Chapter 9

66 1 0
                                    

CHAPTER 9

SA MGA NAKALIPAS na araw nasanay na si Lydia sa lugar kung nasaan man siya ngayon.Kahit ang mga kapitbahay ay kilala narin niya.Di naman pala mahirap pakisamahan ang mga tao dito katulad lang kina Nay koring at Julius.

Anim na araw.

Anim na araw nalang ang natitira sa palugit na ibinigay sa kanya.Tinatawagan na rin siya ng agency para magbigay ng update.Hindi siya makakakilos ng maayos sa kadahilanang bantay sarado na ngayon ang opisina ng mayor at mas dumoble ang bilang ng mga bantay nito.

Dumagdag pa si Ivon na walang araw na hindi makakapunta sa bahay dito ni Nay koring.Palaging bumibisita at ginagambala siya na palagi rin niyang hindi pinapansin.

Katulad nalang ngayon...

"Busy ka ba ngayon Lydia?"

Prente itong nakaupo sa sofa at nakadekwatro habang nakatitig sa kanya na kinasiwa niya.

Sumalubong ang kilay niya bago tumango.

"Ah ganun ba.How about this afternoon?"

Umiling siya."Marami akong gagawin."

Napaasik ito."Tsk!...tulungan nalang kita para mapadali yang gagawin mo?"

Mabilis niyang isinara ang laptop ng lumipat ito ng upuan sa tabi niya at tumingin sa ginagawa niya.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Umusog siya dahil ang lapit nito.

"Huh?Hindi ko pa nga nakikita tinakpan mo na.Ano ba kasi yan at kanina ka pa nakafocus.Ni pagpansin sa kagwapuhan ko di mo man lang matignan."

Gumagawa siya ng report tungkol sa Mayor na si Hitoro.Ofcourse the basic report.Wala pa naman siyang nakukuhang impormasyon dito at ang file na pinapakuha ng agency hindi pa niya nakukuha at sisiguraduhin niya bukas na kahit anong mangyari susuungin niya ang opisina nito.Magkagulo man o magkabarilan.She has to double her moves nagmumukha na siyang nagbakasyon.

She rolled her eyes sa sinabi ni Ivon.Medyo humangin ng malakas at siya lang ata ang nakapansin nun.

Tumayo siya bitbit ang laptop at dinuro ang noo nito.Napatingala naman ito.

"Iwasan mo ko Ivon.Hindi mo pa ako masyadong kilala.Hindi mo alam kung anong mga ginagawa ko at ayokong madamay ka sa mga pinaggagawa ko."

She's telling the truth even though they're not that really close.Ayaw niyang mapahamak ito kaya mas mabuti pang layuan siya nito.Para rin naman sa kanilang dalawa ito.Ivon is not good for her.Makakapalpak ito sa plano niya.

Nalukot ang mga kuko niya sa paa ng hawakan nito ang daliri niyang nakaduro sa noo nito.Hindi man lang nagbago ang reaksyon nito sa ginawa niyang pagduro.Kung iba na siguro to nainsulto na.

Bumuka ang bibig nito."Bakit naman kita iiwasan?Kaya nga nandito ako para mas makilala ka pa.Oo hindi ko pa alam kung anong mga pinaggagawa mo at hindi ko rin alam kung bakit madadamay ako sa ginagawa mo."Huminto ito sa pagsasalita at tinapatan siya sa pagkakatayo.Tinitigan siya nito ng matiin bago bumaka ang mapupula nitong mga labi.

"That's why nandito ako sa harapan mo para yayain kang lumabas.Call it date if you want,much better that way.You're lucky you can be with a handsome guy like me."

Napintig ang tenga niya sa huling sinabi nito.Tinabig niya ang mukha nito sa sobrang kahanginan.

"Masakit yon ha.Ang bigat naman ng kamay mo." Nakonsenya naman siya dahil medyo may kalakasan nga ang pagtabig."But its okay.You should be thankful that I like you."Bumalik ang inis niya sa kahanginan nito at iniwan ito sa baba.

GENTLEMEN'S CLUB 1: The Agent Has Been SlainWhere stories live. Discover now