LMG 9. | Naiinggit si Rona?

6 3 0
                                    

• • •


Today is saturday and I have a date with Rafael. Gumising ako ng maaga para walang makapansin sakin. Narinig ko din na may out of town sila mom and dad at wala sila sa bahay 1 week kaya kaming dalawa lang ni Cameron dito.

Dahan dahan kong pinihit ang doorknob at nakayukong naglakad nang biglang may mabangga ako.

"Ay tipaklong!" gulat na sabi ko ng makita ko si cameron na nasa harapan ko.

"At saan mo balak pumunta ha?" seryosong tanong niya sakin na ikinataranta ko naman bigla. Hindi pwedeng malaman niya na date ang pupuntahan ko.

"Mag jojogging bakit?" mataray na sabi ko sa kaniya at nang akmang hahakbang ako ay pinigilan niya na ako.

"Really? Na ganyan ang suot?" hindi makapaniwalang tanong niya at tiningnan ko naman ang suot ko na nakadress.

"Alam mo nasa tao lang kung ano ang gusto nilang suotin. Dress yung sakin!" pagpapalusot ko pero hindi ata ako makakalusot.

"Hindi ka aalis!" inis na sabi niya at kinuha ang dala kong shoulder bag

"Ano ba Cameron?! Wala kang pakialam kung san man ako pumunta! Dapat sumama ka nalang sa out of town nila dad para wala na akong kasama dito! Sana kinareer mo nalang ang pagiging anak? Doon ka naman masaya diba?" mabilis na pagkakasabi ko at hindi ko na nakontrol ang sarili. Bigla akong natahimik at huli na para mabawi ko ang mga nasabi ko dahil umalis na siya sa harapan ko.

"Kainis!" naiinis na sabi ko at tinahak ko ang daan palabas ng bahay.

Kumain lang kami at nanuod ng sine ni Rafael. Kapag kasama ko siya masaya ako hindi kaya nafafall na ako sa kaniya? Pero hindi, iba ang nararamdaman ko kapag katabi ko si Cameron biglang bumibilis ang tibok ng puso ko at iyon ang hindi ko maramdaman sa kaniya ngayon. Siguro kailangan pa namin palalalimin ang relasyon na meron kami.

Ito nalang ang tanging magagawa ko para saktan si Cameron sa lahat ng inagaw niya sakin. Pano kaya kung ipaalam ko na sa mga kaibigan ko na kami na ni Rafael? Hindi. Huwag muna sa ngayon dahil hindi pa ako handang makita si Eron na masaktan.

Madalas na kami nagkakasama ni Rafael, sabay na kaming pumapasok, umuuwi at kumakain. Yung dating nilalayuan ko ngayon ay ako na mismo ang lumalapit. Hindi ko alam pero hindi ko naman gustong saktan siya pero gusto kong gumanti kay Cameron at si Rafael lang ang makakatulong sakin.

"Hoy! Sino ba yang katext mo dyan? Nag uusap usap kami dito tungkol sa bakasyon tas ikaw pangitingiti lang!" hindi ko gaano narinig ang sinabi ng kaibigan ko dahil abala ako sa irereply ko sa joke ni Rafael. Nasa kalagitnaan ako ng pagtatype nang biglang may kumuha ng cellphone ko.

"Aw! Kaya pala masaya katext niya si Rafael!" biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kyla.

Hindi!

Hindi pwedeng mabasa nila ang convo namin.

"Hoy! Akin na nga yan!" inis na sabi ko at inagaw ko sa kanila ang cellphone pero pinagpapasahan lang nila iyon.

"Ah.. May hindi pala kayo sinasabi samin. Kayo na pala ni Rafael ha..." sabi ni John at bigla kaming napatigil at natahimik.

"WHAT? KAYO NA NI RAFAEL?" gulat na tanong nilang lahat at napaupo lang ako.

"P-pano.. Yung.. I mean paano si Cameron akala ko ba-" naguguluhang tanong ni Bea sakin at hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

"Kami na ni rafael. Bagay naman kami diba?" walang ganang sabi ko at kumuha ako sa kinakain nila kanina.

"Alam mo.. Nananahimik lang kami pero pansin ko may hindi kayo pinaguusapan ni Eron." natawa lang ako sa sinabi ng isa ko pang kaibigan. Wala naman kaming dapat pag usapan.

"Alam mo busy na yon. Simula nang tumira lang siya sa amin biglang booom! Hindi na nila ako napapansin!" kwento ko sa kanila. Matagal ko ng gustong sabihin ito sa kanila pero nahihiya lang ako.

"Nagseselos ka?" tanong nila sakin. Hindi ako umuo o humindi dahil hindi pa ako sigurado  kung selos ba itong nararamdaman ko.

"Hindi ako nagseselos.. Ang gusto ko lang alamin niya kung ano ang limitasyon niya!" inis na sabi ko at uminom

"Nagseselos ka nga. Nag seselos ka kasi palaging kasama ng mom mo si Eron, alam mo wala ka namang dapat ikaselos doon kasi yung totoo nyan kasi siya yung-" biglang tinakpan ni John ang bibig ni Bea at napakunot ang noo ko dahil dopn.

"Siya yung?" tanong ko at nag hihintay ako sa kadugtong.

"I mean siya yung tumutulong sa mom at dad mo dahil matanda na sila. Tinuturuan nila si Eron para kapag handa ka na si Eron naman ang magtuturo sayo about sa business nyo..." mabilis na dagdag ni Bea at huminga ng malalim.

"Tapos napapansin ko nawawalan na rin siya ng time sakin. Palagi na din siyang absent." walang ganang sabi ko at niyakap ang bag.

"Alam mo ikaw nga itong nawawalan ng time sa kaniya kasi panay ang alis nyo ni Rafael at hindi na nga kayo bumabalik sa klase!" sabi nila sakin.

"Alam mo! Masisira ang friendship natin dahil sayo!!" biglang napakunot ang noo ko sa sinabi ni Bea at napatayo na din ako dahil hindi ko talaga nagustuhan ang sinabi niya

"Masisira dahil sakin?! So ako pa pala ngayon ang may kasalanan?!" sigaw ko sa kaniya at tinulak niya ako at nang akmang gaganti ako ay bigla silang gumitna sa amin.

"Pano immature kasi!!" dagdag pa niya at mas ikinainis ko iyon.

"What?!" gigil na tanong ko sa kaniya.

"Kailangan pa talaga lumandi para lang mapansin ganon?!" ikinataas ng kilay ko ang narinig ko mula kay Bea.

Talaga bang ginagalit niya ako?

"So what do you want ha? Tinawag mo ba akong immature!  Bitiwan nyo nga ako!" inis na pagpupumiglas ko sa mga pumipigil sakin.

"Galit ka sa bestfriend natin kasi okay siyang anak sa mga magulang mo! Tigilan mo na ang pagiging immature mo!" sigaw niya sakin at natawa ako ng pilit sa sinabi niya.

Bitiwan niyo nga sabi ako eh!

"Ano ba! Bitiwan nyo nga ako! At ikaw sino ka sa tingin mo para sabihan akong immature?! Wala akong ginagawa sa inyo ni hindi na nga ako lumalapit sa inyo dahil alam kong sa kaniya kayo kakampi!" inis na sabi ko sa kanila.

"Buti naman at alam mo.. hindi naman kami tanga para kampihan ka duh! O baka naman kasi ikaw yung TA NGA!" biglang kumulo ang dugo ko sa narinig ko mula kay Bea.

Gusto ko siyang sabunutan kung mahahawakan ko lang sana ang buhok niya.

"Ako? TANGA?!" gigil na sinubukan ko siyang hablutin pero nailayo nila ako agad

"Tama na Bea! At ikaw tumigil ka na din Rona!" sigaw sakin ni Kyla na ikinahinto ko bigla.

Pansamantalang wala munang nag salita sa amin.

"Lilipat na ako ng school kala nyo hah! Hindi na masaya dito!" inis na sabi ko at nag pumiglas ako at binitiwan naman nila ako

"Go a head. Wala namang pipigil duh!" habol pa na sabi ni Bea at galit akong lumingon sa kaniya at nag lakad pabalik.

"Yung bag ko nakalimutan ko!" sabi ko at kinuha. Bago ako tuluyang umalis ay tinarayan ko silang lahat. Lilipat talaga ako ng school! Kala lang talaga nila! Kainis!

Ako pa ang aawayin nila,  ako nga ang dapat nilang kampihan dahil saming dalawa ni Eron ako ang mas nasasaktan!

Lilipat na agad ako bukas ng school! Babalik na ako sa dati kong paaralan!

Voteeeeee

Let Me GoWhere stories live. Discover now