"Ahh sige hatid na kita sa labas" Sabi niya

"Sige Tara..." sagot ko

"Sige bye na" Sabi ko pagdating sa gate

"Bye ingat" Sabi niya

"Wala bang goodbye kiss or goodnight kiss diyan" pagbibiro ko1

"Hahaha Wala bye na alis chupi" Sabi niya

"Hahaha okay bye pasabi na lang Kay tita at Kay Chrisha na umalis na ako" Sabi ko at umalis na.

Pagdating sa dorm namin Nina Sam sinalubong agad ako ni Sam at kinamusta

"Oh ano pre anong nangyari??" salubong sakin ni Sam

"Hahaha successful napasagot ko na...nasan na mga pusta niyong kotse hahahaha" Sabi ko

"Hindi ako kasali diyan" seryosong Sabi ni Jay

"Sabi ko nga yung kotse lang ni Sam" Sabi ko

"Siyempre Hindi ko agad ibibigay kailangan munang one month kayo tapos saka mo i-break sa monthsary niyo hahahah" Sabi ni Sam

"Hahahha ang daming pipagawa ahh" Sabi ko

"Ayaw mo yata eh Sayang yung kotse Lamborghini pa man din yun" pang-aasar niya

"Hahhahah gagawin ko Naman eto Naman masyadong atat" Sabi ko

"HINDI NIYO BA TITIGILAN YAN??" nagulat kami sa biglang pagsigaw ni Jay

"Bakit ba Hindi ka naman kasali dito ano bang pinuputok ng butsi mo ha" inis na Sabi ni Sam kahit ganyan Yan pag galit na galit talaga

"Hindi ba kayo naaawa Kay Christine Hindi niyo man lang iniisip ang mararamdaman niya pag nangyari yun" galit na Sabi Naman ni Jay

"Eh ano ba kasing pakialam mo Hindi ka naman kasali dito at katuwaan namin yun" sagot ni Sam

"Bakit ba ayaw mong masaktan ang babaeng yun ha dahil ba naaalala mo sa kanya ang ex mong nang-iwan sayo ha!!!" Sabi ni Sam

"Sam tama na" singit ko dahil alam Kong magkakasakitan na sila

"Yang si Jay ang pagsabihan mo" Sabi niya

"Bahala kayong dalawa diyan Hindi na muna ako dito tutulog...sinasabi ko sayo Alexius pagsisisihan mo ang lahat ng giangawa mo" Sabi ni Jay at umalis na

Pag-alis ni Jay ay nanahimik na lang si Sam at natulog na Rin kami agad.

Jay POV

Tama yung sinabi ni Sam kanina na naaalala ko Kay Christine ang ex Kong nang-iwan sakin dahil magka-ugaling magka-ugali sila. Naaalala ko man sa kaniya ang ex ko Wala Naman akong nararamdang iba para sa kanya sadyang naaawa lang ako sa kaniya kase nagmamahal lang Naman siya ang kaso maling Tao ang minahal niya...Alam kong si Alexius ang best friend niya dahil aksidenteng nakinig ko ang usapan nina tita Alexa at ng Mama ni Christine sa phone...Alam ko ring may gusto si Bailey Kay Christine at nagtanong Ito sa kanya Kung pwedeng manligaw pero ang pinili ni Christine ay si Alexius...Alam ko ring si Bailey ang tumulong Kay Christine sa set up na ginawa niya para sagutin si Alexius...Nagtataka siguro kayo Kung pano ko nalaman ang lahat ng

yun siyempre dahil may mga tauhan ako na parang spy hahahha. So yun na nga Hindi ko muna sasabihin sa inyo Kung sino yung ex Kong nang-iwan sakin pero Ewan ko ba Mahal ko pa Rin siya kahit sinaktan niya ako ng sobra.

