Chapter 30: Confirmation

4.4K 131 5
                                    

Naimulat ko ang mata ko ng marinig ko ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng kwarto ko.
"Zein! Bangon na dyan!" Rinig kong sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.

"Ayoko pa!" Walang gana ko'ng sabi habang pinipilit ipikit ang mata ko.

"May naghahanap sa'yo?" Natigil ako bigla sa sinabi ni mama.

"Ang aga-aga pa eh! sino ba yan?!" Walang ganang tanong ko ulit, habang kinukusot ng mata ko.

"Si Nikko" agad akong napabangon at binuksan ang pinto matapos marinig ang pangalan na yun.

Bumaba kagad ako papuntang salas at nakita ko nga si Nikko na nakaupo habang kausap si Kuya, pero natigil kaming pareho ng tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.

At bigla akong nakaramdam ng ilang ng mapansing di pa pala ako nag papalit ng damit at nag ayos ng sarili ko.
"T-teka lang muna.. papalit lang ako!" Pero agad nya akong pinigilan.

"Wag na...ang cute mo nga dyan eh" sabi nya sabay ngiti. Bigla naman tuloy akong kinilig sa sinabi nya. Kahit kelan talaga, ultimong marinig ko lang ang pangalan nya para akong uod na binodburan ng asin.. eh ano pa kaya yung pakiramdam na sabihan ako ng cute. Pft!.

"Hmm, b-bakit ka nga pala andito?" Tanong ko habang pinipigilang wag tuluyang kiligin.

"Hmm... aayain sana kitang lumabas, since wala namang pasok.. actually kasama si Chris with Lissa, Kurt and Jio." Napatingin naman ako kay kuya na nakabihis na.

"Ganun ba? Hmm, sige.. mag aayos lang ako" pag papa-alam ko at agad akong pumunta sa kwarto at nag ayos.

.

Pagkatapos ng ilang minutong byahe nakarating narin kami sa isang sikat na restaurant dito sa lugar namin. At nakita nga namin si Kurt at Lissa habang nakatayo sa labas ng restaurant.
"Asan si Jio" Agad tanong ni Kuya.

"Eto ng eh! Tinatawagan ko pa.." sagot ni Kurt habang aktong kinokontak si Jio.

"Sige... tawagan mo na kaagad" ani Nikko.

Pero biglang namilog ang mata ko matapos mabaling ang paningin ko sa lalake't babaeng nasa loob ng isang restaurant.

"Hello Jio?!" Rinig kong saad ni Kurt sa cellphone nya. "Asan ka na?!" Tanong ulit ni Kurt.  "Huh?! Pero..... Oh Sige, basta subukan mong humabol ah!"

"Oh anong sabi?!" Agad na tanong ulit ni Kuya.

"Ayun! Di daw makakapunta.." bigla namang tumibok ng napakabilis ang dibdib ko. "May importanteng pinuntahan daw.. pero susubukan niyang makahabol" pag papaliwanag nya.

"Haysss.. tara na nga" sabini Kuya sabay unng naglakad na sinundan lang namin. Pero mas lalong namilog ang mata ko ng biglang mag sink in sa utak ko na nasa harap kami ngayon ng isang restaurant ko'ng san nakita ko silang dalawa.

"Teka lang!" Natigil sila sa paglalakad at humarap sa akin. "ahm, d-d..dito ba ta-tayo k-k..kakain?" Utal kong tanong.

"Oo"

"Ahm, ano!.. hmm, kasi pw-pwede bang sa iba nalang tayo kumain?.." pero Napataas ang kilay nila sa sinabi ko.

"Bakit?! Ayaw mo ba dito?! Masarap yung pagkain dito, kaya ko ng kayo dito dinala.." pag papaliwanag ni Nikko.

"Teka?!Okay ka lang ba Zein?" Nabaling ng tingin ko kay Lissa sa itinanong nya.

"O-oo.. okay lang"  utal na sagot ko. "Hmm... tara na, pasok na tayo" Nanginginig ako habang nag lalakad papasok sa restaurant. Sorry Jio, ginawa ko na makakaya ko.. gusto ko mang ipilit lahat lahat kaso... Haist...

Patuloy kami sa paglakad papunta sa table habang nanginginig parin ang katawan ko. Tumingin ako sa direksyon ko'ng asan naka pwesto sila Jio pero buti nalang umalis sya kaya ang naiwan si ate Rissa.

