Kabanata 35

53K 2.3K 832
                                    

Everything

Looking at the past and remembering where I am and what I have now, wala akong pinagsisisihan. Sa lahat ng naranasan kong paghihirap, mga kasiyahan hanggang sa gabi na 'yon. I closed my eyes as the gentle wind caressed my skin. Napangiti ako at tiningala ang araw na tila nahihiya at nagtatago sa likod ng makakapal na ulap.

I clearly remember how we made love that night. How we turned that beautiful place into the paradise. Saksi ang buwan sa pagpapakita namin ng pagmamahal sa gabing 'yon. At saksi ito sa halo-halo kong emosyon na pagpapaalam.

Unti-unti akong nagising at ramdam agad ang munting pananakit ng katawan. Ramdam ko rin ang pagod. Agad na napansin ko ang buwan na unti-unti ng pumupusyaw para magbigay daan sa liwanag ng umaga. Napatingin ako sa gilid ko at doon ay naabutan si Makheus. He was peacefully sleeping. Bakas sa mukha niya ang saya at kapayapaan. Na tila ba matapos ang maraming unos ay ngayon pa lamang siya nakatulog nang mahimbing.

Nakaunan ako sa kaniyang braso at kapwa kami nakatagilid upang maging magkaharap. I watched his face and even memorized it. Dahan-dahan kong hinaplos ang kaniyang makapal na kilay, pababa sa matangos niyang ilong patuongo sa kaniyang labi. Perpektong-perpekto ang kaniyang mukha. Mula sa hugis at bawat sulok nito. And no creature will ever forget him, once you had the chance to see his perfection.

Unti-unting nawala ang ngiti ko. My heart clenched and slowly, my tears start escaping from my eyes. Wala itong tigil at tila sabik na makalaya. Agad kong pinahid ang mga 'yon ngunit agad na napalitan. Kinailangan ko pang takpan ang bibig dahil sa mga hikbi. Hindi dapat siya magising.

Dahan-dahan akong umupo at agad na hinagilap ang aking mga damit. Tumayo ako para suotin 'yon habang nakatingin kay Makheus. Matapos noon ay inayos ko ang kumot na bumabalot sa kaniyang katawan. Napatitig ako sa kaniyang mukha at napangiti habang lumuluha. Yumuko ako at hinagkan siya sa noo bago tumalikod. Sa unang hakbang pa lamang palayo ay tila nababasag na ang pagkatao ko. Muli akong umikot para balikan siya at mariing hinalikan sa labi. This will be the last time.

Matapos noon ay naglakad ako palayo. Tumakbo paalis. Palayo sa lahat.

That moment is a painful one. Ngunit kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Sa gabing nagdaan ay ipinaramdam niya sa akin ang kaniyang pagmamahal. And I felt it. Naramdaman ko na totoo 'yon. Totoong mahal niya ako sa kabila ng lahat. But sometimes, love isn't enough. After all the damage that were inflicted. Sapat na ang minsan ko siyang minahal at minahal niya rin ako. Ngunit ang pagsasama namin ay hindi siguro nararapat.

Hindi maaari. Dahil sobra-sobra ang naging kasalanan. Napatawad ko na siya, ang lahi nila pero hanggang doon na lamang 'yon at kelangan ng magtapos. Ang paninisi ko sa kanila sa lahat ng naranasan ng aming pamilya ay tapos na. At ibig sabihin din no'n ay ang pagtatapos ng aming koneksyon. Dahil kung ipagpapatuloy namin at ipagpipilitan pa, lagi lamang kaming magkakasakitan. Because deep down our heart, it all leave scars. At sa tuwing maaalala ay tila muling mabubuksan ang sugat.

Tama lamang ang desisyon na 'yon. I guess we're not meant to be. We just made memories together. And we will remain memories to each other.

Ang pagkawalay sa amin ni kuya Dustin, ang muntik kong pagkamatay noon dahil sa pag atake nila. Hindi kasama si Makheus doon ngunit may kinalaman siya roon. Naging dahilan iyon ng pagkasira ng aming pamilya. At ang pagkawala ko sa aming palasyo at napunta sa mundo nila, siya ang may gawa noon.

I saw it on my dreams, and it is one of my abilities.

Sa kabila noon ay pinatawad ko na siya. At sapat na 'yon bilang pagtatapos sa namagitan sa amin.

Beauty and the DemonWhere stories live. Discover now