Chapter 54

2.9K 85 12
                                    



(Play "Kung wala ka" by Hale while reading)



Buong gabi wala akong ibang ginawa kundi ang bantayan si Kyle. Halos tulog na silang lahat pero ako gising na gising pa, naidlip din ako paminsan-minsan pero agad ding gigising para ma siguro na okay lang si Kyle.

Hindi parin kasi mawala sa isipan ko ang mga nangyari. Dahil kahit na ilang ulit nila sabihin wala akong kasalanan, alam kong ako parin ang puno't dulo sa kung bakit nangyari ang lahat ng eto.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko. Buti nga lang at hindi eto nabasa ng ulan. Napa dako ako sa gallery at hinalungkat ang mga random pictures namin. At tanging tuwa lang ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ko ang ngiti ni Kyle. Dahilan para ma miss ko ang presensya nya lalo na ang ngiti nya.

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring pang masama sayo." Saad ko habang hawak ang kamay nya at nakatingin lang sakanya.

.

Hanggang nga sa sumapit ang umaga. Pero hindi parin sya nagigising. Halos dalawang oras lang ang tulog ko kaya medyo mabigat ang pakiramdam ko pero pinipilit ko iyun. Hindi na ako nakapasok sa eskwelahan at wala akong balak pumasok. Maging sina Kurt, Jio, Lissa at Nikko hindi magawang umalis sa tabi ni Kyle. Paminsan-minsan nga sa tuwing aalis sila para bumili ng makakain, eh magpapaalam pa sila kay Kyle na akala mo naman sasagot eto.

Pero natatawa nalang ako sa tuwing ginagawa nila iyun. Mas ginaganahan ako lalo dahil sa inaasta nila. Na para bang ipinapakita nila sa akin na magiging okay lang ang lahat.

Sabi nila, na umuwi muna raw ako para makapagpalit. Oo, alam ko'ng wala akong maayos na ligo pero ganun ba kasama ang amoy ko para sabihing magpalit ako?.  Kaya kahit na ayokong umalis sa tabi ni Kyle umuwi narin ako ng bahay para makapagpalit.

Ng makatapos ko'ng maligo at mag ayos nagpaalam na ako kanina Mama. Sabi nila susunod nalang daw sila dun para bumisita.

Pagkatapos ng ilang minutong byahe. Nakabalik narin kaagad ako sa ospital. Pero natigil ako ng makita ko silang lahat na nasa labas ng kwarto. Habang nakaupo at nakasandal si Lissa kay Kurt. Sina Jio naman nakasandal sa pader habang nakahawak sa noo neto. At si Nikko na nakaupo sa sahig habang nakasandal sa tuhod nya ang noo neto, pati si Kuya na ang layo ng tingin na parang ang layo ng iniisip na ikinataas ng kilay ko.

At sa mga oras na yun, nagkaroon ng kung ano sa kaloob-looban ko dahil sa mga nakikita ko at sa kung anong pumapasok sa utak ko.

"Anong meron?" Agad na tanong ko ng makarating na ako sa harap nila. Dahil sa di ko maiwasang mapa-isip.
"Bakit andito kayo lahat sa labas?" Patuloy na tanong ko pero wala ni isa sa kanila ang pumansin sa akin.

"Hoy!" Pilit ko'ng sabi pero napataas ang kilay ko ng makita ko si Lissa na may luha sa mata kaya bigla akong kinabahan.

Handa na sana akong magsalita ng makita ko si Doc. na kakalabas lang ng kwarto ni Kyle.

"Doc., Kamusta na po si Kyle?" Agad na tanong ko na may kasamang pang u-utal. Pero natigil ako ng mapansing bigla syang nagpakawala ng malalim na paghinga bago nagsalita. Na ikina-kunot ng noo ko.

"Zein. We're very sorry. We did our best but hi-.." Hindi ko na hinayaang tapusin ang sasabihin nya at agad na binuksan ang pinto ng kwarto dahil sa kaba na nararamdaman ko.

