Kabanata 1

217 61 236
                                    

Gab's POV:

"Gabby! Gising na! Late kana! Por Diyos por Santo naman, Gabriella!" narinig ko ang boses ni Claire habang yinuyugyog ang balikat ko para magising. Siya lang naman ang pasaway kong roommate sa boarding house na inuupahan ko.

Napabalikwas ako sa pagkakahiga at unang hinagilap nang mga mata ko ang orasan na nakasabit sa dingding.

Alas singko-dyes na pala ng hapon at napasarap ang tulog ko. Panay kasi basa nang wattpad stories kaya hayan, 'di nakatlog. Si Jonaxx kasi, nakakainis 'yong ganda nang stories niya di ko tuloy mabitawan 'yong cellphone ko.

Dali-dali akong bumangon at hinablot ang asul kong tuwalya na nakahanger sa may dingding saka pumasok sa banyo. Kailangan ko nang mabilisang ligo para umabot ako sa bus papuntang Makati.

Yes, Makati! Doon ako nagtatrabaho bilang waitress sa isang bar and resto. Oo, waitress lang ako doon at mag dadalawang taon na. Buti nga tinanggap ako ni Mr. Chen kahit kulang ako sa experience. Medyo may pagka chickboy din 'yong intsik na 'yon pero 'di naman nananantsing.

Nakaligo din after 10 minutes at mabilis pa sa alas kwatrong nagbihis nang uniform ko. Wala na akong time na magbihis doon dahil siguradong late ang aabutin ko.

Kunting pulbo at lip gloss ay okay na. Salamat nalang sa pagiging German nang tatay kong walang awang nang iwan sa amin nang nanay ko at naambunan ako nang dugo niya kaya medyo maganda parin ang kinalabasan.

Oo, half Filipino half German ako kaso lumaking mahirap dahil hindi naman sineryoso nang tatay ko 'yong nanay kong ngayon ay nasa langit na ang kaluluwa.

Halos lakad takbo akong lumabas nang boarding house matapos makapagpaalam kay Claire na kasalukuyang nasa banyo noong umalis ako. Panggabi din trabaho niya sa isang fast food chain at nag aaral sa araw. Paunti-unting units lang muna ang kinuha niya dahil nagpapadala din ito sa nanay niya at mga kapatid sa probinsiya.

Sa bilis ko ay naabutan ko din ang bus na kasalukuyang nagpapasakay ng mga pasahero sa may highway. Dalangin ko ay huwag sanang matraffic para hindi sermon ang sumalubong sa akin mula kay Miss Girlie, yong manager namin. Wala pa namang preno ang bibig niyon at kung makatalak parang walang bukas.

Eksaktong limang minuto bago mag alas sais nang bumaba ako nang bus at halos liparin ko mula kalsada papuntang pintuan nang bar and resto para makapag time in.

"Muntikan na 'yon Gabby! Mabuti at natulungan ka pa nang anghel dela guardia mo." salubong ni Miss Girlie sa akin.

"Good evening Miss Girlie. Ang ganda nang kulay nang lipstick mo ngayon." sa halos dalawang taon naming pagsasama alam ko na ang weakness niya.

"Bagay ba Gab? Mura lang bili ko nito." saad niya na nagbago ang awra na parang instant noodles at abot tenga ang ngiti sa pampupuring ginawa ko.

"Bagay na bagay Miss Girl. Mas babagay pa iyan pag natuloy 'yong plano mong magpa-highlights nang buhok."

"Ay sige! Samahan mo ko minsan ha."

"Walang problema Miss Girl. Anytime basta ikaw po."

"Sige trabaho na Gabby. Wag na madaldal." sabay alis at diritsong pumasok sa loob nang maliit niyang opisina.

Dumiretso ako sa locker ko sa gawing kanan papasok sa kitchen. Nakahelira ang mga locker namin doon kung saan nakalagay ang mga gamit namin habang nakaduty.

"Gab, muntik ka na namang ma-late." sabi ni Ryan sa akin nàng makasabayan ko siya sa locker area habang nililigpit niya sa backpack niya iyong pinagbihisan niyang damit.

"As usual, di na naman nakatulog agad."

"Labas naman tayo minsan Gab. Day off naman natin bukas." yaya niya. Magkasabay day-off namin pag Sabado. Matagal na siyang nanliligaw sa akin pero di pa rin tumitigil kahit sinabi ko na sa kanyang wala pa akong planong pumasok sa isang relasyon hangga't di ko nagawa ang gusto Kong gawin sa pagpunta ko dito sa Maynila.

Messing With Miss OrdinaryWhere stories live. Discover now