Chapter 34

90 2 0
                                    

Idinilat ko ang mata ko. Alam kong nakangiti ang labi ko, sarap ng tulog ko. Sakit ng balakang ko. Tumingin ako sa gilid ko, wala na ang katabi ko. Muli akong pumikit at niyakap ang una sa gilid ko.

flashback***

May bumusinang kotse. Inangat ko ang ulo ko, naiiyak na talaga ako.

"Miss okay ka lang-- Andrea?" hindi ko sya maaninag kasi nasa liwanag sya ng ilaw. Kaya nang makalapit sya tinulungan nya ko tumayo. Si Nick pala.

"Andrea anong ginagawa mo dito? Delikado di---" di pa natatapos ni Nick ang sinasabi nya may babaeng lumabas sa passenger seat.

"Babe! Ano ba? Sino ba yan? Tara na nga, malayo pa tayo sa resort!" Sigaw nya. Nilipat ni Nick ang tingin nya sakin at halatang nagaalala sya, nakahawak parin sya sa braso ko.

"Wala ka bang kasama? San ka ba pupunta? Sumabay ka na samin." Sabi nya, tumango na lang ako.

"No way!" sabi ng babae.

"Why? Kotse ko yan, kung ayaw mo syang sumabay satin, edi magcommute ka." sabi ni Nick. Bigla namang pumasok ang babae sa passenger seat.

Nang pinagbukas ako ni Nick ng pinto at akmang sasakay na may biglang humawak ng braso ko.

"Mika.." sabay nya in a cold tone. Nang inangat ko ng ulo ko it was Kyle. Masama ang tingin nya kay Nick. Ganoon din si Nick masama ang tingin kay Kyle.

"Oh ba't bumalik ka?! Kala ko ba iiwan mo ko?" sabi ko kay Kyle para basagin ang katahimikan sa kanila ni Nick. Hinampas ko sya sa baraso ng maraming beses.

"Aw! Stop..Aray! Ano ba Mika."Tapos niyakap nya ko. Nag simula ng tumulo ang mga luha ko.

"Shhhh... sorry na Life.." sabi nya at humalik sa ulo ko. Life... I miss the way he calls me like that.

"Mika, mukhang may kasabay ka na. Aalis na kami." humarap ako kay Nick at pinunasan ang luha ko. Tumango naman ako at ngumiti.

"Okay, babye.." sabi ko saknya. Pumunta sya sa driver seat at pinaandar na ang kotse nya. Nakita ko naman yung kotseng dala ni Kyle sa likod ko.

"Ikaw! Di pa ko tapos sayo!" Singhal ko saknya.

"Wag ka kasing sigaw ng sigaw nakakabingi ka e." sabi nya at pinagbukas ako ng passenger seat.

"Nakakaasar ka kasi! Pwede mo namang--" hinito nya ang kotse at hinitak ako saknya at hinalikan. Yung labi na nagdampi lang pero matagal. Nang tanggalin nya ang labi nya sakin sumandal ako at tumingin sa window. He kiss me. I miss him, unconsiously I know I'm happy.

"That's better.. wala naman akong gagawing masama sayo. Gusto ko lang magunwind kasama ka." Lumingon ako saknya, nakangiti sya ng matamis kita ko yun kahit sa daan sya nakatingin.

"Malayo pa ba?" tanong ko sakanya, hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti.

"Malapit na, sandali na lang." Malambing na sabi nya.

Kagaya ng sabi nya nandito na nga kami, sa laguna pala kami nagpunta.

"Bakit parang walang tao yung resort na to?" Tanong ko sakanya ng papasok kami sa grand door.

"It's not a resort Life, I owned it. Future house natin.." sabi nya. I know I can't help but smile kaya yumuko ako. Huminto sya ng lakad at iniangat ang baba ko.

"You're so cute. Nag ba blush ka oh." hinawi ko ang kamay nya sa baba ko at na unang mag lakad.

"Wait, dito yung room natin." tapos hinatak nya ko.

Nag dinner kami sa isang fancy resto and nag night swimming. Wala kong dalang gamit bukod sa suot ko. Kaya di ko alam pano ko bukas.

"Life, matagal ka pa ba? Sunod ka na lang kaya sakin sa pool?" Katok sya ng katok sa pinto. Pano na... wala kong gagamitin e. Hay. Bahala na. Lumabas ako sa pinto. Wala na sya. Loko talga yun.

Ang Boyfriend ko sa Text (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon