Kabanata 15

39 10 1
                                    

Maximus' POV:

"Bakit mo 'ko pinasusundan?" galit na tanong ko sa babaeng nakaupo sa dining table habang nakaharap sa mga nakahaing pagkain.

Hindi man lang niya ako tinapunan ng sulyap habang sinisipsip ang laman ng puswelong hawak niya.

"Did you hear me?" ulit ko saka lang niya inilapag ang puswelo at tumingin sa'kin.

"Good morning,  Son! Join me for breakfast." bati niya na parang hindi naririnig ang tanong ko.

"Cut the crap, Ma. Ang tanong ko ang sagutin mo. Bakit ako sinusundan ni Fred?" umakyat na sa ulo ang lahat ng dugo ko.

"So, nahuli mo na pala ang bobong 'yon. Sinasabi ko na nga ba eh. Wala talaga akong maaasahan sa taong 'yon." komento niya.

"So totoo ngang ikaw ang nag-utos sa kaniya na sundan ako kahit saan. Bakit, Ma? Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagmamando mo sa buhay ko?"

"Stop it, Maximus! Don't ruin my morning." angil niya kasabay ng isang matalim na titig.

"I'm warning you, Ma. Don't you ever do anything stupid. At wag na wag kang gagawa ng mga bagay na ikasisira ng natitirang respeto ko para sayo."

"Are your really serious with your plan with that woman? You know I don't like her. I don't want her." tanong niya sa'kin.

"You can't stop me, Ma. I will bring her home and no one can stop me from doing that. Not even you." wika ko sa kaniya habang sinasalubong ang bagsik ng mga titig niya sa akin.

Hinding-hindi niya ako mapipigilan sa mga plano ko. Ang tagal-tagal nang inasam ni Papa na iuwi ang anak niya sa kaniyang pamamahay pero hindi nangyari dahil binawian siya ng buhay.

Ito na lang ang tangi kong magagawa para matupad ang pangarap niyang 'yon. At hindi ko hahayaang sirain ng sarili kong ina ang mga plano ko.

Tuluyan ko na siyang tinalikuran at iniwan sa kinauupuan niya. Wala akong balak magtagal sa lugar na 'yon. Lumiliit ang mundo ko habang kasama siya sa isang lugar.

"Maximus! Come back here! Hindi pa tayo tapos mag-usap, anak." tawag niya sa akin pero kahit lingon ay hindi ko ginawa.

Hindi ako babalik sa bahay na 'to hangga't hindi ko natutupad ang pangako ko kay Papa. Iuuwi ko ang anak niya sa bahay na dapat ay para sa kaniya.

Dumiretso ako sa condo ko pagkagaling ng bahay. Nagbabad ako sa shower habang ninanamnan ng bawat buhos ng tubig at ang pagdaloy nito sa buo kong katawan.

Naaalala ko na naman ang dahilan kung bakit ako nagdesisyong umalis sa bahay na 'yon.

"Ma, I have good news for you. I found her!  Alam ko na kung nasaan siya." todo ngiti kong balita sa kaniya habang abala siya sa pagbabasa ng magazine sa veranda.

Tinapunan lang niya ako isang sulyap saka ibinalik ang atensiyon sa binabasa. Wala man lang reaksiyon ang mukha niya sa ibinalita ko sa kaniya.

"Hey!  Aren't you happy?  I found her, Ma. Matutupad na natin ang pangako natin kay Papa na iuwi ang anak niya dito."

Messing With Miss OrdinaryWhere stories live. Discover now