Kabanata 43

48.1K 2.4K 749
                                    

Silver and Gold

"This is your chance, Azriella. So answer me honestly," he uttered darkly while staring at me. Suminghap ako at tinitigan siya pabalik.

"Bakit gusto mo pa malaman, Dmitri?" pabulong kong anas. His jaw clenched as well as his fist.

"Hindi mo sasagutin?" saad niya, binalewala ang aking tanong. Tila pinaparating na wala akong karapatan na magtanong sa kaniya.

"H-he...he is yours. Ang ibig kong sabihin, ang dating ikaw ang kaniyang ama," I whispered.

I watched his expression changed. Gone the dark and dangerous aura. Ngayon ay natulala at tila nanghihina. Pinanood ko ang pagbabago ng kaniyang ekspresyon. Akala ko ba maliban sa galit at paghihiganti ay wala na siyang ibang emosyon?

Hinintay ko siyang magsalita ngunit tulala lamang siya. Nakatitig sa akin ngunit alam kong iba ang iniisip niya.

Mariin akong napapikit at halos lumuhod sa harap niya.

"At nakikiusap ako, please spare him. Huwag mo siyang pakialaman. W-wala siyang kasalanan, inosente siya. Huwag ang anak ko, nakikiusap ako," paos na ang aking tinig. Pagod na pagod na ako ngunit hindi ako titigil sa pagmamakaawa para sa kaligtasan ni Gabril.

Wala siyang sagot. Matagal bago siya nakabawi sa pagkabigla. Marahang umangat ang kamay niya, at sa isang kumpas ay may bumukas na portal sa aking gilid. Umawang ang labi ko at muling sinulyapan siya. He stared at me and nodded.

"Go. But remember, your time is limited. Babawiin agad kita. At huwag na huwag mong sisirain ang napag-usapan. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari," mariin niyang saad.

At sinunod ko ang utos niya. Agad akong tumayo at pumasok sa portal. Sinulyapan ko siya at nakitang tulala muli at ilang beses na napabuntong-hininga. Tinalikuran ko siya at hindi na nagsayang ng oras.

Paglabas ng portal ay sa tapat ako ng bahay namin napunta. Napatingala ako sa langit at napagtanto na madaling araw pa lamang. Kumatok ako at agad iyon bumukas. Si Fleur ang bumungad sa akin at alam kong naramdaman na niya ang presensya ko.

"Ate..."

"Si Gabril," agad kong tanong.

"Tulog ate. Halos katutulog lang niya dahil hinihintay ka niya magdamag," naaawang saad nito. Agad akong napaluha at tumakbo patungo sa kwarto namin ni Gab.

Alam kong maraming tanong si Fleur lalo na dahil napakadungis ko at may mga sugat pa. Ngunit gaya ng sinabi ni Dmitri, kukunin na niya ako agad. Hindi dapat ako magsayang ng oras.

Pagpasok ko sa kwarto ay naabutan ko si Gabril na mahimbing ang tulog. Yakap-yakap niya ang unan ko at nakasubsob doon. Halata rin ang pamamaga ng kaniyang mata, bakas ng walang pagtigil na pag-iyak.

"Wala siyang tigil sa pag-iyak, ate. Buti nga nakatulog. Pinayakap ko sa kaniya 'yan habang tulog siya kasi mukhang masama ang panaginip. Kahit tulog ay umiiyak. At scent mo lang ang makakapagpakalma sa kaniya," saad ni Fleur.

Kinabahan ako sa mga sinabi ni Fleur at may napagtanto.

"Ilang araw na akong wala, Fleur?" paanas kong tanong saka umupo sa kama.

"Tatlong araw na, ate."

Lalo akong napaiyak at hinaplos ang mukha ng anak ko. Hindi pa kami nagkakalayo nang gano'n katagal at sigurado ako na napakasakit noon at nakalulungkot para kay Gabril. Habang nasa ibang mundo ay pakiramdam ko buong maghapon lang ako nawala. Ngunit sa mundong ito pala ay tatlong araw na.

Kinusot ko ang mata at marahan na niyakap si Gabril. Kawawa naman ang anak ko. Ganito pa lang ay hirap na siya, paano pa kung habambuhay akong mawawala sa kaniya? Lalo akong napaiyak at muling lumayo sa kaniya. Sinulyapan ko si Fleur na tila naguguluhan habang nakatitig sa akin.

Beauty and the DemonWhere stories live. Discover now