LMG 12. | Malaking problema ito

5 3 0
                                    

• • •

Dumeritso na akong cr pagka bell. Palabas na sana ako nang biglang nakarinig ako ng mga papasok na nag uusap. Gaya nang palagi kong ginagawa nakikinig ako sa mga usapan nila.

"Nakakaloka nga eh, ang alam ko lagi silang magkasama ni Cameron pero nung inampon siya ng mga magulang ni Rona nag kagulo na silang mag kakaibigan." narinig kong sabi ng isang babae.

"Immature naman talaga yang si Rona, inaway niya nga si Bea eh!" narinig kong dagdag pa nung isa nilang kasama

"Tapos ngayon balita ko sila na daw ni Rafael. Ano yun? Dalawa ang hinarot niya?" kusang tumaas ang kilay ko sa narinig.

"Nakakatawa lang kasi nasira lang ang friendship nila dahil kay Rona." sabi pa ng isa at narinig kong nag bukas sara ang pinto at doon na ako lumabas hudyat na lumabas na sila. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang repleksiyon ko sa salamin.

"Sino na naman kaya ang nag balita na kami na ni Rafael?!" inis na tanong ko sa sarili at galit na lumabas.

"Hey, baby...." bungad sakin ni Rafael at sinabayan ako sa paglalakad. Nilingon ko lang siya saglit at ipinagpatuloy ang paghahanap sa presensiya nila Bea.

"Sino hinahanap mo?" tanong niya sakin habang umiinom ng hawak nyang yogurt.

"Mag tratransfer pa ba tayo?" dagdag na tanong niya dahil hindi ko siya sinagot sa una niyang tanong

"Hindi na. Hindi ako pinayagan" mabilis na sabi ko habang nagpapalinga linga sa paligid.

"Ah.. So ang nangyare hindi pinayagan yung nag yaya tapos yung niyaya yun tuloy ang pinayagan?" natawa ako sa sinabi niya. kahit kailan nagagawa talagang isingit ni Rafael ang pagiging joker niya sa kahit anong sitwasyon.

"Sorry na." natatawang sabi ko at napahinto at hinarap ko siya.

"Teka nga. Ikaw ba ang nag kalat na tayo na?" agad na napahinto siya.

"Hindi." mabilis niyang sagot habang nasa bibig pa din ang straw.

"Eh sino?" sabi ko at nang akmang ipag papatuloy namin ang paglalakad ay nakita namin si Cameron na nakakunot noong nag lalakad papunta sa posisyon namin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nakikita kong reaksyon niya ngayon.

"Patay tayo.." kinakabahan mahinang sabi sakin ni Rafael.

"H-hi!" kinakabahang bati ko sa kaniya pero napiyok ako. Tinitigan niya lang kaming dalawa ni Rafael at nilampasan din kami agad. Paniguradong nagagalit siya, so kung nagagalit nga siya mag didiwang na ba ako dahil sa wakas natupad na ang gusto ko at ang plano ko? Pero bakit parang hindi ako natutuwa.

"Wala na tayong magagawa kundi ang tanggapin nalang ang lahat- hoy! Saan ka pupunta?!" sigaw sakin ni Rafael dahil tumakbo ako para sundan si cameron.

"Babalikan din kita agad! Sasamahan kitang makiusap kay couch na babalik ka sa team! Wait mo lang ako!!" sigaw ko lang pabalik nang hindi lumilingon. Hindi ko alam kung bakit ako tumatakbo para ba mag paliwanag? Hindi! Hindi ko dapat gawin iyon. Pake niya ba kung kami na nga ni Rafael? Wala na siya doon.

"Ano ba Rona!" inis na huminto ako sa pag takbo at umikot para balikan ko si Rafael. Patakbo uli akong bumalik kung saan  ko siya iniwan. Malayo pa lang ako ay kitang kita ko na ang malaking ngiti niya dahil bumalik ako.

"Na realize ko na mali palang mang iwan ng boyfriend.." hinihingal na sabi ko at inihagis ko ang bag ko na agad din naman niyang sinalo at binitbit.

"Tara! Puntahan na natin si couch. Ikaw na ang mag paliwanag." sabi niya at inakbayan ako na parang tropa lang. Habang nag lalakad kami ay marami ang napapalingon kung gaano kami kadikit sa isa't isa. Marahil naninibago sila na hindi naman ako dati dumidikit sa kaniya pero ngayon kami na.

"Couch! Bakit niyo naman po hindi na tatanggapin si Rafael eh magaling naman po siya." pamimilit ko sa couch nila na abala sa ginagawa.

"Wag na. Hayaan mo na.." bulong sakin ni Rafael sa gilid.

"Couch. Hindi na po natuloy yung pag tratransfer namin kaya ibalik nyo na po si Rafael please.." sabi ko uli habang sinusundan si couch.

"Kung alam mo lang kung paano niya ako pinilit na mag quiquit siya tapos ngayon gusto nyo na namang bumalik?!" panenermon niya sa amin.

"Meron na akong napiling papalit sa kaniya kaya wag na kayong umasa na tatanggapin pa kita!" galit na sabi ni couch sa amin.

Kahit naman ata lumuha kami ng dugo ay hindi na mag babago ang isip ni couch. Hindi nalang din namin siya pinilit at nag cutting nalang kaming dalawa.

"Sorry talaga dahil sakin hindi ka na nakasali sa team." naiiyak na sabi ko at nakita ko siyang natawa habang inaabutan ako ng ice cream na binili niya.

"Okay lang. Wala naman sakin yun eh." sabi niya at inumpisahan na niyang kainin ang dala niya pang ibang pagkain.

"Hindi ka ba nagagalit sakin?" tanong ko at sinulyapan ko siya. Umiling lang siya bilang sagot sa tanong ko.

"Hayaan mo pipilitin ko pa si couch bukas. Baka sakaling tanggapin ka niya uli." sabi ko.

"Wag na.. Mapapagod ka lang"

"Kasi naman! Bakit ba kasi kita niyaya pang mag transfer?!" inis na sabi ko sa kaniya.

"Sabing kalimutan mo na yun eh! Selfie nalang tayo dali. Pang wallpaper ko lang.." sabi niya at kinuha niya ang cellphone sa bag at ibinigay sa akin.

Apat na pose lang ang ginawa namin at ibinigay ko na ang cellphone niya sa kaniya at agad niyang ginawang wallpaper.

"Cute mo dito.." sabi niya sakin habang ako ay nakatulala at iniisip kung nasan na kaya si cameron ngayon. Okay lang kaya siya?

Pakiramdam ko napakasama kong tao para saktan ang lalakeng gusto ko.  Nagawa ko pang makipag relasyon sa ibang lalake para lang mas saktan siya,  ang lahat ng ito nagawa ko dahil lang sa paglipat niya sa bahay namin. 

Hindi ko nagustuhan na mas malapit na siya sa mga magulang ko at siya na ang madalas kasama kaya nagagalit ako at gusto ko siyang saktan sa ibang bagay.

Alam kong galit si Eron lalo na at kami na ni Rafael. Hindi dapat ako nakokonsensya,  dapat mas ikatuwa ko pa ang lahat ng nangyayare.

Voteeeeee

LET ME GOWhere stories live. Discover now