalis ka na hindi manalang ako niyayaya lalo pa at ang kasama mo ang mga magulang ko." mahinang sabi ko habang nakatitig sa likuran ni Eron na palayo sakin.

[lbysgd: Bakit niyo naman iniwan yung bag niyo? Mamaya kainin si Rafael ng buwayaaaaa]

LET ME GOWhere stories live. Discover now