Kabanata 20

47 4 0
                                    

Gab's POV:

Parang may nagliliparang paru-paro sa sikmura ko nung titigan ako ni Andreas ng tagusan. Patungkol sa lahat ang sinabi niyang 'yon pero sa'kin siya nakatingin.

"This party's for all of you. Mabuti naman at nakadalo kayong lahat." wika niya pero tagusan ang tingin sa'kin.

Hindi ko mawari kung tama ba 'yong nakikita ko sa mga mata niya pero para siyang dismayado kahit na may galak sa boses niya.

Dismayado saan? Hindi naman siguro at baka nagkakamali lang ako sa nakikita at iniisip ko.

"So, are you enjoying the party, Gabriella?" biglang kumabog ang dibdib ko bang marinig ang tanong niya.

Ayan na naman ang klase nang tingin niya sa'kin. Yong tinging nanunuri na parang ramdam niya kahit ang pagkurap ko.

"H-Ha? Ah, Y-Yes, Sir! Nag-enjoy naman po. S-Salamat sa pag-imbita." parang may bikig sa lalamunan ko na para bang hindi ko maalis kahit anong lunok ng laway ang gawin ko.

Relax, Gabriella! Hindi ka dapat nagpapaapekto sa kaniya. Masaya ang puso mo ngayon kaya dapat maging kampante ka.

"I thought you're not coming. Sabi mo. . . I mean sabi ni Miss Larossa may importante kang gagawin. I'm glad you came." pilit niyang pinasisigla ang boses niya ngunit hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya.

Kulang nalang malukot ito sa pagkadismaya. Pagkadismayang hindi ko malaman kung ano ang dahilan.

"Ahm, n-natapos ko ng maaga, Sir." tugon ko sabay bawi ng tingin sa kaniya dahil para akong natutunaw sa mga tinging ipinupukol niya sa gawi ko.

"Oh okay! So, enjoy the party guys. Excuse me." sabi niya sabay lisan sa mesa namin.

Gusto ko siyang pigilan at kausapin pero hindi umaayon ang katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa mga oras na 'to.

"Try mo 'to. Masarap 'to." narinig kong wika ni Maxie sa tabi ko habang may nilalagay siyang pagkain sa plato ko mula sa sarili niyang plato.

Pinilit kong huwag niyang mahalata na nawindang na naman ang mundo ko dahil kay Andreas. Na kahit wala itong direktang sinabi ay binabanatan niya naman ako sa mga titig niya.

Kulang nalang sabihin ni Maxie sa akin na obvious ako masyado dahil isang tingin lang nito ay halos matuliro na ang isip ko.

Eh paano ba naman kasi? Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang gwapo niya ngayong gabi.

Na kahit ayaw man aminin ng utak ko na perpektong-perpekto siya ngayong gabi ay naghuhumiyaw naman ang puso ko sa katotohanan.

"Lumilipad na naman isip mo, bunso." narinig kong saway ni Maxie sa'kin nang makitang hindi naman gumagalaw ang mga kamay kong may hawak sa mga kubyertos.

"Ha? Ahm, hindi ah. Ba't mo naman nasabi yan?" habang nilagyan ng pagkain yong kutsarang hawak ko sabay subo ng pagkain sa bibig ko.

Kaso di ko naman nalalasahan yong pagkain,  basta nginunguya ko lang dahil yon ang kailangan kong gawin para pagtakpan ang sarili.

"Kanina pa ako salita nang salita dito pero hindi ka naman nakikinig. Sabi ko kilala ko yang kausap ni Andreas." wika niya na pumukaw sa atensiyon ko.

Napatingin ako sa gawi kung saan pumunta si Andreas pagkaalis sa mesa namin.

Kung hindi ako nagkakamali, kausap niya yong babaeng pinakilala niya sa'kin nung minsang dinala niya ako sa beach house niya.

May kung anong kirot akong naramdaman nang makitang kumambyo sa braso ni Andreas 'Yong babae habang nakapagkit sa mga labi nito ang napakatamis niyang ngiti.

Messing With Miss Ordinaryजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें