Chapter Twenty

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tumingin ka sa akin Jana. Tell dad where it hurts" unti unti namang kumalma si Jana
"It's okay now." napailing-iling na saad naman ni Jana. "It hurts a little a while ago."she sniffed.

"S-Sir?" Nanlaki ang mata ni Chase nang makita niya si Lyan na pumasok sa kanyang opisina.

He was supposed to be mad at her for not looking out to the twins. But this thing that Jana got into  happened on his watch.

"Nasaan ka ba galing? Bakit nakita ko na lamang sa ibaba ang mga bata?"

"Nakasunod lang po ako sa kanila. Kaso nakita ko pong sinama niyo sila sa itaas. Naisip ko pong bigyan kayo ng oras.." nag-aalanganing sagot ni Lyan.

Nagulat naman ito ng makita niya si Jana na umiiyak.

"Jana! Why are you crying?"

Agad namang intinuro ni Jana ang sahig. Doon agad nakuha ni Lyan ang nangyari.

"Walang hiya kang sahig ka" Kinuha ni Lyan ang unan at hinampas ang sahig. Ginaya naman ni Jin ang ginawa ni Lyan.

"2500 pesos ang bawat unan. Sa totoo lang" Napatigil si Lyan sa kanyang ginagawa.

Sinuli naman niya kaagad ng maayos ang unan na ginamit nila ni Jin.

"Sir nandyan na po ang ambulansya?" Hinihingal naman si Kim na pumasok.

"Ha? Para saan?" Naguluhang tanong naman ni Lyan.

"Ahhh. Bakit? Hindi naman yata dumugo ah. Nag-patawag po ba kayo talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lyan.

"Hindi ba dapat?" Tanong naman ni Chase.
"Okay lang siguro. Pero normal na rin sa ibang bata ang mauntog sa sahig saka, naka-carpet pa po kayo oh." ani naman ni Lyan habang nakatingin sa sahig.

"Siguro ni-nerbyos lang si Jana kaya na-iyak siya." Dagdag pa nito habang hinahagod ang likod ni Jana.

"Kapag nangyari po ulit ito, ang gawin niyo sir buhatin niyo siya at subukang pakalmahin kase kapag sobrang iyak sila maaring mag-breakdown po sila at hindi makahinga "

"Ang lakas kase ng iyak. Nagulat ako" Napabuntong hininga naman si Chase habang pinagmamasdan si Jana.

"Sir ang ganda niyo pong tignan ngayon" Biglang gumuhit ang ngiti sa labi ni Lyan.

"What?"

"Wala po. Sige na Jana, nabibigatan na si Daddy. Saka nasaan na pala iyong pasalubong niyo kay Daddy?"

"S-Sir iyong ambu..lansya" Sinubukang isingit ni Kim iyon ngunit naabala si Chase sa paper bag na ibinigay ni Jin at Jana.

"What's this?" Chase asked.

"Mini Cake 'yan, Sir gawa ni Jin-Jan"

Nang mai-angat ni Chase ang cake na naka nakalagay sa plastic box ay napakunot ang noo nito.

The design of the cake is a face and it is assumed that it is his face.

"Sir...'yong ambulansya naghihintay-"

"You made this..?" Nanatiling napayuko si Jana at Jin na tumango tango sa kanilang Daddy.

"Ito ba iyong workshop nila sa BuckDonalds?" Tanong naman ni Chase.

"Ah! Opo. Naisipan ko pong dumaan dito kasama ng mga bata since maaga pong natapos ang baking workshop. Isa pa maganda rin po na nakikita ng mga bata ang workplace niyo, Sir" ang sabi naman nito habang nakatingin sa buong paligid.

"Why do you think so?"

"Para mas maging close kayo, Sir." Agad naman na umilag ng titig si Chase sa sinabi ni Lyan.

The Boss and his TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon