Chapter 49

2.4K 77 6
                                    


Nai-mulat ko ang mata ko ng marinig ang ringtone mula sa cellphone ko. Napakamot ako sa ulo habang kinukusot-kusot ang mata ko. Ini-ikot ko ang paningin ko sa paligid ng mapansin kung maliwanag na ang paligid. 10:30 na ng umaga at na-andito pala ako sa condo unit ko. Hinatid siguro ako nung mga ugok na yun.

Pinilit kong tumayo mula sa pagkakahiga kahit na medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa tama ng alak sa akin. E matapos kasi nung dramahan naming apat E naka isang case pa kami ng beer.

Ng makarating na ako sa sala, natigil ako ng makita ko ang babaeng nasa kusina habang abala sa kung ano mang ginagawa nya. Bigla ko namang naramdamang kumabog ng napakabilis ang dibdib ko.

"Good morning!" agad na bati nya sakin ng mapansin akong nakatayo habang nakatitig sakanya. "Ahmm, nga pala, may tinimpla akong pampatanggal hang over. Makakatulong to sayo." Saad nya sabay ngiti dahilan para manginig ang tuhod ko dahil sa ngiti nya. Pero nanatili lang ako sa posisyon ko na pinipigil huwag magbago ang awra.

"Pasensya nga pala kung pumasok ako dito ng di nagpapaalam. E sa naiwang bukas tong pinto kaya naisip ko ng pumasok. Isa pa, Pasensya rin dahil pinakialaman ko yung refregirator mo. E-." hindi ko na sya hinayaan pang tapusin ang sasabihin nya at pinutol iyun.

"Anong ginagawa mo dito?" diretso kong tanong dahilan para matigilan sya.

Napalunok muna sya ng ilang beses bago nagsalita.
"E s-sabi kasi ni Nikko na nag inuman raw kayo kagabi. Kaya naisip kong puntahan ka ngayon. Pero walamg kasalanan si Nikko kung ba't ako andito. Pinilit ko sya kaya wag kang magalit sa kanya." Pagpapaliwanag nya pero nanatili lang akong tahimik habang seryosong nakatingin sa mata nya.

"Alam kong galit ka sakin pero-" hindi ko na naman ulit sya pinatapos sa pagsasalita ng unahan ko na sya.

"Salamat nalang pero maari ka ng makaalis." Sabi ko ng hindi sya tinitingnan.

"Kasi Ethan-"

"Irene tama na. Ano pa bang kaylangan mo? Nasira na lahat. Di'ba yun naman ang gusto mo?." Napapailing sya sa bawat salitang sinasabi ko.

"Sorry" napayukom ang kamao ko sa narinig ko mula sakanya.

"Itago mo nalang yan sorry mo." Tiningnan nya lang ako pero ramdam ko ang pamumuo ng luha mula sa mata nya.

"Ethan, alam kong hindi mo ako mapapatawad sa lahat ng nagawa ko sayo—sainyo. Napakabuti mong tao lalo na si Zein, At hindi nyo deserve to." garalgal nyang sabi. "Alam ko nagkamali ako at alam kong nasaktan ko kayo. At hindi ako magtataka kung bat' ganyan ang nararamdaman nyo sakin. Okay lang sakin kahit wag mo akong mapatawad. Dahil alam kong hindi iyun magiging ganun kadali. Pero handa akong pagbayaran lahat ng yun." matapos nyang sabihin ang salitang iyun. Nagtungo sya sa sala at kinuha ang bag nya sa couch dahil sa tumulo na ang luha sa mata nya.

Ng makarating na sya sa may pinto. Tumigil sya at lumingon. Pero ikinabigla ko ng lumapit ulit sya sakin at bigla akong niyakap.

Habang nasa ganun kaming posisyon. Di ko alam at parang na statwa lang ako. Kahit na sobra akong galit sakanya hindi ko sya kayang itulak mula sa pagkakayakap na para bang may nagsasabi sakin na "hayaan lang kita"

"Alam ko kung gaano ka naiinis sakin. Pero handa akong pagbayaran at ayusin ang nasira ko" patuloy na nanginginig ang boses nya. "Sorry, sorry kasi hanggang ngayon mahal parin kita." Pagkatapos nyang sabihin ang mga salitang iyun unti-unti na syang kumalas sa pagkakayakap at nagtungo sa pinto para umalis.

Nabaling ang tingin ko sa mesa habang nakahain ang mga niluto nya. Pero nabigla nalang ako ng maramdaman ko ang pagtulo ng luha mula sa mata ko

.

Nakatulala lang ako habang hinihintay sina Jio, Kurt, Lissa at Nikko dito sa coffee shop. Mag iisang oras narin ata akong naandito pero wala parin yung mga yun.

"Hoy!" natauhan ako ng biglang may tumapik sakin at bumungad nga sakin sina Jio, Kurt, Lissa at Nikko.

"So what's the agenda?" agad na tanong ni Kurt. Pero tiningnan ko muna sila ng seryoso bago sinagot ang tanong nya.

"Make Zein fall in love with me. Again." Nagkatinginan silang lahat sa sinabi ko. Kita ko sa mukha nila ang pagkabigla. "And I need all of your." Napangiti naman silang lahat bago tumingin sakin.

"Anytime Kenny boy.. " sagot ni Jio na ikinangiti ko.






Accidentally In Love with the Bad Boy AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon