Seventeen

170 2 0
                                    

Halo-halong emosyon na naman ang nararamdaman ko habbang binabasa ang sulat na para saakin. Naramdaman ko nalang na may pumatak na luha sa papel na hawak ko. Agad kong itinupi iyon at tinago sa kahon kasama ng mga sulat na ibinigay sakin araw araw ni Kyle twing umaga kasama ng isang rosas.

Eto na naman ako. Mag momove on sa isang heartbreaking moment na hindi naman naging kami. Bakit ang lupit ng pagkakataon samin, sakin.

Humihikbi akong dumapa sa kama at hindi namalayang nakatulog na.

Linggo na ang lumipas na dala ko padin ang sakit nang mga nabasa ko. Pinilit kong maging matatagat maging masaya sa kabila ng sakit ng puso na nararamdaman ko. Ilang linggo nalang mula ngayon papasok na ko sa isang unibersidad sa Maynila. Kaya ko ba? Kaya ko naman siguro. Instructor ang ate ko sa University na yun kaya sa malamang maging madali sa akin. Bachelor of Science in Accountancy ang kinuha ko. Films or Mascom ang gusto ko pero sabi ni ate madali ng kumuh ng gusto mong course kapag nagtapos ka sa mas higher course tulad ng acc. sabi pa nya, madali na daw para sakin mapagaral ang sarili ko pag nagkatrabaho na ko. Kaya napapayag na din ako. Hindi ako sociable na tao but I love math. Kaya sabi ni Ate it won't hard for me..

"Ready ka na Sis?" Tanong ni ate ng makapasok sya sa kwarto ko.  3days na lang kasi at pasukan na sa manila.

I just nod and smile. She help me to carry my things papunta sa kotse ni Papa. Ihahatid nya kasi kami.

"Mika, Sabrina anak, mag iingat kayo ng ate mo dito." Sabi ni Mama sa amin nang makarating na kami sa condo ni ate. Yes, may condo si ate. Hinuhulugan nya pa. Actually 5 years na nya tong hinuhulugan. May mga rent- to- own condo namin kasi dito sa manila. Five years pa nya to makeclaim as her. I'll help her nalang siguro.

"Mika, sumunod ka sa ate mo ha. Wag matigas ang ulo." Bilin ni mama bago sila tuluyang umalis. Tsaka kami ni yakap ni ate,

"Opo Ma, ako bahal kay Mika. Trust me, 'di ko sya pababayaan." Sabi ni ate. Pamaya-maya pa umalis na sila Mama

"Mika, doon ka sa may kabilang kwarto nalinis ko na din yun."

"Ate, salamat ng marami ha. Napakaswerte ko sayo." sabi ko sakanya tsaka sya niyakap.

"Oh sya sige na mag palit na tayo at magaayos pa tayo ng gamit mo. 3 days na lang at papasok na tayo pareho." Sabi nya nag nod nalang ako.

Tinulungan ako ni ate sa pag ayos ng gamit ko. Pinakita nya din sakin ang kwartto nya, grabe lang kung gaano sya kaayos sa amin mas maayos sya sa sarili nyang condo. Ang dami nyang damit at kada color may sariling drawer ang galing lang. Nakwento rin nya saakin na kung gaano kahirap ang ginagawa nya dito para makuha ang mga yan. Maganda ang ate ko at matangkad. Nag parttime pala sya sa isang fast food at umekstra sa mga palabas, nag paparttime din sya sa pag momodel. Dapat daw big break nya na yung mag model ng isang sikat ng brand ng damit. Pero binastos daw sya nung boss na maghihire sakanya kaya hindi daw nya tinanggap.

Namamangha ako kay ate kasi ngayon ko lang nalalaman ang mga yun, ngayon lang kami nag kausap ng ganito. Ang dami nyang kwento. Tinanung ko sya kung nag boyfriend ba sya habbang nandito sya.. Tumawa sya ng malakas pero yung tawa nya mapakla.

"Hindi, never akong nagboyfriend habbang nag aaral Mika. Pero alam mo ba nag move on sa isang taong hindi ko naman naging karelasyo. Funny isn't? Hahah."  I feel the same way ate. :'(

"Bakit naman ate? Sino ba sya? Ang tanga naman nya."

"I thought he's the kind of man I dream about. Pero mali, katulad din sya ng ibang lalaki na pagkakababae lang ang gusto." Nagulat ako kay ate.. Napatakip ako ng bibig.

"Naalala mo ba yung ang ilang months din akong hindi umuwi? I was state in moving on that time. Ang sakit pala masaktan Mika, kaya I never let my self to fall in love again." Sabi nya.. Hindi ko napigilan sabihin ang nasa utak ko. Napabalikwas ako sa pag kakahiga ko.

"Hi--hindi ka na virgin ate?!" Tumayo sya tsaka ako tinuktukan ng kamay nya

"Aray! Ate naman e.!"

"Sira ka kasi, yun lang ang pwede kong ibigay sa lalaking mamahalin ko habbang buhay ipamimigay ko pa ba?" Muli nya kong tinuktukan.

"Aray ate! Sabi mo kasi pagkakababae mo lang ang gusto nya malay ko ba kung binigay mo o hindi-- Aray naman ate!" Tinuktukan ulit ako e

Humiga sya ulit tsaka ngumiti.

"You know what, I was about to give it up to him. Buti nalang natauhan ako. I actually tease him. Para mag sisi sya sa pag wasak nya sa mahina kong puso. Hahaha."

"ANg korni ate! Hahahaha."

"I know, how about you. Did you and Kyle still have communication?" Nalungkot naman ako tsaka hulmiga ulit sa tabi nya at tumagilid paharap sakanya.

"Nope. Nag move on na kami sa isa't isa." Sabi ko sabay ngiti saknya. Nag nod naman sya tsaka iniba ang topic.

Sabi nya wag daw ako magtitiwal agad sa mga tao sa paligid ko lalo na pag lalaking gwapo. Natawa ng ako e, pero susundin ko na lang sya.

Monday na and here I am, nakatayo sa tapat ng malaking gate ng unibersidad na papasukan ko. Yes! Nakacivilian! I'm just wearing plain white shirt and a skinyjeans with my sneaker shoes.

"Here I am. Hu!" Bulong ko sa sarili ko then pumasok sa gate. Grabe! Ang laki talaga ng lugar na to. Pangatlong beses ko ng makapasok dito pero hindi nawawala ang pagkamangha ko sa twing makapasok ako dito. Lumakad ng muli ako..

"Ay Putiki!" Napaupo ako dahil sa malaking lalaking bumingo sakin.

"Sorry miss. Nagmamadali kasi ako. Pasensya na talaga." Pinilit nya kong itayo na ikinagulat ko. Hindi na ko kumibo at umalis na sya.

"Ang gwapo nya.."  sabi ko.

"Mika?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Tiningnan ko siya at pilit na kinilala. Lumapit sya sakin.

"Mika Andrea diba?" Sabi nya. nagnod naman ako.

"Hindi mo na ko natatandaan? Ako to si Patrick classmate mo nung elem." Sabi nya. Elem? matatandaan ko pa ba sya nyan?

"Ahh , oo. Natatandaan na kita." i gave him a smile. Tapos parang hindi sya nakumbihis tska may kinuha sya sa bulsa inilibas nya yung cellphone nya at iniharap sakin, sa screen makikita mo ang isang class picture. Nakita ko ang sarili ko. Kinuha nya ulit yun at iniharap nya sakin. Nakzoom in at screen sa isang matabang batang lalaki.

"Yan ako. Patrick Patabain, tawag mo sakin diba?" Nahiya ako kasi naalala ko na sya, sya nga yun. Tumingin ako sakanya hindi na sya mataba, makisig ang katawan nya at matangkad sya. Maputi din sya kumpara mo sa kutis nya date. Sa madaling salita ang gwapo nya ngayon.

"Salamat, alam kong gwapo ako." Sabi nya sabay ngisi saakin. Sinabi ko ba ng malakas na gwapo sya? Pakiramdam ko namumula ako sa hiya.

"Joke lang, oo nga pala dito ka nagaral.. bakit?" tanong nya. Naglakad na ko at pumantay sya sakin at lumakad.

"Bawal ba?" Tanong ko sakanya.

"Heheh, ofcourse not. Nagulat nga ko ng makita ka. By the way.. how are you? May boyfriend ka na ba?" Tanong nya. Nasamid naman ako sa narinig ko.

"Ano bang klaseng tano--" hindi ko na ituloy ang sasabihin ko ng biglang may kumapit sa baraso nyang babae at tiningnan ako.

"Babe, kanina pa kita hinahanap.." Sabi ng babae sa malambing nyang tono. Tingnan nya ko tsaka inirapan. Nginitian ko naman sya, maasar nga.

"Ahm, Pat. I need to go. Hahanapin ko pa kasi ang room ko. Bye, see you around." Then I wave at him. Tiningnan ko ang babae na ngayo'y umuusop na ang tenga. Hahaha.

Nang makarating sa accountancy building napalunok ako kasi ang taas nya. Pano kung sa 5th floor pa ang room namin edi araw araw kong iaakyat baba yun? Iniisip ko pa lang nanghihina na ko.

Sinimulan ko na maglakad pa-akyat. Huminga ako ng malalim at tska bumulong.

"Kaya mo to Mika. Wag kang kabahan..."

A/N: Dahil love ko kayo at wala namang pasok nagUD ako. Yung letter hindi ko minention gusto ko po kasing gawing special chapter yun. :) Thanks for reading! ^_^

Ang Boyfriend ko sa Text (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon