Kabanata 33

47.3K 2.2K 998
                                    

Rejected

"You must be kidding," seryosong saad niya at tinalikuran ako. Napapikit ako at nais ng sumuko sa pamimilit sa kaniya ngunit nararamdaman ko na naniniwala siya ngunit binabalewala lamang niya.

"Azriel, just admit it. Alam kong alam mo na tama ako. Makinig ka sa akin at buksan mo ang isip mo," saad ko. Nakagat ko ang labi.

"Para saan pa?" Iritable niyang tanong.

"Sumama ka sa akin at malalaman mo ang lahat, detalyado at maayos."

Humalakhak siya, 'yung may halong pang-iinsulto.

"Do you think I'll believe you? Ibang mundo? Really, Patrisha? I didn't expect that you're childish as this!" Mariin niyang saad. I pulled my hair out of frustration. Ang dami kong iniisip ngunit pinipilit ko na sa kaniya ituon ang atensyon. Because right now, the most important thing to me is about him.

"I saw you, A! Nakita ko kung paano mo pinatigil ang paligid, ang mga galaw at oras para iligtas ang sanggol na muntik ng mahulog. Kitang-kita ko and it assured me, it assures me!"

He eyed me coldly. Gumuhit sa isang ngisi, iyong nakakaloko.

"Namamalikmata ka. That's childish. Masyado ka yatang nahumaling sa mga napapanood mo sa telebisyon," saad niya at tinalikuran ako, handa na umalis sa kwarto. Mariin akong umiling. He leave me no choice.

Mabilis akong tumungo sa harap niya, kasing bilis ng kisap mata, o mas mabilis pa. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata niya at titig na titig sa akin.

"I know you're just like me," I whispered.

At hindi lang basta magka-uri. We're more than that. More than that, kuya. But I need to tell everything to him, slowly.

"Namalikmata lang ako," aniya. Lumunok siya at mabilis na pumikit-pumikit saka muli akong tinitigan.

I gritted my teeth. I closed my eyes tightly and the moment I opened it, my eyes became clearer. Sobrang linaw na bawat detalye ay napakalinaw na. My fangs grew longer. Napaatras siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"W-what are you?" wala sa sariling tanong niya.

"I think it shouldn't be like that. It should be, what are we?" I smirked at him.

"Nananaginip lang ako. You're not true. Hindi tayo magkatulad," bulong niya. And it is like a venom. Sobrang sakit at nakalalason ang sakit ng sinabi niya.

"Bawiin mo 'yon," saad ko.

"No. You're a monster," he whispered. And I lost my control.

Nakita ko na lamang ang sarili na sakal-sakal siya. He was against the wall. Sira-sira ang pader at halos lumubog siya roon. His eyes widen. Tinapon ko siya sa kabilang dulo at pinanood ang bahagya niyang pagngiwi.

"Don't call me a monster. Or atleast, include yourself."

Mabilis ko siyang sinugod at akmang kakalmutin ng agad na humarang ang kaniyang kamay at hinawakan ang aking palapulsuhan. Ginamit ko ang kabila saka siya kinalmot sa mukha. And I know I triggered him when his eyes turned red, his fangs grew longer as well as his nails. I smirked triumphantly. Marahas niyang binitawan ang kamay ko at susugurin sana ako. Agad akong tumalon paatras upang iwasan ang mga atake niya.

"Now tell me we're not the same," hamon ko sa kaniya.

Sa loob ng kwarto niya ay naghabulan kami. Gigil na gigil siya samantalang ako ay nasisiyahan sa katotohanan na ngayon ay kasama ko si kuya. And it feels like, naglalaro kami ng habulan at siya ang taya. Ang paghahabulan namin ay gumawa nang maraming sira sa kaniyang kwarto. It seems like he can't control himself and he's not able to notice what we had done.

Beauty and the DemonWhere stories live. Discover now