Kabanata 22

42 5 0
                                    

Andreas' POV:

Fuck! Fuck! Fuck!

Naikuyom ko yong mga palad ko sabay hampas sa manibela ng kotse. Nagtagis ang mga bagang ko at di ko mapigilang hindi uminit ang ulo sa nakikita ko ngayon.

Si Gabriela nakapaloob sa mga bisig ni Maximus!

Hindi na ako nagpakita sa kaniya simula nung huling gabi na hinatid ko siya sa boarding house niya galing sa party.

Hiniling niyang layuan ko siya dahil sa maraming dahilan na hindi ko halos matanggap pero nirespeto ko dahil yon ang gusto niya. I never saw her that sad about something other than that night. She felt so low about herself and I want to smack my face because I was not able to boost her confidence.

I flew to Italy a week ago after that night for a business trip and to personally meet a wine supplier, in preparation sa mga bubuksan naming branch and I made a good deal.

I kept myself busy with work in the office para lang hindi ako matuksong pumunta ng restobar. Ayokong makita ako ni Gab. Gusto kong ibigay yong gusto niya na huwag na siyang guluhin.

Pero mukhang mali ako sa akalang gusto niya ng katahimikan dahil sa unang beses na bisitahin ko siya discreetly pagkarating ko galing sa business trip ay magkayakap na Gabriella at Maximus ang palagi kong nakikita. Iyon ang palagi kong naabutang eksena tulad ngayon.

Gustong-gusto kong hiklasin ang mga braso nang hinayupak na yon at baliin para hindi na makayakap kay Gabriella kailanman. God knows how I tried hard to stop myself from going out of my car and do what I want to do with him.

Kaya ba ayaw niya sa akin dahil sa lalaking 'yon? Kaya ba ayaw niyang magpaistorbo dahil yong lalaking 'yon ang gusto niyang umistorbo sa kaniya?

Ni hindi man lang niya ako makamusta kahit nung mga pagkakataong nagkakapalitan sila ng txt ng kapatid kong si Amara. Ilang beses akong parang tanga na nakikiusyoso kay Amara kung nabanggit ba ako ni Gab pero hindi daw.

Fuck! I hate this feeling! I hate being like this!

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, walang oras na di ko siya naisip. Walang pagkakataong hindi ko naisipang puntahan siya. Gustong-gusto ko siyang makasama.

Ilang beses ko na siyang inaabangan sa labas ng boarding house makita lang siya mula sa malayo. Ilang beses ko na siyang gustong lapitan para makausap. At ilang beses ko nang pinigilan ang sarili ko na huwag gawin yon dahil alam kong hindi ko lang siya basta kakausapin.

I'm dying to hold her in my arms and kiss her. That's how I long to be with her. And I fuckin' hate missing her like this!

Nakita kong umalis si Maximus nung makapasok na si Gabriella sa gate ng tinutuluyan boardinghouse.

I was about to get out of my car when I saw her taking the stairs paakyat sa boardinghouse niya.

Shit!

Pilit kong kinalma ang sarili ko. Hindi ako pwedeng gumawa ng eksina sa ganitong oras. It's four o'clock in the morning and I'm sure she's tired as he'll right now.

Umaga pa siyang nagtatrabaho. Alam ko yong mga ginagawa niya mula nung magsimula siyang mag part-time na crew sa isang fastfood slash snack bar. Mostly ay mga bata at estudyante ang mga customers not just because of the food but also because of the atmosphere.

Malaki ang dalawang palapag na tindahang 'yon na may malaking playland na nakaset sa halos kalahati ng second floor. Kung sino man ang nakaisip na itayo yon at gawing negosyo ay siguradong may mga anak o di kaya ay may maliit na mga kapatid para bigyang emphasis ang palaruan. The atmosphere sa second floor shouts happiness for the kids and that's what I like about the place.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Messing With Miss OrdinaryWhere stories live. Discover now