Chapter 1

252 4 0
                                    

CHAPTER 1

"Oh! Nandito na tayo!,Baba na ang dapat bumaba!"

Inalis ko ang braso ko na nakatabon sa mata ko.Maingay ang paligid at siksikan dito sa bus.Inayos ko ang dala kung bagahe at tumayo na ng tumayo narin ang nasa gilid ko.Nasa bintana ako dahil gusto kung makalanghap ng hangin at hindi amoy ng mga kili kili at pawis.

Paglabas ko ay sinuot ko ang cap ko at inayos ang suot na jacket.Mainit sa labas ng terminal at maraming tao.

Is this what province look like?

Nagpatuloy ako sa paglakad lakad at napatingin sa mga nagtitinda.May mga seafoods,itlog at iba pang mga pagkain na kailangan pag bumyahe o di kaya pang umagahan.

Napatingin ako sa mga nakalinyang mga karinderya at nagpunta roon.

"Ali na kayo ire!Init pa mga sabaw ire!"

Napatingin ako sa babaeng bakasuot ng apron na puti na nakikita mong may pagkadumi na.May bitbit itong paypay at stick na may cellophane sa dulo.Pangbugaw ng langaw.Sabog rin ang buhok nito.

Napatingin ito sa akin."Ay ikaw ineng?!Kaon imo nagapangita?" Iba ang lenggwahe nito may pagkatagalog na may halong pagkabisaya ata tawag.

I nodded at iginaya naman niya ako sa bakanteng upuan.

"Ano imo?!May tinola kami ire,pritong isda,pritong itlog o di kaya pili ka didto!" Napatingin ako sa tinuro niya at napatingin sa mga lalagyan nila ng pagkain.

Nilagay ko ang mga gamit sa mesa at tumayo.Pumunta sa sinabi niya at nakalinya nga ang mga pagkain dito.

"Pili kana Inday!"

Binuksan ko ang isang kaldero at tinola ang laman.Nagbukas ulit ako at sitaw na ginisa na may halong karne.

"Ito.." Tinuro ko ang tinola."..at ito.Lagyan mo na rin ng kanin.May softdrinks kayo dito?"Tumingin ako sa kanya at sinusulat niya ang mga sinabi ko.

"Meron!,iserve ko nalang order imo!"

Bumalik ako sa upuan at dumukduk ako doon.Habang nag-aantay sa pagkain ko.

Iba ang lugar nato hindi masyadong masyudad at bukid na bukid ang dating.Kahit ang mga tao.Ang mga salita rin ay iba.Inangat ko ang mukha ko at nilabas ang cellphone sa bulsa ko.Tinignan ko kung may mensahe ba.Binalik ko rin ng wala.

"Ito na Ineng!"

Kumalam ata ang sikmura ko ng makita na ang pagkain.Boung gabi akong walang kain dahil hindi ako bumababa ng bus pag nasa bus stop na.

Kinuha ko ang kutsara at tinidor at nag-umpisang kumain.Mainit pa nga ang sabaw at hindi naman marumi.Masarap kaya nagpadagdag ako ng kanin.

"Gawin niyo ng dalawa."

"Sige Miss!, kaon lang jd kaon!"

Napailing ako dahil nawiwirduhan ako sa salita niya.Nakakintindi pero hindi nagtatagalog.Nagpatuloy ako sa pagkain ng dumating ang dagdag na kanin.Humigop ako ng softdrinks.Mabuti't malamig ang sa kanila.Napatigil ako ng tumunog ang cellphone ko.

"When you arrived.Just ask for this place-
Abbeys Residence,you will get every detailed information and you will meet the target in a day."

Basa ko sa mensahe ni Boss.Binulsa ko ulit at Nagpatuloy sa pagkain.Patapos na sana ako ng may huminto sa tapat ng kinainan ko.Tumahimik ang paligid.

Nakayuko parin ako ng may mataas na metal itong nilagay sa ibabaw ng mesang kinainan ko.

"Ay ano ba kini?Andito na naman sila!" Nakita ko sa gilid ng mata ko na lumapit ang matanda kanina sa pwesto ko."Hoy!,manglayas kayo.Wag kayo mangdistorbo sa mga kustumer namo ire!"Sigaw ng matanda.

GENTLEMEN'S CLUB 1: The Agent Has Been SlainWhere stories live. Discover now