LMG 2. | Oplan dalaw ni Rona

15 10 0
                                    

•  •  •


RONA

I play online games to relax because I found out that mom and dad haven't been home yet. Hindi kaya namatay siya? Pero imposible, kagat lang naman yun ng aso.

Hindi ko na nahintay sila mom dahil nakatulog na ako. Sinadya ko talagang magising ng maaga at mag almusal ng maaga dahil balak kong dalawin si Eron. Nakakahiya naman tawagin siyang eron parang feeling close yung dating sakin. Pero ayoko rin naman ng cameron kasi napaka luma ng datingan. Bahala na nga!

Nagpasama ako kay manong guard na dumalaw sa bahay nila  pero bago yun dumaan muna kami sa grocery store at namili ako ng pwede kong ibigay sa kanila.

"Ayos ka din bata ah.. Ang dami mong pera daig mo pa ako." natatawang sabi ng guard sa akin.

"Ipon ko lang po plus yung nakuha ko kanina kay dad." nadulas na pagkakasabi ko at agad  kong tinakpan ang bibig ko pero huli na dahil nakita ko siyang kinuha ang posas at akmang poposasan ako. Nanlaki agad ang mga mata ko sa ginawa niya.

"H-ala! Hala! Bakit po? Wag po sir, ano pong gusto nyo b-ibilhin ko nalang pooo!" kinakabahang sabi ko at natawa si manong guard sa akin.

"Bilhan mo nalang ako nito" sabi niya at itinuro ang ice cream at napataas ang kilay ko. Gusto niya lang pala ng suhol pinapakaba niya pa ako.

"Okay na po. Pakibayaran nalang po lahat toh sa counter" nag pacute ako kay manong guard para siya na ang magbayad sa cashier at magdala.

"Pano ba yan hindi na kita pwedeng hintayin pa dahil duty  ko na ngayon." sabi ni manong guard nang makarating na kami sa bahay ni eron.

"Tao po!" isang beses lang ako nag kumatok dahil may nag bukas na agad ng pinto.

"Ikaw pala hija, bakit ka nandito?" nagulat na sabi ng isang nanay na halatang naglalaba dahil may bula pa ang mga kamay niya at basa ang laylayan ng damit niya.
Bigla akong nakaramdam ng awa sa pamilya ni eron.

"Ahm. Si Eron po?" tanong ko at iniabot ko ang dala kong grocery na agad naman niyang kinuha sa kamay ko dahil napansin niyang nabibigatan na ako.

"Nag abala ka pa hija. Binigyan na din kami ng magulang mo kagabi" nahihiyang sabi niya pero inilagay niya ang dala ko sa lamesa.

"Okay lang po." sabi ko habang nakangiti at nasilayan ko si Eron na nakatingin na pala sa akin kanina pa. Bigla akong nahiya sa kaniya.

"Pano ba yan tol. May manliligaw ka.." natawa ako sa kaibigan niyang akala mo matanda na kung magsalita. Shocks! Kung hindi ako nag kakamali mga 11 years old palang siya, grade 5 ganun pero hindi ko pa din alam kasi maliit siya.

Nag sipag alisan ang mga kaibigan niya sa loob ng bahay nila. At nahiya ako dahil naiwan kaming dalawa at nalaman ko pa na ang mama niya ay naglalabada sa kapitbahay na kakarating lang daw pag punta ko.

"Ano yang dala mo?" tanong sakin ni Eron dahil hindi ako nagsasalita.

"Mga pagkain. Sorry sa nangyare hah. Di ko talaga sinasadya yun." mabilis na explain ko sa kaniya na ikinatawa lang niya.

"Okay lang. Ginusto ko naman yun, kaysa naman ikaw yung nakagat" sabi niya at kumindat sa akin. Ano meron dito at kumikindat kindat sakin? Epekto ba yun ng pagkakagat ng aso sa kaniya? Naapektuhan ang mata niya? Kawawa naman siya.

"Hayaan mo Eron pag iipunan ko makabili ng gamot para diyan sa mata mo. Kumikirot kirot ba? Masakit ba?" nag aalalang tanong ko at humalakhak siya na parang walang kagat sa katawan.

"Bakit?" kinakabahang tanong ko sa kaniya.

"Anong gamot ang pinagsasabi mo? Hahaha wala akong sakit ano ka ba! Kumikindat ako kasi ang GAN..DA.. MO.." sabi niya at binagalan pa niya ang pagkakasabi non. Bigla namang sumeryoso ng mukha ko dahilan para mapahinto siya sa pagtawa.

"Joke lang. Pero yung totoo hindi ka ba kinikilig?" tanong niya sakin habang kumakain at naubo ako ng maamoy ko na flavor nitong vinegar.

"Okay ka lang? May tubig dyan! Saglit!" nag aalalang sabi niya at tumayo siya na ikinagulat ko.

"Hala! Wait! Ako na!"  sabi ko at tumayo habang inuubo pa din.

"Bakit ka inubo? Dahil ba sa mabaho ako?" tanong niya habang inaamoy ang sarili at agad naman akong umiling.

"Hindi. Naubo ako dahil sa amoy ng kinakain mo" sabi ko ng matapos akong uminom.

"Ah sege saglit di ko na kakainin yun." sabi niya at nakita ko siyang naglakad at kinuha ang kinakain at pumuntang pinto

"BOKNOY! TARA DITO! hanapin mo si iday mag hati kayo dito sa pagkain. Bigyan mo siya hah!" sigaw niya sa bata na pagkakatansya ko ay magkapatid sila.

"Tara na. Umupo ka na" sabi niya sakin at ako naman nag hanap ng upuan na maapuan pero wala akong makita at nakita ko namang tumawa na naman siya

"Sa sahig." dagdag niya pa.

"Wala eh wala pa akong napipiling mamahaling sofa. Nakarating na nga ako sa america wala pa akong mapiling magandang klase" napakunot ang noo ko sa narinig ko mula sa kaniya and as usual tumatawa na naman siya.

"Hah?" nakakunot na tanong ko

"Ang hirap naman mag joke sayo di mo ako naiintindihan." sabi nalang niya. Okay di ko talaga magets kung ano ang sinasabi niya.

"Kailan uli tayo maglalaro?" tanong niya sakin.

"Hahahahaha!" bigla siyang napakunot dahil sa tawa ko. Hindi ko alam pero ngayon ko lang nagets ang sinabi niya about sa sofa na wala pa siyang napipili.

"Hahhahahaha!" tawa lang ako ng tawa sa harapan niya.

"Na gets ko na yung joke mo. Hahaha ngayon hahaha ko lang nakuha hahaha!" tawa na tawa na sabi ko. Na ikinatawa na din niya.

"Ang ganda mo talaga.." nakatulalang sabi niya sakin na ikinatigil ko sa pagtawa.

"Wag mo nga ako titigan Eron." sabi ko at hinampas ko siya sa balikat.

"Bakit hindi ka ba kinikilig?" sabi niya sakin ay umayos ng pagkakaupo.

"Kasiii pooo... Mga bata pa tayo, at ikaw ang dami mo ng alam!" mahinahon at mabagal na pagkakasabi ko.

"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" tanong niya sakin at humiga siya sa banig.

"Hindi. Bakit nagkita na ba tayo?" nakataas kilay na tanong ko sa kaniya.

"Bakit kaya hindi mo ko naaalala? Paano kaya kung hindi na ako mag deliver ng mineral para kapag naubusan kayo ng tubig dun mo na ako maaalala.." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya

"Ano naaalala mo na ba ako?" tanong niya nang makita ang reaksyon ko.

"Hindi pa din eh" napakamot na sagot ko sa kaniya.

"Sabagay sino ba naman ako para maalala mo? Hindi naman ako mayaman pogi lang diba?" tanong niya sakin at nilingon niya ako.

"Oo" mabilis na sagot ko na ikinagulat namin pareho. Ano? Oo na pogi siya? Hala hindi! Huli na para bawiin ko pa ang huli kong sinabi dahil natawa na siya.

"Ikaw nililito mo ako hah!" pagpapalusot ko nalang dahil nahihiya na ako.

"Teka nga Rona, saan ka ba nag aaral?" tanong niya sakin na parang nakaramdam ako ng kaba nang tanungin niya kung saan ako nag aaral. Kinakabahan ako at ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Sege aalis na ako!" sabi ko at mabilis na tumayo at tumakbo palabas. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko.


Author's Note

Thank you! ✨

LET ME GOWhere stories live. Discover now