Christine POV

"Christine akala ko talaga si Bailey na magiging boyfriend mo" Sabi ni Mama

"Ma naman magkaibigan lang kami ni Bailey"

"Eh kase Naman ate mas bagay kayo ni Kuya Bailey kesa ni Kuya Alexius" Sabi naman ni Chrisha

"Tama ang kapatid mo tsaka mas kilala natin so Bailey...diba kakikilala mo lang Kay Alexius" pag-sang-ayon ni Mama Kay Chrisha

"Hay naku bahala nga kayong dalawa diyan matutulog na ako" sabi ko at umakyat na papunta sa kwarto ko

Bago matulog siyempre nag day dream muna ako. Sorry ganon talaga ako kagaya ng isang author diyan si Riane hahahah
(Wag ka ngang maingay Christine secret Lang Yun)
Sorry po hhahaahha ang di ko Alam Kung nagdi daydream din yung isa si Mich...Sorry mga author hahahha makatulog na nga

Bailey POV

Nandito ako ngayon sa pool namin nakatambay nag-iisip. Bakit Kaya si Alexius ang pinili ni Christine?? Ano kayang lamang niya sakin?? Mas gwapo Naman ako dun Kamuka ko nga si V ng BTS. Mas mabait Naman ako dun at higit sa lahat mas kilala ako ni Tita kesa Kay Alexius kakikilala lang.

"Huyyy" Sino ba to nakakagulat eh

"Anong ginagawa mo bakit ka tulala kanina pa kita tinatawag" Sabi ni Chelsea

"Wala may iniisip lang" Sabi ko

"Paano ka nakapasok??" Tanong ko

"Ahh bukas kase yung gate Kaya nakapasok ako pumunta ako sa kwarto pero Wala ka naman dun Kaya dito ako pumunta kase Alam kong kapag nasasaktan ka o Kaya iniisip dito ka tumatambay" paliwanag niya at umupo sa tabi ko

"Ano ka ba okay lang ako" pilit ang ngiting Sabi ko

"Okay okay bang matatawag ang pagpipilit ng ngiti...ano ka ba pinsan mo ako at kaibigan pwedeng pwede Kang magsabi Kung ano mang nararamdan mo...Alam kong nasasaktan ka kase ngayon sasagutin ni Christine si Alexius at higit sa lahat ikaw pa ang tumulong sa kaniya" Sabi ni Chelsea Kaya napaluha na ako

"Ano ba Yan Chelsea ang bakla ko tuloy tingnan" Sabi ko na pinipigil ang luhang ayaw magpapigil sa pagpatak

"Hindi porket umiiyak ang isang lalaki ay bakla ng tingnan sign Yan na sobrang nasasaktan na ang isang lalaki pero ayaw nilang ipaalam sa iba" Sabi ni Chelsea

"Bakit Kaya ganon nagmamahal ka lang Naman pero bakit kailangang masaktan pa??" Sabi ko

"Wala eh ganon talaga ang pag-ibig kailangang mamili sa dalawa ang maging selfish o maging selfless at sa lagay mong Yan selfless ang ginawa mo kase nagpaubaya ka para Hindi na mahirapan ang taong minamahal at mamahalin mo hanggang dulo" paliwanag niya

"Teka nga bakit ang dami mo Alam na ganyan wla ka pa namang boyfriend" natatawang Sabi ko pero umiiyak pa Rin Ewan nababaliw na ata ako siguro sa sobrang sakit na mararamdaman ko di ko na Alam Kung anong emosyon ang kailangan Kong maramdaman

"Nagbabasa kase ako ng pocket books" Sabi niya ng nakangiti

"Ganon ba makapagbasa nga Rin minsan...Thank you Chelsea ha napagaan mo talaga ang loob ko ngayon"

"Wala Yun para San Pat nanging pinsan mo ako" Sabi niya

"Tara na nga tulog na tayo" Sabi ko

"Tara" Sabi niya at umakyat na kami sa kanya kanya naming kwarto.
Dito sa bahay may sariling kwarto si Chelsea Ewan ko ba diyan trip lang daw niya tumambay dito at matulog paminsan minsan. Goodnight na

RianeMich

Thank u

 The Boy Changed The GirlWo Geschichten leben. Entdecke jetzt