Chapter 11: Sorry

5.3K 183 15
                                    


Pagkatapos nung pag uusap naming yun ni Kyle, hindi pa rin sya nag paparamdam sakin, I mean.. hindi parin kami nag uusap ni Kyle. Ano bang problema nun?. Anong ibig nyang sabihin dun sa "layuan ko si Jerome?" Tsk!. Anong akala nya?! Susuyuin ko sya na para bang ako yung may mali? Tss! Bahala sya sa buhay nya.

°√°

At ngayon, kasalukuyan kung pinagmamasdan ang sahig habang inaantay lumabas si ate Lia sa bahay nila. Eh sa ngayon na ang flight nya papuntang States kaya eto kami ni Kuya ihahatid sya papuntang airport. Buti nalang talaga at nagkabati na silang dalawa, dahil kung hindi.. baka kung ano na nangyari kay Kuya ngayon.

Mga ilang minuto pa, bumukas narin ang gate ng bahay nila at lumabas na si Ate Lia. May ngiti sa labing sinalubong ni Kuya si Ate Lia. Hayy nako! Mukhang may mag eemote na naman sakin tuwing madaling araw. Psh!.

Pagkapasok namin sa kotse, tahimik lang kaming tatlo. Wala ni-isa umiimik, hanggang sa maka rating na kami sa airport halos mapanis na laway namin dahil sa katahimikan sa loob ng kotse.

Pinagmamasdan ko lang sila habang nag uusap. Hindi ko ma-imagine kung ano nararamdaman nila ngayon, siguro kung ako nasa kalagayan nila, hahagulgol ako, mag wawala, tatakbo?, tatalon?, sisigaw pangalan mo?, Psh!!.

Maya-maya pa nakita ko'ng nagpunas na ng mata si Kuya, at sigurado akong nabawasan na ang luha nyang kanina pa pinipigil.

"Zein!" Nabaling ang tingin ko kay Ate Lia ng tawagin nya ko. "bantayan mo ng maigi tong kuya mo ha!" Natatawa nyang sabi.

"Wag kang mag alala ate! Ako bahala dyan" saad ko sabay ngiti.

"Oh pano ba yan! Aalis muna ko.. at sana habang wala pa ko eh, magpapakabuti ka ha!. Aalagan mo din tong si Zein!" Pag bibilin ni ate Lia kay Kuya na halata rin ang pamumuo ng luha sa mata nya.

"Yes ma'am... at ikaw rin, kahit na maraming gwapo dun!. wag kang makakalimot na may mas gwapo kang boyfriend na naghihintay dito!" Bigla namang natawa si ate Lia sa pinagsasabi ni Kuya.

"Syempre naman.." Pagkatapos nun eh tuluyan na ngang tumolo ang luha ni Kuya.

Hanggang sa nagsimula na ngang, maglakad si ate Lia palayo sa kinatatayuan namin.. Hayysss.. buhay nga naman, hindi mo alam kong ano mangyayari pagkatapos ng lahat ng to.

"Mamaya mo na yan ituloy... Bili muna tayong tissue.." pag bibiro ko kay kuya na todo parin sa pag iyak.Hayss..

Pagkatapos nun, umuwi narin kami. At pagkarating namin sa bahay, umakyat na kagad ako sa kwarto ko. Kaylangan muna ni kuya na mapag isa para makapag isip isip.

Agad akong napahiga sa kama ko at pinagmamasdan ang kisame ng kwarto ko. Hayss.. para makita ang reaksyon ni kuya... Ako ang mas nasasaktan, di ko alam at parang nanghihina ako sa tuwing nakikita ko na umiiyak si Kuya kahit na sa maliit na dahilan. Psh!.

.

Nagising ako ng maramdaman kong tumunog ang tiyan ko. Haysss... mukhang  nagugutom na ang mga alaga ko ah!. Tiningnan ko ang orasan at alas otso na pala ng gabi at hindi parin ako kumakain mula kaninang lunch. Mukhang napasarap ata tulog ko. Pinilit kong tumayo kahit na medyo inaantok ako.

Ng makarating nako sa kusina, natigilan ako ng makita ko ang lalakeng naka sub-sob sa mesa ang mukha... kahit na nakatalikod sya, kilalang kilala ko kung sino to. Agad akong lumapit sa lalakeng ng himbing ng tulog. At tama nga ako si Kyle to. Pero teka?! Bat sya nakapasok dito?!. Anong ginagawa nya dito?!.

Natauhan ako ng makita kong gumalaw sya at nagising. Agad syang tumayo ng makita ako na pinagmamasdan lang sya ng nakataas ang kilay.

"Zein! Gising ka na pala!" Agad na saad nya habang kinukusot-kusot pa ang mata. "Ahmm, nagluto ako oh! Eh sabi kasi ni Chris di ka pa kumakain kaya ipinagluto kita..." sabi nya habang pinag bubuksan ako ng mga niluto nya 'raw'.

"Anong ginagawa mo dito?" Diretsong tanong ko sa kanya, natigilan naman sya sa sinabi ko at tiningnan ako sa mata.

"Zien.. Yung tungkol kahapon.." inirapan ko nga.

"So, napag isip-isip mo na yung mga pinagsasabi mo kahapon?" Pag mamataray ko.

"Zein, kilala mo naman ako diba?! , Yung tungkol sa mga pinagsasabi ko kahapon, Oo, nabigla ako, pero kasi Zein, gusto ko lang maging ligtas ka"

"Kung ganon... anong dahilan bat kaylangan mo pang sabihin yung mga yun?" Bigla syang napabuntong hininga at humakbang palapit sakin.

"Zein, ilang araw nalang, aalis nako.. at alam ko'ng hindi mo rin gugustuhin na pababayaan kita.. kaya eto nalang ang alam kong pwede kong magawa para maging ligtas ka.." bigla akong nanghina sa sinabi nya at nilapitan sya. Nakakainis naman eh! Bat ba sa tuwing nababanggit nya yung tungkol sa pag alis nya bigla akong nanghihina.

"Kyle naman eh!" Bigla akong lumapit sakanya at agad syang niyakap ng mahigpit.

"Sorry.." saad nya habang nakayakap parin sakin.

Bat ba kasi mahal na mahal kita Kyle?..

Pagkatapos nung dramang yun, nasa labas kami ngayon habang nakahiga sa grass at pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.

Nabaling bigla ang tinignan ko kay Kyle ng maramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko.

"Bakit?" Tanong ko dahilan para tumingin sya sa mga mata ko.

"Iniisip ko lang kasi, kung... nasa America nako... ano na kaya mangyayari sakin dun?... " Bigla na naman akong nanghihina sa sinabi nya.

"Alam mo Kyle... maging ako iniisip ko rin kong anong mangyayari sakin pag umalis kana... " malumanay kong saad "Pero, para wag na tayong malungkot.. Isipin mo.. na kong ano man yung isasakripisyo natin sa ngayon eh yun ang satingin nating makakabuti sating dalawa... sa future natin.." Isang ngiting pilit ang pinakawalan nya habang nakatitig sa mata ko.

"Zein, mahal na mahal kita... sobra" bigla akong napangiti ako sa sinabi nya..

"Mas mahal kita... sobra pa sa sobra.." alam kong hindi sapat ang salitang yun para iparamdam ko sakanya kung gaano ko sya kamahal.




Accidentally In Love with the Bad Boy AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon