Nakita kong naglalaway ang ilan sa mga taga-luto kaya naman pinakuha ko sila ng plato at binigyan isa-isa. At syempre, kumuha na rin ako ng sa akin.

"Hmmm, ngayon lang ako nakatikim ng ganitong kasarap na pagkain!" hiyaw ng isang taga-luto sa tuwa

"Napakasarap!" usal ng isa

"Napaka-talentado talaga ang ating binibining si Catalina!" dagdag ng isa

'Asus, enebe. Don't be like that!'

Kinagatan ko ang chicken at nadismaya ako sa lasa. Oh my gosh, kulang sa anghang! Kapag may crispy fry lang talaga ako, mapeperfect ko ito!

"Anong tawag mo sa mahiwagang pagkain na ito, binibini?" tanong ng isang taga-luto

Napaisip ako saglit.

"Tawagin niyo siyang chicken joy" sagot ko

'Sorry Jolibee, ako ang kikilalaning may gawa ng unang chicken joy pero credits sa inyo hehe'

Inihanda na nila ang chicken joy kasama ng adobo at sisig. Nahuli akong dumating dahil gumawa pa ako ng sauce. Dahil hindi ako marunong gumawa ng gravy, mema nalang at kakainin din naman nila yan.

Pumunta na ako sa hapag-kainan at sinalubong ako ng mga matatalim na tingin ng mag-inang sina Anastasia at Samantha. Well, anong pake ko sa inyo? You're not even worth of my argument. Ay naks english.

"Buenas noches invitados (Magandang gabi mga panauhin), narito ang inihandang pagkain ng mga Lopez. Ang pinagmamalaking adobo at sisig ng mga Lopez at ang bagong putahe na tinatawag na 'Tsiken dyoy' ni binibining Catalina" masayang usal ng punong taga-luto

'Shocks tsiken dyoy, ayaw ko na haha'

Agad naman akong tumayo at nagpalakpakan silang lahat. Nagbow ako sa kanila at dahan-dahang umupo. Nahalata ko namang mas sumama ang tingin sa akin ng mag-ina pero hindi ko na sila pinansin pa.

"Iniluto ko po ito para sa mga bata dahil alam ko pong medyo pihikan pa sila at maselan ang kanilang dila kayat alam ko hindi nila magugustuhan ang mga pagkain ng mga dalubhasa na sa mesa kaya naman nagluto ako ng simpleng putahe para sa kanila. Pero huwag po kayong mag-alala. Bata o matanda ay pwedeng kumain niyan" sabi ko

"Iyon pala ang mabagong halimuyak na naamoy namin kanina" saad ni ginoong Guillermo

"Baka nga po iyon yun" sagot ko at mahinhing tumawa.

Pagkatapos ay nagdasal kami bago kumain. Rinig na rinig ang bawat kagat ng fried chicken, gosh sabay sabay pa sila. Di mo maipagkakailang cruchy talaga siya.

"Hmm, napakasarap!" sabi ng isang bata

"Ama, gusto ko pa!"

"Ako rin"

"Ssh, alalahanin niyong nasa hapag kayo. Hindi dapat maingay habang kumakain" pagsaway ni ginoong Guillermo

"Ayos lang iyan amigo, mga bata pa naman sila" sagot ni ama

"Tama siya.. Maiba ako, masarap ang iyong adobo at sisig hindi ko maipagkakaila ngunit nagtataka ako kung ano ang lasa ng iniluto sa atin ng binibini" sambit nito at kumuha ng isang fried chicken

Kumagat siya nito at nginuya at nilunok. Bigla siyang natigilan at napangiti.

"Ang lasa ng iyong luto at sing tapang ng mandirigma at sing lakas ng leon, binibini. Napakasarap." tugon ni ginoong Francisco

'Waaah, masarap daw!'

Sumunod na tumikim ay si ama.

"Bueno! Isang napakasarap na putahe, hindi ako makapaniwala sa aking anak na si Victoria. Ipinagmamalaki kita, anak" masayang wika ni ama habang sunod sunod na kumakagat sa fried chicken

Napangiti nalang ako sa sobrang saya. Tinikman din ito ni ginoong Guillermo.

"Delicioso(napakasarap)! Ang lasa niya ay kakaiba at tama lang ang timpla. Tulad ng inaasahan ko sa mga Lopez, ipinanganak na henyo." wika ni ginoong Guillermo

"Pinararangalan ko ang inyong papuri" tugon ko

"Mabuti at mapagpakumbaba ka Catalina. May anak akong lalaki na binansagan ding henyo ng kaniyang mga magtutudlo." wika ni ginoong Francisco

"Ahh ginoong Rizal, siya ba ang alingasngas sa bayan na isang henyo?" tanong ni ama

'Teka Rizal? Francisco Rizal? Parang pamilyar ata ang pangalan niya.'

"Oo amigo, ang aking anak na iyon ay maglalabing-siyam na at siya'y  natuto ng alpabeto noong siyay tatlong taong gulang pa lamang at natutong magbasa sa ika-limang taon niya." dagdag nito

"Kahanga-hanga! Isang henyo nga talaga siya" masayang sambit ni ginoong Guillermo

'Hindi ako mapakali, siya na ba talaga yun? O sadyang coincidence lang? Sabi rin ay ang unang guro niya ay ang kaniyang ina.'

"Paumanhin ginoong Francisco ngunit nais kong malaman kung ano ang ngalan niya?" nagtataka kong tanong

Nagulat naman ang mga matatanda dahil sa tinanong ko. May problema ba kung tatanungin ko? Napangisi sila sa isa't-isa at humarap na sa akin si ginoong Francisco.

"Ang pangalan niya ay Jose, ang buong pangalan niya ay napakahaba ngunit kilala siya sa pangalang Jose Rizal. Siya lamang at si Paciano ang aking anak na lalaki sa labing isang magkakapatid." sagot ni ginoong Francisco

'Imposible.... Napakaliit ng mundo para magkatagpo kami ng tatay ni Jose Rizal.. Pero, may posibilidad bang magkita kami? Ang pambansang bayani ng Pilipinas?'

Reincarnated in 1880Where stories live. Discover now