Kabanata 39

49.6K 2K 331
                                    

[Please read my note at the end of this chapter. Thanks :) ]

Bracelet

Ang mga sumunod na araw ay naging maayos na sa pagitan namin ng anak ko na si Gabril. Bumalik na sa dati ang pakikitungo niya, at malaking kasiyahan 'yon para sa akin. Naging magaan ang mga sumunod na araw lalo na't alam ko na wala ng magiging gulo pa sa pagitan namin ng anak ko. Wala na akong kasinungalingan na tinatago sa kaniya.

His relationship with Dustin is also fine. Ngunit alam ko na may kalungkutan kay kuya dahil kahit papaano ay may nagbago sa pakikitungo ng bata sa kaniya. Siguro ay dahil alam na niyang hindi 'to ang ama niya at nagkaroon ng distansya sa kanila. Tinuturing na niya 'to bilang tiyuhin, hindi na isang Papa.

Isang beses ay kinausap siya ni Dustin tungkol doon. Nasanay siguro siya sa pagiging clingy ni Gabril sa kaniya na ngayon ay nabawasan na.

"Gab, kung anong turing mo sa akin noon, sana ay hindi 'yon magbago," tila nakikiusap na saad ni kuya habang pinagmamasdan ang anak ko na abala sa pagtingin sa nilalaman ng libro.

"But you're my Uncle po."

Dustin sighed, "Yes, I am. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay dapat na mag-iiba na ang turing mo sa akin. I know I'm not your father ngunit ang turing ko sayo ay isang anak," aniya. My son stared at him, iniintindi ang lahat ng kaniyang mga sinasabi.

Napabuntong-hininga ako. Masyadong malapit na si kuya sa anak ko. He has a very soft spot for my son at halatang kinalulungkot niya ang pagbabago nito. Humingi na rin siya ng tawad sa kasinungalingan namin noon, at alam kong pinatawad na siya ng anak ko. After all, my son has a good heart. I believe that he's a good boy.

Ngayon ay nakangiti kong pinagmamasdan ang aking anak na nakikipaglaro sa dalagang estudyante ni kuya Dustin. Maliban sa akin, Fleur at kuya, sa kaniya lamang komportable ang anak ko. At natutuwa ako na may tao siyang kaibigan lalo na sa paaralan na 'to kung saan wala naman ako lagi para bantayan siya.

"Momma!" he shouted and ran towards me. Agad akong yumuko para salubungin ang mahigpit niyang yakap. Humagikhik siya nang pugpugin ko siya ng halik sa mukha.

"How's my baby?" Maligayang tanong ko.

"Fine, Momma!"

Mukhang masayang-masaya siya at tumatalon-talon pa habang nakatingin sa akin.

"Ate!" Nakangiting bati sa akin ni Laurelia saka ginulo ang buhok ng anak ko.

"Naku, salamat sa pagbabantay na naman sa anak ko. Alam kong napakakulit niya," nahihiyang saad ko.

"I'm not makulit, Momma!" Nakasimangot na saad ni Gabril. Napatawa si Laurelia.

"Makulit siya but I'm happy playing with him!"

"Therese naman eh!" He stomped on the ground nang sabihin ni Laurelia na makulit nga siya. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Anong Therese? Call her ate!" Mariin kong saad. He pouted that made Laurelia laugh.

"But like Fleur, she's my Yaya!" aniya.

Napahilot ako sa sentido nang akma itong pagsasabihan ngunit tumakbo na naman palayo. Napailing-iling ako at nahihiyang tumingin kay Laurelia na natatawa lamang habang pinapanood ang anak ko.

"Pasensya ka na talaga. Lagi ko siyang sinasabihan tungkol sa pagtawag ng ate at kuya sa nakatatanda sa kaniya ngunit mukhang hindi niya iniintindi. Gumagamit nga ng po at opo pero, naku!"

Mabait na ngumiti sa akin ang dalaga. Estudyante siya ni kuya at nagboluntaryo na bantayan si Gabril sa tuwing wala si kuya at may dapat puntahan, lalo na at wala naman na siyang klase sa mga oras na 'to. Nakahihiya nga ngunit gustong-gusto niya ang pagbabantay kay Gabril. She's very willing. Kahit wala naman siyang makukuha sa sandaling pagbabantay sa anak ko. Minsan meron, kaso nga lang hingal at pagod dahil sa kakulitan ng anak ko.

Beauty and the DemonWhere stories live. Discover now