Chapter 44

78 2 0
                                    


Dinilat ko ang mata ko pero ipinikit ko rin agad dahil sa liwanag. Nasa ospital ako at alam kong pagod pa ang katawan ko, pero bago ko tuluyang hatakin ng antok may narinig ako na nagsalita.

"Just let me know when she wake up."

------

"Ano ba talaga kasi ang nangyare?" Nagising ako ng patuloy akong nakakarinig nagbubulungan.

"Hindi ko pa nga alam papa, di pa ko sigurado." narinig ko si ate, hind ko idinilat ang mata ko at nakinig sa usapan nila

"Baka naman nagsisinungaling lang sya." sabi ni Mama.

"Mama naman wag muna tayo manghusga." sabi naman ni ate sa kanya.

"Sabina, ikaw na ang unang nanghusga sa kapatid mo." sagot ni mama.

"Riza naman, wag mo na palalain pa." saway ni Papa. Idinilat k na ang mata ko at sinubukang umupo.

"Pa, okay lang tama naman si Mama e— Mika!" Lumapit sa akin si ate pero inalis ko ang kamay nya sa braso ko. Bumaba ako sa higaan at pumunta sa upuan ni Mama at tinabihan sya. Lumabas naman si Papa ng kwarto.

"Mama...." sabi ko at tsaka niyakap sya.

"Mika, Anak... okay naba ang pakiramdam mo?" Tanong nya sa akin. Tumango naman ako.

"Mama anong oras na po ba? Yung mga gamit ko po nasaan?" Tanong ko saknya.

"Eto Mika," narinig kong sabi ni ate pero hindi ko sya pinansin. Iniabot nya sa akin.yung bag pero hindi ko kinuha, ni hindi ko tinapunan ng tingin kaya inilapag niya sa tabi ko. Narinig ko naman ang pag bugtong hininga nya.

Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong alasdiyes na ng gabi, maya-maya pa ay nag bukas ng pinto, ah si Papa lang pala. Kaya ibinalik ko ang tingin ko sa cellphone ko at tiningnan ang mga message na natanggap ko.

"How are you feeling now?" Napatingin ako sa nagsalita.

"Nick?" sabi ko. Tumango naman sya at ngumiti sa akin. Nilapitan nya ako at hinawakan ang noo ko medyo umiwas pa nga ako.

"It's okay. May sinat ka kasi kanina, and it seems na sobrang stress ka. Bakit?" Tanong nya. Inalalayan nya akong bumalik sa hospital bed.

"Sa work." Sabi ko na lang. He nod.

"Kumakain ka ba ng maayos, you lose weight. Last time I saw you, you're heathy and looking fit, bakit ngayon mukhang namamayat ka. Madami ka bang iniisip?" Umiling na lang ako at ngumiti sa kanya.

"Kamusta ka?" Tanong ko sa kanya habang kinukuhanan nya ako ng blood pressure.

"110 over 80. Normal. Okay naman ako. Ikaw ba? Kayo ni Kyle?" Sabi nya.

"Eto mukhang may sakit sabi mo." Ako lang ang natawa sa joke ko!

He chuckled. "Some other time we should meet and talk about stuffs." Sabi nya tska ginulo ng buhok ko.

"Nag asawa ka na?" sabi ko sa knya. Namula sya hala.

"Ang hirap abutin ng gusto kong tao e. Well, kung para sakin naman sya kami talaga pero kung hindi baka ikaw diba?" sabi nya tska kumindat sa akin.

"Eww." Napatawa ako e,

"Ehem.." Narinig ko si Papa. Oo nga pala nandito sila.

"Nga pala, tomorrow morning pwede ka na madischarge. I'll be here at 7am. I'll check you. Mika, please eat. You look really sick in your state. Napakapayat mo ngayon. Tigilan mo muna ang ang kadadiet, okay?" sabi nya.

Ang Boyfriend ko sa Text (Completed)Where stories live. Discover now