Chapter 14

53 5 4
                                    

CHAPTER 14

"SIGURADO KABA TALAGA? "

"Ofcourse. Baka nga matuwa pa si Dad. "

Sabi kasi ni Ivon sa kanya ay dadalhin siya nito sa bahay nila.Ipapakita raw nito kung saan ito nakatira. Pagkatapos ng nangyari kahapon ay bumaba sila at nalaman nilang gabi na pala. Kung di lang sila tinawag ni Nanay Koring para maghapunan ay di sila bababa. Mukhang di rin naman nakahalata ang Ginang. Tinanong lang sila kung bakit sila nagtagal sa kwarto niya. Dito narin natulog si Ivon dahil di siya pinayagang pauwiin ng Ginang.Tabi ito at si Julius sa kabilang kwarto.

"Eh yung Mom mo? Baka strikta yun ha."

Biglang lumungkot ang mukha ni Ivon at napatanong siya sa sarili.

May nasabi ba siyang mali?

"Patay na ang mom ko. Years ago. "

Napayuko siya at humingi ng paumanhin."S-sorry hindi ko alam."

Niyakap siya nito ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. "Its okay. "

Ngumiti siya ng ngumiti narin ito.Sinuklian niya rin ito ng halik sa pisngi. Nasa sala sila ngayon at nakaupo sa sofa. Mula ng mapasagot siya nito sa di pangkaraniwang panliligaw ay naglalambing na ito sa kanya at palagi siyang niyayakap. Wala narin naman siyang naramdamang ilang. Parang mas gusto na nga niyang palagi itong yumayakap sa kanya. Gusto niya ang paglalambing nito.

"Ganun ka ba manligaw? "

"Huh? "

Ngumiti siya at nilapit ang bibig sa tenga nito. "Ang sabi ko. Ganon ba ang style mo sa panliligaw?"

Mukhang nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin. Dahil ngumisi ito ng pilyo at dumikit sa kanya. "Oo. Gusto mo ligawan kita ulit. "

Pabiro niyang piningot ang tenga nito. Umaandar na naman ang sakit nito. Kahit kailan talaga di na marunong mahiya.

"Tumigil ka. "

"Tumigil saan? " Pablind nitong tanong.

"Diyan sa kapilyohan mo. Baka nakakalimutan mo malakas akong sumapak. "

"Oo nga no. Naalala ko pa nung sinapak mo ako. Ang sakit kaya nun. Tapos sinundan mo pa nung sinipa mo yung bike ko. Nadagdagan tuloy pasa ko. "

Nakonsensya naman siya sa sinabi nito. Naalala niya ito nong una. Nung pauwi na siya galing sa opisina ni Mayor Hitoro. Nakita niyang may pasa ito sa pisngi.

"Kung bakit naman nanghahalik bigla.Nasapak tuloy kita. "

"Okay lang yun. Di naman nabawasan ang kagwapuhan ko. "

Tumawa siya sa tinuran nito. Ito na naman. Gusto niya tuloy makita ang ama nito kung pareho ba ng ugali. Para kasing may pinagmanahan.

"Ganyan ka na ba talaga ka hangin."

"Hindi yun pagiging mahangin. Gwapo naman talaga ako. " Tanggol ni Ivon sa sarili.

Napailing siya at hinayaan itong puriin ng puriin ang sarili. Talaga namang gwapo ito.At mas gumagwapo ito sa paningin niya lalo na ngayon. Hahayaan nalang niya ito mukha naman nature na nitong sabihin na gwapo ang sarili. Well wala naman siyang problema doon.

Nasa sofa lamang silang dalawa at nagkukulitan at minsan ay naglalambingan. Humahalik ito sa pisngi niya at sekretong ninanakawan siya ng halik. Panay rin ang haplos nito sa bewang niya na pinipigilan niya baka makita sila ng tao sa loob. Si nanay koring lamang ang nasa bahay dahil wala si Julius. May pupuntahan raw kasama nung kaklase nitong si Talya.

GENTLEMEN'S CLUB 1: The Agent Has Been Slainحيث تعيش القصص. اكتشف الآن