Huling Kabanata

64.1K 2.7K 685
                                    

Redemption

Love. What is it? Is it even existing? O isa lamang imahinasyon at gawa-gawa upang mapaganda ang katotohanan na kailangan magtagpo ng dalawang nilalang upang magkaroon ng anak. It's just one of those emotion that is foreign to me.

Emotions do not exist on my world. Everything is dark, cold and stiff. Kaya sa tuwing makakakita ako ng nilalang na puno ng emosyon, alam kong mahina siya. Kahinaan lamang ang pagkakaroon nito. Kung masaya ka dahil sa isang bagay o pangyayari, sa oras na mawala iyon ay malulungkot ka. At ang kalungkutan ay malaki ang negatibong epekto. Kahinaan. Emotions are weakness.

Kailanman ay hindi ako nakaramdam ng emosyon. All I know is I'm a creature with a vast emptiness inside. Walang pakiramdam. A creature like me can suck a soul mercilessly. Even I can hear their agony, cries and shouts. I don't feel anything. Kahit kitang-kita ko ang pagmamakaawa, wala akong pakialam. Dahil ang mahalaga ay mapagbigyan ko ang pangangailangan ko.

Ngunit nagtapos iyon, isang gabi, halos tatlong dekada na ang nakararaan.

Nasa pangangalaga ako ng isang matandang tao. Mahina na siya, at alam kong magtatapos na ang kaniyang buhay. Araw na lamang ang ilalagi niya. Napunta ako roon dahil ninais kong makita ang ikot ng buhay ng isang tao. Nag-anyong bata at napili na manirahan sa matandang iyon. Dahil alam niya kung ano ako. Hindi ko akalain na may gano'n pala na tao. May espesyal na kakayahan at hindi ordinaryo. Kaya niyang pakiramdaman kung anong nilalang ang nasa paligid niya. Kaya minabuti ko na makisama sa kaniya at makakuha ng mga impormasyon tungkol sa mga tao.

Alam na alam ko ang lahat ng bagay tungkol sa lahat ng nilalang. Maliban sa mga pinakamahina, ang tao. And our race is interested on human as our food. I need to know more about them.

"Apo, maaari ka bang manguha ng mga tuyong sanga roon malapit sa kakahuyan? Naubos na pala ang mga nakatabi. Magluluto na ako ng ating hapunan," saad niya. I stared at her wrinkled face. The traces of the decades that she encountered are very obvious.

Ganoon ang ikot ng buhay ng tao. Ipanganganak na isang sanggol. Madadagdagan ng taon ang buhay at habang tumatagal ay nag-iiba ang pisikal na anyo. Ang balat ay nagiging kulubot, nanghihina ang mga buto at hirap ng kumilos. Tanging mata lamang ang hindi magbabago sa kanila. And as I stare on her, I can see everything that happened, all her life, for 84 years.

Tumango ako at walang kibo na umalis. Narinig ko pa ang pagsabi niya na mag-ingat ako. She seems fond of me. Inaalagaan niya ako nang mabuti. Isa sa dahilan kung bakit mahina ang tao. Puno ng emosyon.

Bago pa ako makarating sa kakahuyan ay napahinto ako. I can feel a faint presence. Tila itinatago ngunit hindi iyon makatatakas sa akin. Tumingin ako sa paligid at alam ko agad kung saan iyon. Mabilis kong pinuntahan at natagpuan ang isang babae. Umupo ako sa tabi ng katawan niyang walang malay.

"Vampire," I whispered when I stared on her. Kapagkuwan ay napailing, "no, a daughter of a goddess. Lived as a human, turned into vampire but really a goddess. You have a messy past, Lauren. And a messy present life. What a mess," I added.

Binuhat ko siya. Kung may makakita man sa akin na tao ay tiyak na magugulat ito. Imagine, a young boy with a seven years old body, carrying a lady.

Dinala ko siya sa bahay ng matanda. Nagulat ito at nagpasalamat sa akin na nag-alala ako sa babae. I really don't care but something pushed me to make sure that she's safe. The old lady already know that she's a vampire. Muli akong bumalik at kumuha ng mga kahoy pati na rin ng dugo ng hayop gaya ng utos ng matanda.

Hindi pala nito alam na may bata sa sinapupunan niya. Halata ang labis na galak sa kaniyang mukha. And I can't help but to think, does it really bring joy to a parent when she's having a child? Sa lahi namin ay hindi gano'n. Kahit pa napakahirap na magparami sa aming lahi. It's rare to conceive a child on our race. But it is not something to be celebrated when it happens.

Beauty and the DemonWhere stories live. Discover now