LMG 10. | Oplan transfer nila Rona at Rafael

4 3 0
                                    

• • •


Mag damag akong umiyak sa kwarto dahil sa nangyare samin kahapon. Buti nalang at sabado ngayon at hindi nila makikita ang namamaga kong mga mata. Mamaya ko na siguro sasabihin kay mom na mag tratransfer na ako. Ayoko na kasi doon mag-aral dahil nandoon silang lahat! At isa pa ayaw ko na silang makita.

Bumaba na ako para mag almusal dahil hindi ako kumain kagabi.

"Hija. Gusto mong sumama? May event kaming pupuntahan.." napalingon ako banda sa sofa ng makita ko sila mom na nakaupo at nakabihis na para sa pupuntahan nilang event. Napangiti ako at hinanap ng mga mata ko si Eron.

Bakit hindi siya kasama?

"Eron! Tapos ka na ba para makaalis na tayo!" biglang tumaas ang kilay ko sa narinig.

Yayayain nila akong sumama kung kailan paalis na sila at nakabihis na?

Seriously?

"Hindi na po mom. Masakit po ang ulo ko.." pagdadahilan ko at pumunta ng kusina para mag timpla ng gatas dahil ayoko rin makita si Eron.

Narinig ko lang ang boses nila na nag uusap at umalis na dahil narinig ko ang kotse na umandar.

"Kainis!" inis na sabi ko at naihagis ko ang hawak kong baso. Kusang bumuhos ang luha ko sa inis. Bakit kailangan pa nila akong yayain?

Umiiyak ako ng maabutan ako ng katulong namin, nagulat sila nang may makitang may basag na baso sa lapag at tumakbo ako pero may bubog akong naapakan

"Ouch!" bigla akong napaupo at tiningnan ko ang paa ko. Ang lakas ng pag sirit ng dugo at hindi ko matanggal ang bubog na nakabaon.

Umiiyak ako at hindi ko alam kung ano ba ang iniiyakan ko. Hindi ko alam pero humagulgol ako sa lapag at wala akong pakialam sa sugat.

"Maam." nag aalalang nilapitan ako ng katulong. Si yaya Bening ang nag asikaso sakin at sinabihan ko na din ang mga katulong na wag na sabihin kay mom ang nangyare.

Natulog lang ako magdamag at paggising ko nagyaya ang mga kaibigan ko na maglaro ng mobile games kahit papaano ay guminhawa ang lagay ko.

Pagkatapos ay tumawag sakin si Rafael at nakatulog kami na nag uusap sa cellphone.

Paggising ko ay naligo muna ako bago bumaba para kumain. Hindi na daw sila nakauwi at nag check in nalang daw sila sa hotel. Ganito ang buhay ko sa bahay kapag wala sila ay nag cecellphone ako habang nakahiga.

Nakatulog na ako sa sofa kakalaro at hindi ko namalayan na nakauwi na pala si Cameron.

"Anong nangyare kay Rona?" kusang dumilat ang mata ko ng marinig ko ang boses niya.

"Nabubog po siya kahapon." agad na sagot ng katulong.

Kainis bat nandito na siya agad?

hindi na ako nakatulog kaya umupo na ako sa couch at binuksan ko ang tv para manuod at mayamaya lang ay may natanggap ako ng mensahe mula kay Rafael.

Nakangiti kong kinuha ang cellphone na nakalapag lang sa table. Sinadya kong hindi siya pansinin at ituon lang ang atensyon sa cellphone.

[ Kaya ayoko ng weekends kasi namimis agad kita. ] napangiti ako sa nabasa.

Lakas makabanat ng mokong!

[ edi wow. Btw. Alam mo na ba? ] reply ko sa kaniya.

[ Ang alin? Yung mag tratransfer ka? ]

Umayus ako ng upo at nag type ng isasagot

[ Oo. Sama ka? Transfer tayo? ]

[ Paano yan.. Varsity player na ako ng school natin.. ]

[ ah ganon ba.. So ako lang mag isa? ]

[ Bakit ano bang nangyare? ]

"RONA?!!" bigla akong nagulat sa sigaw ni Cameron na nasa harapan ko na pala.

"hah? B-akit?" nauutal na tanong ko sa kaniya at sinubukan kong mag reply sa huling text ni rafael nang bigla niyang hablutin ang phone ko.

"ANO BA?!" inis na sabi ko nang ibulsa niya ang phone.

"Anong nangyare sa inyo nila Bea kahapon?" nag angat lang ako ng tingin pero hindi ko sinagot ang tanong niya. Kinuha ko lang ang remote at iniba ang channel.

"Ah hindi mo ako pinapansin ha?" sabi niya at kinuha niya din ang remote sa kamay ko pero hindi pa din ako nag salita.

"Ano bang nangyare?" kalmado niyang tanong sakin kaya nilingon ko na siya.

"Itanong mo kaya sa mga magagaling mong kaibigan." sarkastik na pagkakasabi ko.

"Bakit yung tinanong ko sila sagot nila sakin itanong ko daw sayo?! Ano ba talaga ha?! Kanino ba talaga ako mag tatanong sa multo?!" inis na pagkakasabi niya sakin

"Sa multo? May nakikita kang multo? Saan?!" kabado kong tanong sa kaniya at nag palinga linga.

"Walang multo." mabilis na sabi niya dahil nakikita niyang kinakabahan na ako

"Bakit sabi mo kasi kanina sa multo ka nalang mag tatanong.. parang tanga." naiinis na sabi ko.

"Eh kasi ayaw nyo naman mag salita! Mag usap nalang kayo bukas." sabi niya sakin

"Alam ko namang sa kanila ka kakampi, mga kaibigan mo sila diba?" sarkastikong pagkakasabi ko at nakita kong kumunot ang noo niya.

"Inaway ka ba nila?" tanong niya sakin at bago pa ako maiyak sa harapan niya ay tumakbo na ako papunta sa kwarto.

"Humanda sila sakin sa lunes!" narinig kong habol na sabi ni Eron bago pa ako tuluyang makatakbo.

Facebook Page| Ilabyusagad

Let Me Goحيث تعيش القصص. اكتشف الآن