Chapter 53

43 3 0
                                    

Umuwi ako sa bahay at naabutang wala parin si Dave. Kinabahan ako, dahil nagtagal din kami ni Kyle.

Nagusap na kami, huling beses na namin yun gagawin at palalayain na namin ang isa't isa. Nagkasundo rin kami na huwag nalang magpakita ang isa sa amin.

Bubuksan ko na sana ang ilaw ng biglang may yumakap sa bewang ko.

"Mika..." narinig kong bulong ni Dave kasabay ang maliliit na halik sa balikat at leeg ko.

"Bakit amoy alak ka?" Tanong ko sa kanya.

"San ka ba galing?" Balik na tanong niya. Natagal akong sumagot. Patuloy namanang paghalik niya saakin

"Kumain ako sa labas. Tinamad na kasi akong magluto." Sabi ko. Pilit kong tinatangal ang pagkakayakap  niya saakin pero mas hinihigpitan pa niya.

"Dave.... bakit ba amoy alak ka?" Tanong ko sakanya.

"Akala ko kasi iniwan mo na ko." Sabi niya. Inakay ko siya papuntang kwarto.

"Hindi kita iiwan Dave. Hindi na." Bulong ko sa kanya. Tumango naman siya at humiga na.

Nahihirapan ako, nabibigatan ako. Hindi ko alam kung paano ko kakalimutan si Kyle pero wala naman akong choice.

"Hay...." buntong hininga ko. Dumeretso na ako sa banyo at naligo.

---------

"Dave...." mahinang tawag ko, pag gising ko kasi wala siya sa tabi ko. Ipinusod ko ang buhok ko at sinuot ko ang salamin ko tsaka lumabas ng kwarto para icheck siya.

"Goodmorning Babe." Bati niya ng madatnan ko siya sa kusina. Ngumiti naman ako.

"Hi.." sagot ko. Lumapit  ako sakanya and hug him.

"Sandali na lang to babe." Sabi niya. Tumingin ako sa bintana at napatulala. Ilang lingo na din ang lumipas, hindi ko na din ganong naaalala si Kyle kaya maayos kami ni Dave.

"Hmp.." duwal ko. Agad naman akong nilapitan ni Dave at binigyan ng tubig,

"Are you okay?" Tanong niya...

"I'm... hmp.." hindi kona mapigil kaya dumeretso na ko sa banyo at inilabas kung ano mang meron ako. Sinundan naman ako ni Dave at hinagod niya ang likod ko.

Nang matapos na ko inabutan niya ako ng towel.

"okay ka lang ba?" I just nod dahil sa hilo na nararamdaman ko.

"Hey!" Narinig ko pa ang pag sigaw niya bago ako tuluyang mawalan ng malay.

-----

"You just have to do Mister ay laging bantayan si Misis... masyadong maselan yung kundisyon niya and let her take her vitamins regularly okay? Just call some nurse if may problem." Nananaginip pa ata ako...

Pag dilat ng mata ko, puting kisame ang bumungad sa akin.

"Dave.." bulong ko. Pero walang lumalapit sakin, kaya pilit akong lumingon at nakita siya na nakaupo sa sa sofa.

Napansin kong seryoso ang mukha niya, kaya ngumiti ako pero nanatiling seryoso ang mukha niya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Bakit, bakit?" tanong ko. Tumayo siya at iniabot sakin ang puting envelope. Tiningnan ko siya pero tumalikod siya at lumabas ng kwarto.

Umupo ako at tiningnan ang envelope.

"Ultra sound?.." mahinang tanong ko. Hindi ko alam kung para saan to..

"Bakit...." bigla na lang nanlaki ang mata ko at tiningnan ang nakatuping papel sa loob ng envelope.

Napatakip na lang ako ng bibig sa nakita ko.

"I'm... I'm pregnant...." mahinang bulong ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Halong takot at saya ang naramdaman ko. Hindi ko din namalayan na nakahawak na pala ako sa tiyan ko.

"Anak..." tanging paghikbi ko.

Natatakot ako dahil alam kong alam ni Dave na hindi sa kanya to dahil lagi ko siyang tinatangihan at saya dahil pangarap ko to eh, pangarap ko na magkababy pero hindi sa ganitong paraan.

"Kyle.." pinahid ko ng luha ko dahil naalala ko siya, malamang sinadya niya to.

Ang Boyfriend ko sa Text (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon