Fourteen

168 3 0
                                    

Malapit na kaming grumaduate practice na ng graduation march. Lagi kaming nasa central field ng school. At may graduation ball din kami, masquerade nga ang theme e. Nakakatuwa.

"Mika Andrea Cruz" tawag sakin ng MC sa stage at last magkacollege na'ko!

Nagpalakpakan sila Mama, nanuod sila ng graduation at mamaya ball na excited na ko!

Umakyat na ko sa stage at inabot ang diploma ko. Grabe! Nag exam ako sa manila and sa state university dito pero kung parehas makakapasa sa manila ako mag aaral.

"Mika congratz!" Bati sakin ni Steph pag labas ko ng hall. Nanuod pala sila.

"Anak, congratz" sabi ni papa tapos hinalikan ako sa noo. Naiiyak iyak pa to.

"Papa naman parang college graduate ako e."

"Congratz sis!" Sabi sakin ng ate ko. Tapos ni yakap ako.

"Wala kong gift sayo pero may surprize ako," sabi nya. Tinaas nya yung papel na hawak nya.

"Pumasa ka sa exam sis! Pumasa ka sa university namin." Nanlaki ang mata ko at hinablot yun. Naiiyak na ko. Oo nga pumasa ako sa manila ako magaaral! Wow! Grabe, excited na ko.

"Ma, Pa thankyou po." tapos niyakap ko sila.

"Mika.." narinig ko si James lumingon ako sakanya nakatanggal na ang toga nya. Nilapitan ko sya niyakap naman nya ako.

"Congratz sa atin. Babye na Mika. Ngayon ang flight ko." Kumalas ako sa pagkakayakap nya. Umiiyak sya pinunasan nya ang pisngi ko umiiyak n din pala ako.

"Wag ka ng umiyak babalik ako, pero hindi ko alam kung kelan." ngumiti naman ako at niyakap sya ulit.

"Mamimiss kita James." Sabi ko sakanya. tinanggal ko n ang yakap ko sakanya tsaka nag wave na sya sakin tsaka umalis. Naging mabait sakin si James, bilang kaibigan at bilang boyfriend ko. Masaya ko na naging parte sya ng buhay ko.

"Ay putiki! Aray!" Bumagsak ako sa lapag kasi tinulak ako ni Heidi.

"Hahaha, sorry. Tara na sa hall. Party partya na." sabi nito na parang sumasayaw sa bar na nakataas ang isang kamay.

Tinulungan naman ako ni Dave tumayo.

"Thankyou." Sabi ko.

"Hi Niki! Congratz!" Bati ko sa Gf ni Dave nagseselos pala sya sakin. Nginitian naman nya ko.

Umuwi na sila Mama, kasi deretso ball na kasi to sa school lang din naman kaya hindi na sila kasama. Susunduin na lang daw ako ni papa.

"Mika, tikman mo to sarap." sabi ni Heidi habang hawak ang tempura.

"Natikman ko na walang lasa masarap tlaga luto ni Mama." Ungot ko naman, antok na antok nakasi ako. Wala naman akong makapartner sa sayaw kaya eto ako laging tengga sa upuan namin. Bantay ng gamit nila. Nakakaasar kasi si James ngayon pa umalis.

"Okay graduates, you are all required to dance in dance flor. No one is exempted even faculty members will do, you will change your partners in every signals." Sabi nung MC makapagCR nga ng hindi ako masama. Heheh,

"Alam mo ang gwapo talaga nun, grabe bat kaya sya nandito hindi naman yun graduate dito e." Narinig kong sabi nung isanh babae  pag pasok ko ng CR. Tumapat ako sa salamin tska tinanggal ang maskara ko. Simple lang ang ayos ko pate suot ko simple lang isang peach cocktail.

"Balita kasi diba may niligawan daw un dito. Baka yun ung pinuntahan." Sabi pa nung isa habbang papalabas na sila. Hindi ko naman intensyon makinig e, sadyang malakas lng yung boses nila kaya narinig ko.

Pag labas ko ng Cr nakita oo si Dave, kahit nakamaskara sya alam ko na sya yun.

"Oh Dave, bakit nandito ka? Di ka ba sumayaw?" Tanong ko sakanya.

"Hinahanap kita e, isasayaw sana kita." Sabinya habbang nagkakamot ng ulo.

"Heheh, sige na nga, makakatanggi ba ko wala naman nagaya sakin kundi ikaw." Nginitian nya ko at nginitian ko din sya.

"Shall we?" Nilahad nya ang kamay nya sakin, tinanggap ko naman.

Marahan nya kong sinayaw hanggang sa mag bigay na ng signal ang MC.

"Baby kamusta ka na? Congratz!" Si Reymon. Hehe, namiss ko tong pandak na to. Tinakot kasi ni Dave e 'di na tuloy ako kinulit.

"Okay naman ako Reymon. Ikaw? Balita ko may girlfriend ka na ah." Panunukso ko sakanya habbang nagsasayaw kami.

"Hehe, wag ka na magselos. Ibebreak ko sya para sayo--Aw!" Batukan ko nga. Loko to ah

"Joke lang naman." Nagsayaw kami medyo matagal nga e, hanggang sa nagsignal ulit ang Mc.

Bakit ganito bakit biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Parang huminto ang paligid ko. Nang mahawakan ng lalaking ito ang kamay ko, nagwala ang puso ko. Tumingin ako sa mata nya. Kulay abo na kakulay ng mata ng lalaking minahal ko, "Kyle.." gustong sabihin ng bibig ko pero hindi ko mapakawalan. Bumagal ang oras, pakiramdam ko maiiyak ako. Kahit hindi sya magsalita alam kong sya yun. Dahil ramdam ko e, alam ko. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib nya. Naririnig ko ang tibok ng puso nya, kagay ng akin abnormal din yun. Naramdamab kong idinikit nya ang labi nya sa buhok ko.

"Mika, sorry. Pangako babalik ako." pag kasabi nya nun tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigil. Sabi na e sya si Kyle..

Inangat ko ng ulo ko tiningnan ko sya sa mata.

"Mahal kita at babalik ako pangako yan" sasagot pa sana ako ng biglang nagsignal ang Mc. Lumingon ako pero nawala narin sya sa paningin ko.

Hindi ko na hinayaang maisayaw ako ng lalaking susunod na kukuha ng kamay ko. Luminga-linga ako. Nasaan ka na ba Kyle?

"Kyle.." bulong ko. Umiiyak na ko. Pumunta ako sa upuan namin at kinuha ang cellphone ko. Dinail ko anh number nya. Hindi nya sinasagot. Patakbo kong tinungo ang gate.

Nasan na ba sya.... Hinakbang ko muli ang paa ko papasok pero biglang nagring ang cellphone ko.

"He--hello?" Si Kyle.. Si kyle ang tumawag.

"Mika, bumalik ka na sa loob. Aalis na ko e, nahihirapan akong nakikita kang ganyan.." Sabi nya.. May hapdi yung salita nya. Alam kong nahihirapan sya. Luminga linga ako alam kong nasa malapit lang sya. Pero bakit 'di ko sya makita.

"Kyle... Kyle magpakita ka naman sakin.." Mapiyok piyok na ko sa pag sasalita.

*toot*toot*toot* bakit binaba nya. :(

An: Sorry po. Alam ko waley. Hahah.

Ang Boyfriend ko sa Text (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon