Chapter 53

2.8K 108 26
                                    



Nanginginig ang buong katawan ko
dahil sa pinaghalong lamig at kaba na nararamdaman ko sa mga oras na eto. Ilang minuto lang ang nakakalipas ng maipasok si Kyle sa ER ng Ospital na dinalhan ng tricycle driver na tumulong sa amin.

Tinawagan ko narin sina Kuya at Mama para puntahan ako dito, nag alala nga sila ng itinatanong kung asan ako ngayon. At wala pang dalwang pong minuto nakarating na agad sila.

"Zein okay kalang ba?" Agad na bungad sakin ni mama. Pero imbis na sagutin ang tanong nya eh niyakap ko lang sya habang binuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Shh.." pagpapakalma sakin ni mama.
"Tinawagan na namin ang mga magulang ni Kyle, pati narin sina Nikko kaya dadating na rin yun anytime." Aniya.

Patuloy parin ako sa pagpunas ng ang luha'ng kusang dumadaloy mula sa mata ko. "Kasalanan ko to. Kasalanan ko lahat ng to. Kung sana noon palang binagyan ko na sya ng pagkakataon para makapagpaliwang sya sa akin. Di sana di na aabot pa dito." inis kong sabi habang napaupo nalang sa sahig dahil sa panghihina ng tuhod ko.

Pero agad namang lumapit sakin si Kuya para pakalmahin ako. "Zein, wala kang kasalanan dito. Walang may gusto sa kung anong mga nangyayari."

"Pero hindi e, nangyari na." Pilit kong pagsisi sa sarili ko.

Ilang minuto rin siguro akong nagiiyak pero patuloy parin sa pagpapatahan sakin sina mama. Sabi ni mama magpalit muna raw ako ng damit dahil baka magkasakit ako dahil sa hindi pa ako nakakapagpalit at ramdam ko parin ang basa kong katawan dahil sa pag papaulan ko kanina. At kahit na ayaw ko E pinilit ko parin. Ni hindi ko na nga nagawang maligo ng maayos dahil sa lutang ang isip ko.

Matapos kong makapagbihis bumalik narin ako sa labas ng ER kung asan sina mama. Pero naabutan ko na naandun na si Tita na nag aalala rin. Kaya naging emosyonal na naman ako dahil sa di ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Hindi ko magawang kausapin o kahit tingnan si Tita dahil sa kahihiyan.

Pero sabi ni Tita, wag ko raw sisihin ang sarili ko kagaya ng sinabi ni Kuya. Dahil hindi ko iyun ginusto. Sadyang nagmahal lang kami kaya humantong sa ganito. Ramdaman ko ang paghawak ni Tita sa kamay ko habang nakaupo kami at nahihintay ng balita sa kung ano ng kalagayan ng sitwasyon ni Kyle.

"Alam mo ba? nung huli naming pag uusap kagabi. Nasa trabaho ako noon pero tumawag sya na umiiyak. Ang sabi nya sakin. Isa sa pinaka maling nangyari sa buong buhay nya. Yun ay ang mahalin ka." Natigil ako ng marinig ko iyun. "Higit ka pa daw sa kung anong hinihiling nya. Kaya ganun nalang sya kung mainis sa sarili nya.Dahil sa tingin nya, hindi sya nararapat para sayo. Na napaka buti mo'ng tao, at di mo deserve ang mga kasinungalingan nya."

"Alam mo ba nung mga panahong wala pang Zeinrie sa buhay nya?. Halos ipinagdadasal ko araw-araw, gabi-gabi na sana magkaroon ng himala. Na sana mabago sya. Na kung dati akala ko wala ng kahahantungan ang buhay nya. Na buong akala ko habang buhay nalang syang magiging barumbado, na halos gabi-gabi syang nag iinom ng alak, sa mga katarantaduhan nya sa eskwelahan, at akala ko hanggang doon nalang sya. Pero nag iba yun magmula nung dumating ka." Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko sa kung anong naririnig ko.

"Kaya wag mong sisisihin ang srili mo. Dahil kong ano man ang nangyari. Yun ang magpapatunay na kahit ilang problema o balakid pa ang dumating sa buhay nyo, yun ay dahil nagmahal lang kayo. At parte ng pagmamahal ang masaktan, para ma realize ang mga bagay bagay." Isang pilit na ngiti ang ibinigay sa akin ni Tita matpos sabihin ang salitang iyun.

Maya-maya pa natigil kami sa pag uusap ng lumabas na rin yung doktor mula sa ER kaya agad kaming tumayo.

"Doc. Kamusta na po si Kyle?" Agad na bungad ko. Pero kita ko sa mukha nya ang pag a-alinlangan.

"Sa ngayon, patuloy parin kami sa pag agap ng katawan nya. Dahil sa maraming dugo ang nawala sakanya kaya natagalan kami sa ilang proseso. Sa ngayon kailangan naming magsagawa ng ilang test bago tukuyin kong ano pa ang mga apektado sa katawan nya." Napalunok ako matapos marinig iyun.

"Pero gagawin nyo naman po lahat para maging okay sya diba?" Pero tumango eto sabay pilit na ngiti.

"Gagawin namin lahat ng makakaya namin."

"Salamat" pagpapasalamt nina Tita. Kita kong ngumiti sya sakin para i-cheer up ako, pero tumango lang ako dahil di ko magawang ngumiti sa oras na eto.

Alas-nwebe na ng gabi, at di parin ako mapakali. Nagpaalam sakin si mama na mauuna na raw sya, si Tita naman uuwi muna para magdala ng mga gamit ni Kyle. Kaya ako nalang at si Kuya ang andito. Pero ilang minuto din matapos makaalis ni Tita dumating narin sina Kurt, Nikko, Jio at Lissa na sobra ding nag aalala.

Todo pa nga sila hingi ng pasensya dahil sa natagalan sila dahil sa sobrang traffic. Pero naiintindihan ko naman sila. At sinabi kong okay lang. Sinabi ko narin sakanila kong anong nangyari pero pare-pareho lang sila ng sinasabi sakin.

At buong gabi halos andun lang kami. Hanggang sa mailipat na si Kyle sa private room kaya medyo nabantayan na namin sya. Pilit nilang sinasabi sakin na magpahinga muna raw ako at matulog pero sabi ko naman hindi rin ako makakatulog ng maayos hanggat hindi napapanatag ang loob ko. Wala narin naman silang nagawa kaya hinayaan nila ako dahil sigurado naman akong alam nila kong anong nararamdaman ko ngayon.

"Kape?" Nai-angat ko ang ulo ko ng alukin ako ni Nikko ng kape na agad ko namang kinuha.

"Ang bobo talaga kahit kelan netong Ken na to'." Biglang sabi nya matapos umupo sa tabi ko. "Ang sabi namin sakanya, kausapin ka lang tapos nagpa bundol pa sa truck!" Natatawa nyang sabi. Pero natigil sya ng mapansing hindi ako umimik.

"Zein, magiging okay din lahat. Malakas yang kumag na yan, kaya di yan basta-basta magpapatalo. Tiwala lang." aniya habang nakawak sa kamay ko sabay ngiti. At dahil sa ngiting iyun medyo naramdaman kong gumaan ang pakiramdam ko. Dahil hindi ko naradaman na mag isa lang ako sa laban na to' dahil andyan silang lahat para palakasin ang loob ko.








Accidentally In Love with the Bad Boy AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon