LMG 7. | Nagbago ang lahat.

6 3 0
                                    

• • •

Naging normal lang sa amin ang nangyare. Nararamdaman kong lalong lumalalim ang relasyon nila mom at dad kay Eron. Naging madali lang sa kanila na gawing anak si Eron at wala akong question doon natutuwa pa nga ako dahil maaga nilang natanggap ng buo si Eron.

Pero napansin ko habang tumatagal ay hindi ko na rin maiiwasang hindi mag selos sa mga ipinapakita nila kay Eron.  Madalas nalang nilang kasama si Eron na lumabas,  bihira na din akong kausapin at kamustahin nila mom and dad. 

Lumipas ang ilang buwan at parang hindi ko na nagugustuhan na nasa bahay si Eron pero hindi ko iyon  pinapahalata.

Maaga akong nagising dahil balak kong yayayaing mag jogging si Eron kaya lumabas na agad ako at kumatok sa kwarto niya.

"Ay maam Rona. Umalis po sila sir kasama si sir Cameron." biglang kumunot ang noo ko. Bakit hindi manlang nila ako sinama? Inis akong nag lakad at patakbong lumabas.

Bakit ganon? Bakit parang hindi ko na nagugustuhan ang nangyayare? Hindi dapat ako nagkakaganito at isa pa si Eron iyon,  hindi dapat ako magalit kay Eron.  Si Eron ang lalakeng mahal ko at hindi ko dapat maramdaman ang inggit na nararamdaman ko ngayon! Hindi pwede!

"Sabi ko na nga ba at mag jojogging ka." narinig kong sabi ng sumasabay sa akin sa pag takbo. Nilingon ko lang siya saglit at napangiti. Bakit habang tumatagal ay nagiging gwapo si Rafael sa paningin ko?

"Wag ka ngang paepal diyan! Nag text kaya ako sayo na samahan mo ko mag jogging!" natatawang sabi ko habang tumatakbo.

Dahil sa mga nangyayare sa amin sa bahay nagagawa ko ng kausapin si Rafael at sa kaniya ko nalang inuubos ang oras ko.

Madalas na din akong sumasama sa kaniya, minsan nga hindi ko na namamalayan na may Eron pa pala kong kilala.

"Sabihin mo nga, mag kaaway ba kayo ni Cameron?" biglang bumagal ang pagtakbo ko dahil sa tanong niya.

"Hindi naman." it took a seconds before I answer his question. Binilisan ko na din ang pagtakbo para naman hindi niya mapansin na naapektuhan ako sa tanong niya.

"Pwedeng mag tanong?" tanong niya sakin at nilingon ko siya

"Go a head. As long as I can answer your question." nakangiting sabi ko dahil sa ngayon ayoko munang mag isip ng ikalulungkot ko

"I dont think if this is good to ask but im so curious to your relationship with Cameron." napahinto ako at napansin ko din na huminto siya.

"I always saw him with your parents. And I heard he will manage your company soon." biglang tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"You know. Umalis din sila kanina ng hindi manlang sakin nag papaalam. Ni hindi manlang nila ako tinanong kung gusto kong sumama." biglang sabi ko at nagulat ako sa sarili ko.

Bakit ko sinabi yun? Sobrang sakit ba talaga na iwan nila ako at nagawa ko pa iyong ibahagi kay Rafael?

"Kaya pala nagyaya ka mag jogging. So pwede naman siguro na ako naman ngayon ang magyaya sayo?" bigla akong natawa sa sinabi niya. Kahit kailan hindi ko talaga malamangan ang lalakeng ito.

Narinig ko kanina na hindi daw sila babalik ngayong araw dahil importante ang pinuntahan nila kaya pumayag na ako kay Rafael na sumama sa party na pupuntahan niya. Nagulat ako ng makita ko din ang mga kaibigan ko sa party.

"Paano mo napasama si Rona?" natatawang tanong ng mga kaibigan ko kay rafael.

"Sabihin nalang natin kasi ang gwapo ko.. " bigla akong natawa sa sinagot niya.

Kanina pa kami tinutukso ng mga kakilala namin na nililigawan niya daw ako. Kung alam lang nila dati pa niyan ako nililigawan.

"Ihatid na kaya kita? Lasing ka na eh. Yare ako nito kay Cameron!" narinig kong sabi ni Rafael na nag aalala na sakin.

"Y-un? Y-yung cameron na yon? Wala namang... kwenta yon eh!" lasing na sabi ko at kinuha ko ang cellphone at tinawagan ko siya.

"Tatawagan ko sha... S-saglit lang... Pa-ra naman.. Ma aware siya na naiinish.. Na ako sha kaniya." sabi ko at hinintay ko siyang sagutin ang tawag ko.

"Tingnan mo? Ni wala manlang.. Oras na sagutin ang tawag ko..." sabi ko pa at inilibot ko ang paningin ko at nakita kong iilan nalang pala ang tao dahil nakauwi na sila.

"Saglit lang... K-kapag hindi siya dumating mamaya para sunduin ako.. Ipaalala mo sakin yun bukas dahil sasagutin na kita Rafael..." sabi ko at nakita kong nanlaki ang mata niya. Nag hintay lang kami saglit pero walang Cameron ang sumundo sakin dito.

"Ihatid.. Mo na ako.." sabi ko at tumayo na. Masakit ang puso ko ngayon at hindi ko maipaliwanag ang galit na nararamdaman ko sa kaniya.

Sorry cameron, mukhang kailangan ko nang gantihan ka ngayon. I can't take this anymore at kung hindi pa ako gaganti ay sasabog na ako sa sobrang galit. Mukhang busy ka ata sa pakikipag mabutihan sa mga magulang ko.

Mukhang kaunti nalang makukuha mo na ang lahat ng tiwala nila? Puwes, hanggat hindi pa iyon nangyayare kikilos na ako.

Gagawa ako ng paraan para paalisin ka nila mom sa bahay, sasagutin ko na din bukas si Rafael para malaman mo kung gaano mo ako sinaktan at iniwan.

Lahat ng ayaw mo gagawin ko dahil sa ngayon ikaw naman ang gusto kong magalit at makaramdam ng inggit. 

Voteeeee

LET ME GOWhere stories live. Discover now