CHAPTER 4

5.8K 166 0
                                    

DALE tried her best to concentrate in her work but she couldn't concentrate. She felt like someone is watching her.

'He's watching you ...'

She suddenly remembered what Bree's husband have told her. She can't help but to think that he was right.

Isang linggo na siyang nakakaramdam ng ganito na para bang laging may mga matang nakamasid sa kaniya.

"Argh! Ayoko na!" Sigaw niya.

Napatingin tuloy sa kanya ang nga kasama niya sa opisina. Nag-peace sign siya at nginitian ang mga ito. Nagsibalikan naman ang mga ito sa kanyang trabaho.

"Okay ka lang?" Tanong ni Bree nang makalapit ito sa kanya.

"I have a question." Dale told Bree.

"What is it?"

"Naalala mo ba ang time na sinundo ka ng asawa mo at sinabi niya sa akin na 'he's watching you' ,may alam ka ba?" Dale asked and quoted in the air.

Hindi nakaligtas sa kanya ang pag-iwas ng tingin ng kaibigan. "W-wala, ah."

Nangalumbaba si Dale at tumitig sa kawalan.

"Ang ganda ng bracelet mo." Namamanghang sabi ni Bree at hinawakan nito ang bracelet niya.

Pasimple niya iyong inilayo at ngumiti.

"My mother gave that to when I was still a kid."

"Oh, ang ganda."

"Magpabili ka sa asawa mo tutal mayaman naman 'yon, eh."

"Try ko." Tumatawang sabi ni Bree at bumalik sa table nito.

Ngumiti na lang si Dale at wala sa sariling napatingin sa labas ng kanilang opisina.

Nagulat siya nang may nakita siyang nakatayong lalaki doon at nakatingin sa kanya.

One word she can say... Handsome.

A man with gray eyes. And she know that behind the business suit he was wearing is a mascular—nailing ni Dale ang kanyang ulo. Kailan pa siya nag-isip ng ganito?

Pagtingin niya ulit sa lalaki ay wala na ito.

Napailing si Dale at binuklat ang isang folder.

Lunch time...

"Dale, hindi ka ba kakain?" Tanong sa kanya ni Bree.

Umiling lang si Dale at nanatili ang atensiyon niya sa harap ng computer.

"Hindi ka magbabasa ng libro?" Tanong ni Bree.

Natawa si Dale at napailing. "Hindi muna. kailangan kong tapusin ang binigay ng head bago mag ala-una." Aniya.

"Sige, dadalhan na lang kita ng pagkain—"

"Excuse me, maam." Anang isang delivery boy.

Sabay na tumingin si Bree at Dale sa bagong dating.

"Yes? Ano 'yon?" Tanong ni Bree.

"May padelivery po kay Ms. Agguirre."

"Kanina po galing?" Tanong ni Dale at tumayo.

"Hindi po nagsabi, eh. Pa-receive na lang po."

Pinermahan niya ang ibinigay nitong papel at kinuha ang paper bag na ibinigay ng delivery boy.

"Hindi mo sinasabi may secret admirer ka pala." Panunukso sa kanya ni Bree.

"Tumahimik ka nga, Breeina." Aniya.

 The MYSTERIOUS HUNTER (Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon