"Opo tatay.." pambibiro ko saknya. Ginulo nya ulit ang buhok ko tska humarap kila Mama at nag paalam.

Tumingin ako sa kanila pero iniwas ko rin ng tingin ko dahil nakatingin sila sakin. Humiga na ako at humarap sa pader. Ayoko muna makipag usap kay Papa o kay Ate.

"Mika, Anak..." Narinig kong sabi ni Mama at naramdaman ko ng pag yugyog ng higaan ko. Humarap ako sa kanya at hinawakan nya ang mukha ko. Napansin kong kami na lang ang tao sa loob ni Mama.

"Anak, wag mo naman pinababayaan ang sarili mo. Tama si Doc ang laki nga ng pinayat mo." sabi ni Mama.

"Nasan sila?" Tanong ko kay Mama.

"Hinatid na ng Papa mo sila Ate mo." sabi nya. Tumango naman ako.

"Nagugutom ka ba? May dala akong adobo, luto ko." Sabi ni Mama, nskaramdam naman ako ng gutom. Tumango nalang ako at ngumiti.

Pinakain muna ako ni Mama, alam ko na gusto nya mag tanong sa akin pero pinipigilan ang nya ang sarili nya. Nang oras na matapos ko ang pag kain ko, hindi ako nagkamali ng kutob tinanung na nga nya ako.

"Ano bang nangyare Anak?" Tanong nya sa akin

"Mama, maniniwala ka ba sakin pag sinabi ko sayong hindi ko naman talaga sya sinakatan?" Tanong ko sakanya ng nakatingin sa mata nya. Hinawakan ni Mama ang pisngi ko tsaka ngumiti.

"Anak, sa akin ka lumaki. Alam ko kung kaylan ka nagsisinungaling at hindi. Naniniwala ako sayo dahil alam ko na hindi mo kayang gawin yun." sabi nya sa akin.

"Mama, alam mo ba nag punta lang naman ako doon dahil pinapunta nya ko." sabi ko kay Mama.

flashback***

Mag iisang oras na ko sa coffee shop na to dahil sa pag iisip. Nakailang brewed coffee narin ako. Hindi ko alam kung pano ako magrereact sa nalaman ko kay ate. Kapatid namin si Mira, kapatid namin kay Papa. Mula pa kagabi ng sinabi sakin ni Ate yun hindi na ko nakatulog at nakapagisip ng maayos. Hind ko alam kung bakit hindi ako nakakaramdam ng ano mang galit kay Papa o kay Mira o sa ninang ni Ate na Mommy ni Mira. Nahihirapan ang puso ko na makiramdam, hindi ko alam kung bakit pero parang naging manhid ang puso ko.

Ipinikot ko ang mata at pinilit na makapagisip ng pwede kong gawin.

Si Mama, ano kayang naramdaman nya ng malaman yun?

Si Papa, sinandya kaya ni na itago to kay Mama para mag mukha syang inosente?

Totoo kaya na pinikot o hindi nya talaga alam na may nangyare sa kanya ng Mama ni Mira?

Hindi ko na kaya pa ang mga tumatakbo sa isip ko kaya idinilat kong muli ang mata ko at saka kinuha ang cellphone sa bag ko para tawagan si Ate at tanungin sya kung anonv gusto nyang iuwi ko sakanya for breakfast.

Tatawagan ko na sana sya ng biglang may mareceive akong tawag. Nung una ayoko pang sagutin pero bandang huli wala konv nagawa kundi ang sagutin yun. Nanatili akong tahimik.

"Hi half sister? How are you?" sabi ng kabilang linya. Naramdaman ko ang paghigpit ng bagang ko.

"Mira.." Ang tanging nasabi ko. Pero mariin.

"How bad no? I'm your half sister. Ah wait! Sino bang matanda sakin when is your birthday? May 03 ako ikaw? Ah I remember na. Kyle mentioned it once Christmas ang birthday mo. So mas matanda pala ako sayo." Habang naririnig ko ang tawa nya mas nabibingi ako. Nagiinit ang ulo ko at mas humihigpit ang tikom ng kamay ko.