Habang naglalakad palapit ng palapit kami sa table kung saan sila nakapwesto. At hanggang sa nasa harap na nga kami ni Ate Rissa.

Magsasalita pa lang sana ako ng unahan na ko ni Lissa
"Ate?! Anong ginagawa mo dito?"  Biglang nanghina ang katawan ko.

Tumingin naman si Ate Rissa at halatang gulat din sya. Aktong magsasalita pa lang sana si ate Rissa ng...
"Eto na-" hindi na pinatuloy ni Jio ang sasabihin nya ng mapansing nakatingin kaming lahat sakanya.

"Te-teka?! Anong meron?! Jio?!" Di makapaniwalang saad ni Lissa habang tinititigan si Jio. " Sabi mo hindi ka makakapunta?" Nakita ko ang paglunok ni Jio.

At napapikit ako ng makita kong hinawakan ni ate Rissa ang kamay ni Jio na mas ikinabigla nilang lahat.

"Teka?! Anong ibig sabihin neto? Jio?! Ate?!" Tanong ulit ni Lissa pero hindi sya magawang sagutin ni Jio. Bigla namang tumingin sakin si Jio pero ngumiti lang ako.

Nasasakanya na ang desisyon kong anong sasabihin nya kay Lissa.

Huminga muna ng malalim si Jio bago nagsalita.
"Lissa... mga brad!" May panginginig na saad ni Jio habang di magawang tumingin sa mga mata namin. "Alam ko'ng sa pagkakaibigan natin.. bawal ang mga magtago ng sikreto. But, please forgive me for what I've just did... " tumingin sya kay Ate Rissa at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay habang nakangiting humarap samin.

"Gusto ko'ng ipa-alam sainyo... na sya ang babaeng mahal ko.. at mamahalin ko..." Seryoso nyang sabi habang isa-isang tinititigan ang mga mata namin.

Pero ikina-kunot ng noo ko ng makita ang mga mukha nila na parang walang nangyayari.

"Guys...mahal ko sya... handa akong ipaliwanag sainyong lahat lahat.." pero wala paring nagbabago sa mga awra nila.

"Tapos ka na?" Napatingin ako kay Kurt ng itanong nya yun kay Jio.

"Alam mo Jio Ire Dee, kung mag sesekreto ka? Siguradohin mo naman sana.. yung hindi talaga namin mahahalata" nabigla ako sa sinabi ni Kuya.

"Alam na namin dati pa.. yung pagdalaw mo sa bahay nila Lissa, yung pag absent mo para lang makita si Ate Rissa... hindi naman masyadong halata" natawa naman si Lissa sa mg pinagsasabi ni Kurt.

"Pero kahit na alam na namin.. mas minabuti parin naming ikaw mismo ang magsabi para i-confirm."

At habang sinasabi nilang lahat ng yun e nakatulala lang tong si Jio maging ako di makapaniwala sa mga pinagsasabi nila.

"Pero ?!.? Hi-hi...hindi kayo galit sa-sa..sakin dahil nagsinungaling ako?" Utala na tanong ni Jio pero nagtawanan lang sila.

"Actually, natawa pa nga ako dahil gaya-gaya ka sa love story namin ni Kurt." Natatawang sabi ni Lissa.

Sunod namang tumingin si Jio kay Nikko at Kuya pero ngumisi lang sila.

"Lissa" Napatingin kami kay Ate Rissa habang palapit kay Lissa.

"Sorry, hindi ko kagad nasabi sa'yo.." ngumiti naman si Lissa.

"Wala naman kayong dapat ipag sorry e. Nagmamahalan kayo.. at maging ako, naiintindihan ko kong bat nyo mas minabuting ilihim ang tungkol sainyo" ngumiti ulit si ate Rissa sabay yakap kay Lissa.

"Kung may dapat kayong bigyan ng paliwanag?! Si Mom at Dad ang harapin nyo" pero ngumiti lang si Jio.

"Kahit sino pa yan.. kakayanin ko" pero bigla syang binatukan ni Kuya.

"Samin nga di mo kagad nasabi.. sa iba pa kaya" pero Nagsitawanan lang kami.










Accidentally In Love with the Bad Boy AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon