Kabanata 14

39 8 2
                                    

Andreas' POV:

Hindi ko maiwasang hindi uminom pagdating sa bahay. Naaaburido ako sa katahimikan ni Gab nung pauwi kami. First time kong naaburido dahil sa katahimikan na 'yon.

Hindi ko lubos maisip kung bakit ang bilis kong nasabi yong mga katagang yon kay Gab. It's not that I'm not sure about it but I guess it wasn't the right time.

I think I scared her away kaya nga siguro wala siyang imik nung pinili niya nalang na magpahatid sa'kin pauwi. I didn't gave her a choice but as much as I want to ay hindi kasama doon ang pauwiin siyang mag-isa.

Ako ang nagdala sa kaniya doon kaya responsibilidad kong siguraduhing ligtas siyang makakauwi. Kahit gusto ko pa siyang makasama ng mas matagal.

I'm sure hindi na siya makakaabot sa shift niya na alas sais dahil quarter to five ko na siya naibaba sa boarding house niya. I know we're back to square one with the she said goodbye to me kanina bago bumaba ng sasakyan.

"S-salamat sa paghatid, Sir. Mauna na po ako."

"S-salamat sa paghatid, Sir. Mauna na po ako."

"S-salamat sa paghatid, Sir. Mauna na po ako."

It kept on playing in my head. Ramdam na ramdam ko na naman 'yong pagkailang niya sa'kin.

Ano bang ginawa mo, Andre? May progress na eh tapos isang pitik lang, everything vanished away.

Gusto kong kastiguhin 'yong sarili ko pero para ano? Tapos na! Nasabi ko na kaya heto balik na naman sa dati.

Gustong-gusto ko siyang puntahan. Gusto ko siyang makita. Gusto kong marinig boses niya. Pero may isang panig ng utak ko na pumipigil sa akin na gawin 'yon.

This is not me. Hindi ako 'to! Never akong naghabol sa isang babae. Well, not after. . .

Napapikit ako ng mariin ng maalala ang nakaraan. Nakaraang inilibing ko na sa limot because that's what it deserved.

Nagsalin ulit ako ng inumin sa baso pagkatapos kong lagukin 'yong pangatlong shot ng alak.

"Andre?" napalingon ako nang marinig ang boses ni Amara.

Isang ngiti ang sinagot ko sa kaniya habang dahan-dahan siyang naglalakad palapit sa'kin. Nakasling pa 'yong isang braso niya at may benda pa sa noo.

"Bad mood ba kuya ko?" tanong niya ng makaupo sa tabi ng inuupuan ko sa bar counter.

Tinatawag niya akong kuya kapag gusto niyang maglambing at . . . kapag may gustong hinging pabor.

"What is it, Mara? Just spill it out. No more dramas." may pagkabagot na tanong ko habang nagsasalin ng pang-apat na shot sa baso.

"Porke ba nag-kuya may hihingin na? Hindi ba pwedeng naglalambing lang?" pamaktol na tanong niya sabay hilig ng ulo niya sa balikat ko.

"Okay. Sabi mo eh. Kumusta na pakiramdam mo?" pangangamusta ko sa kaniya.

"Okay naman na, Kuya. Sinunod ko 'yong gusto niyo na kumuha ng nurse."

"Good! Akala ko paiiralin mo na naman 'yong katigasan ng ulo mo. You're a grown-up now so you should act like one."

Messing With Miss OrdinaryWo Geschichten leben. Entdecke jetzt