Chapter Twenty-One

Start from the beginning
                                    

"Kumuha ako ng Learning Charts para habang nakaupo lamang sila ay nakakabisado nila ang mga English Words na ito, o dikaya naman ang iba't ibang hayop at lugar na ito"

Sinimulan ni Lyan na idikit ang mga Charts sa wall malapit lamang sa bookshelves.

"Ibig sabihin ay iuurong pa ninyo ang dalawang kama para mas lumuwag dito sa Study Area nila?" Napatanong naman bigla si Kim.

"Oo naman. Kaya ko na iyan mamaya,"

"Ate Lyan can you read Little Mermaid ti me later?" anin naman ni Jana at ipinakita ang storybook

"Later before you sleep ha? Babasahin natin iyan"

Hindi nga naman madali ang pagmamake-over ulit sa kwarto ng mga bata. Dahil napansin ni Lyan kanina na medyo pagod na ang mga bata. Pinatulog na lang muna niya ang mga ito sa isa sa mga bakanteng silid. Now it's her time to finish all of these nang sa ganon ay maipakita niya ang bagong hitsura ng kanilang kwarto. Dahil hindi pa dito nag-tatapos ang surpresa ni Lyan sa mga bata.

"You should ask help. " Napalingon kaagad siya nang may narinig siyang boses.

It was Chase who is currently at the door. He crossed his arms as he stared at the whole room. Malawak ang kwarto ng mga bata. mas malawak nga ito kaysa sa ibang mga bakanteng silid.

"Kaya ko na po ito. " Ngumiti lamang si Lyan at iniayos ang hagdan nagagamitin niya.

Bumili si Lyan ng mga Glow in the star stars at moon na idinidikit sa kisame. Dahil ito ang nagpapaaliw sa kanya tuwing gabi bago siya matutulog.

"Halaka, nadimunyu ka"Nagulat si Lyan nang biglang umuga ang hagdan nang sumampa siya sa unang baitang.

"Bumaba ka na nga dito" Napatingin sa ibaba si Lyan. Hindi man lang niya namalayan si Chase na nakalapit na sa kanya.

"Ididikit ko lang ang mga ito, Sir"

"Ako na nga ang magdidikit bumaba ka na." Nainis naman na sabi ni Chase.

Napanguso lamang si Lyan habang bumababa ito.

"Ang sungit talaga" Bulong naman nito.

"Masyadong mahina. Di ko marinig" sarkastikong saad naman nito nang umakyat ito sa hagdan.

Napatikom na lamang ang bibig ni Lyan habang iniaabot niya ang mga stars at moons na ready nang idikit sa kisame.

Napaka ingat ni Chase mag lagay ng stars. Parang pareparehas pa ang distansya ng mga stars.

Hindi nakaligtas kay Lyan ang tyan ni Chase. Tumaas kase ang T-shirt nito nang idinikit niya ang mga stars. Bahagya itong napalapot ay sinubukang silipin hanggang sa loob. Pero dahil gumagalaw ang damit hindi niya makita ng maayos ang tyan ni Chase.

"1, 2, 3, 4, 5, 6!"

6 pack abs!? Hayup! Paano niya 'yan nagawa?

O baka naman mali ako ng bilang. Sige bilangin natin ulit!

"1, 2, 3, 4, 5, ..6"

Halla! 6 talaga! grabe naman itong si Sir Chase.

"Lyan!"

"Ay Kalabaw!" Nagulantang si Lyan nang marinig niya ang sigaw ni Chase.

"Bakit ka ba nag-bibilang diyan? sabi ko bigyan mo pa ako ng stars."

Nataranta naman si Lyan na kinuha ang mga natitirang stars na hindi pa naidikit.

Kung hindi pa niya narinig ang pag-sigaw ni Chase ay siguro hanggang ngayon ay nag-bibilang parin ito ng abs.

The Boss and his TwinsWhere stories live. Discover now