"Hellooo? Still there young sis? Hahah. Well I just call to inform you na you'll be my maid of honor. I hope you wont refuse it..." Sabi nya na mapangasar.

"Yun lang ba? O sige. Wala ba kong pwedeng itulong sayo? Baka mayroon I'm perfectly free today. " sabi ko ng seryoso.

"Oh well sige. I'm taking the offer. Punta ka dito sa bahay I'll prepare breakfast for you." Ibinaba ko na ang tawag at nag madaling pumunta sa kotse at pumunta sa bahay nya.

Habang nasa daan ako iniisip ko kung paano ko gaganti sa mga ginagawa nya sa buhay ko. Kung saksakin ko kaya sya? Kung Itulak ko kaya sa hagdan? Kung— niyugyog ko bahagya ang ulo ko para mawala ang mga iniisip ko. Masyado na koa, mali nama  ata iyon.

Nang makarating ako sa kanila nagtagal pa ako ng konti sa kotse bago bumaba. Kinalma ko ang sarili ko. Nang sa palagay ko handa na ako nagdoorbell na ako at hinintay syang buksan ang pinto.

"Oh my! Pumunta ka talaga? Come in half sister." sabi nya habang tumatawa ng parang tanga umirap na lang ako.

Dumeretso sya sa kusina pero nanatili ako sa sala. Pag balik nya may dala syang pagkain na hindi iisiping kainin.

"C'mon let's eat." sabi nya. Umiling naman ako.

"Alam mo na ba?" tanong ko sa kanya bahagya syang huminto pa pagihawa ng tinapay at binitawan yun.

"Matagal ko ng alam na hindi si Daddy ang ama ko pero I never knew that it was your father." Seryosong sabi nya. Maniniwala ba ako?

"Ang galing ng pag kakataon no?" Nagsalita pa ulit sya kaya tumingin ako sakanya.

"Una si Kyle ang napunta sakin ngayon naman mukhang mapupunta na din sakin ang Papa mo." Sabi nya na kangiti at nakataas ang kilay. Nanigas ang panga ko sa sinabi nya, pero hanggat maari kinakalma ko ang sarili ko. Ayoko syang patulan dahil buntis sya.

"Bakit Mika? Bakit ayaw mong mag salita?" Tiningnan ko sya ng matalim. Tska tumayo para umalis na pero hinabol nya ko at hinawakan sa braso.

"Wait, di ka manlang ba kakain? Sayang naman nagprepare pa naman ako ng lason para sayo." Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya humarap ako sa kanya at nasampal ko sya.

"Hanggat maari Mira ayoko na patulan ka wag mo kong sagarin kung a—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa pag sampal nya.

"Kung ano? Hahah. Mika, hindi mo ko masasaktan kasi buntis ako pero ako kaya kitang sampalin ulit." Gaya ng sabi nya sasampalin nya ko pero nahawan ko ang kamay nya bago pa dumating sa pisngi ko.

"Unang una, kaya kitang saktan kahit buntis ka. Pangalawa, wala kang karapatan maging bahagi ng pamilya ko. Pangatlo wala kang karapatang saktan ko." Marahas kong binitawan ang kamay nya at tinalikuran sya pero sinabunitan nya ko. Hindi ako lumaban hinawakan ko ang kamay nya at pilit na inalis yun.

end of flashback***

"Nagulat nalang ako dahil bigla syang sumigaw. Napaupo sya sa sahig tapos hindi ko alam ang gagawin kaya nakatayo lang ako pero nung lalapitan ko na sya biglang dumating si ate." pinunasan ni Mama ang luha ko hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

"Mama naniniwala ka ba sakin?" Tanong ko sa kanya.

"Oo anak, naniniwala ako sayo. Alam ko na hindi mo gagawin yun." sabi ni Mama at hinalikan ang noo ko.

A/N: Yey! Konti nalang tapos na po ang story. :) Pasensya na kung sobrang nag tatagal ang update.

Ang Boyfriend ko sa Text (Completed)Where stories live. Discover now