At halos nanghina ang buong katawan ko sa kung anong nakikita ko ngayon. Nanginginig ako habang ramdam ang pamumuo ng luha sa mata ko. Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kung nasan sya ngayon. At kusang tumulo ang luha sa mata ko matapos ko'ng tanggalin ang nakatakip sa mukha nya.

"Kyle..." Mahina kong saad habang patuloy parin sa panginginig ang buong katawan ko. "Kyle ano ba? Wag ka ngang magbiro ng ganito!" napapikit ako matapos sabihin ang salitang iyun. 

"Kyle gumising ka oh!" Patuloy kong sabi habang tinatapik ang pisngi neto na umasang baka sakali magising eto. "Kyle.. please." Sa pagkakataong iyun ramdam ko ng tuluyan ng humina ang boses ko dahil sa tanging pag tangis nalang ang nararamdaman ko.

"Sorry.. I'm so sorry. Hindi ko sinasadya Sorry Kyle, Sorry sa lahat lahat." Patuloy na sabi ko dahil di ko alam kong anong gagawin ko. "Kyle, mahal na mahal kita, please sabihin mo sakin na mahal mo ako. Sabihin mo ulit sakin yun Kyle please." Pero napahawak nalang ako sa kamay nya habang naisub-sob ko ang mukha ko sa bedsheet.

Sobra akong nagsisisi sa lahat lahat ng nagawa ko at alam kong hindi iyun ganon kadali. Alam kong may mga mali at pag ku-kulang din ako at handa akong pagbayaran yun. Pero huwag naman sa ganitong paraan please.

Ramdam ko parin ang katawan ko'ng nanginginig dahil sa patuloy na pag iyak ng..

"Mahal din kita." natigil ako sa pagkakatong iyun matapos ko'ng marinig ang boses na yun. Dahan dahan kung ini-angat ang ulo ko at nabuhayan ako sa kung anong nakikita ng mata ko ngayon.

Ilang segundo akong nakatingin sakanya na para bang di makapaniwala sa mga nangyayari. Pero natuhan ako ng ngumiti sya sa akin. At ang ngiti nyang yun. Isa sa ngiting matagal ko ng hinahanap-hanap.

"Mahal din kita." Pag uulit nya sa sinabi nya, dahilan para bigla ko syang hampasin ng bag na dala ko.

"Bwiset ka! Adik ka ba ha! Gusto mo na bang tuluyan ka na talagang mamatay? Di mo ba alam kong gano ako nag alala sayo ha! Tapos ganito ganito lang!" Dire-diretso kong saad pero ngumiti lang ulit sya sakin dahilan para mawala lahat ng inis ko.

"Sorry na." Malumanay nyang sabi. Pero napapikit muna ako kasabay ng paghinga ng malalim bago ako lumapit sakanya at agad syang niyakap ng napakahigpit na para bang wala ng bukas.

"Hindi, ako dapat ang mag sorry sayo sa lahat lahat." Sabi ko habang nakayakap parin sakanya. "Kung sana pinakinggan kita noon palang di sana di na aabot sa ganito." Pag papatuloy ko habang patuloy parin sa sa pagluha ang mata ko.

"Shh... walang may kasalanan at walang may gusto. " Pagpapakalma nya sa akin kaya napangiti ako.

"Ayieeeee..." Natigil kami pareho ng marinig namin yun mula sa likuran namin. At nakita ko nga sina Jio, Nikko, Kurt, Lissa at Kuya na ang laki ng ngiti sa labi.

"Tumigil nga kayo dyan. Ang gagaling nyong umarte pati si Doc. Kinuntsaba nyo pa." Sabi ko pero tumawa lang sila.

"Eh plano ng ugok mo'ng boyfriend." Tinaasan ko naman ng kilay to'ng lalakeng hanggang ngayon nakangiti parin at todo pa cute.

"Tss.." tanging nasambit ko.

Pero natawa lang kaming lahat sa mga pinag gagawa namin. Kung tutuusin dapat mabwi-bwiset ako dahil sa mga kalokohan nila na nagpakaba sa akin. Pero mas nangibabaw ang saya. Saya na ngayon ay okay na ulit ang lahat.

Accidentally In Love with the Bad Boy AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon