devirginization 22 : Dreamsss

17.1K 188 14
                                    

Hindi ko na namalaya'ng nakatulugan ko na pala ang pag-iisip.

Napatingin ako sa bintana. "Huh? Gabi na pala?!" halos kanina wala pa'ng 3 pm ah.

Ang haba naman ng tinulog ko.

Pero laking gulat ko sa tugtog na hindi ko alam sa'n sumulpot.

[a/n : play the music on the side para dama nyo xD]

Yung brahm's lullaby na tanging dun ko lang sa teddy bear na si Yuki, narinig!

Halos dahan-dahan ako napa-upo.

Nasa guest room ako alam ko'ng wala dito yung teddy bear na yun!

I even shooked my head and slightly slapped my face but the music's not playing in my subconscious.

It sounds so real and lively! Parang yung tugtog bumabalot sa buong kwarto. Shit, ano ba'ng meron!

Sa takot, halos natataranta ko'ng ginala ang mata ko.

The music's everywhere!

Parang hindi sa speaker ng bahay galing. Parang sobrang lapit ng tugtog eh, yun bang daig pa ang naka-earphones!

My knees started to tremble. Napakarelaxing ng tugtog pero bakit nagsisitayuan yung mga balahibo ko?!

At parang ang lamig-lamig ng paligid!

Pero iba yung lamig! Parang tinatakot din ako ng hangin.

I covered my ears and closed my eyes with annoyance and FEAR. "UGH, MAKE IT STOP!"

Hindi na 'ko mapakali, yung feeling na gusto mo'ng tumalon paalis sa kwarto'ng 'to pero natatakot ka'ng gumalaw!

I rubbed both of my palms to my shoulders. Ang lamig! Nakakatakot!

Minulat ko ang mga mata ko at nagulat ako!

Nanlaki ang mata ko!

Si....si Yuki!

Nasa paanan ko!

Halos mapabaluktot ako at niyakap ang tuhod ko palayo sa kanya.

"P-pano ka n-napunta dyan?!" takot ko'ng tanong na para ba'ng sasagot sya.

Yung mukha nya. Ganun parin. Nakangiti ang maliliit na labi nya. Kumikislap yung mga mata nya.

PERO NAKAKATAKOT!

Halos manginig na yung panga ko sa takot!

Nilalamig ako, pero pawis na pawis ako at parang ang bigat ng dibdib ko at hindi ako makahinga.

Mas lalo'ng lumakas yung tugtog. Napatakip nanaman ako sa tenga ko.

"UGGGHHH! TAMA NA! AYOKO NA! WAAAAHHH!"

Nanginginig na buo ko'ng katawan at hindi ko alam kung nababaliw at sobra na ako maghallucinate pero may naririnig talaga ako'ng tawa!

Tawa ng baby!

Pucha! The baby's laugh is the best and touching sound you could ever hear..

UNLESS, you're in the middle of the night and YOU DON'T HAVE A BABY!

"WAAAAAHHH!" naglakas loob ako tumakbo papunta sa pinto.

"FUCKSHIT!" hindi ko mapihit yung doorknob!

Hindi ko alam kung bakit ako napalingat sa kama, pero tang ina Drej, sana hindi mo nalang ginawa!

Dito na nakaharap yung teddy bear!

Nakangiti parin ang maliliit na labi at kumikislap ang mga mata!

*BLAG*BLAG*BLAG*BLAG*

"WAAAHH! PANINI! PANINI! OPEN THIS DAMN DOOR! UGH!"

Halos napatigil ako sa pagkalampag ng pinto. I froze as I felt something soft and cuddly on my foot.

Nanginginig ang buong katawan ko. I can't move but my head.

I slowly looked down on my foot.

Halos manlaki ang mata ko.

The teddy bear's hugging my foot!

At halos hindi ako makahinga sa itsura nya. Wala na ang maliliit na labi at makikislap na mata!

Isang sunog na teddy bear! Tanggal ang isang mata at halos itim at kalahati na ang mukha!

I gasped as I see it opened it's mouth and it slowly whispered.

"Mo..mmy!"

Nagulat ako nang maging 'pang-tao' ang natitira nya'ng mata at nanlisik sa'kin.

At mabilis ito'ng gumagapang pa-akyat sakin.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAHH!"

Halos mapa-upo ako sa kama.

Panaginip lang?

Hingal na hingal ako at pawis na pawis.

"Walang tugtog."

Tahimik ang buong kwarto.

Napatingin ako sa bintana. "Araw palang!" nakahinga ako ng maluwag pero nanginginig parin ang tuhod ko.

Napatingin ako sa paanan ko. Tinanggal ko pa yung kumot para makasigurado.

"Wala sya dito...panaginip lang Drej-hindi bangungot pala!" masyado ata napalalim ang pag-iisip ko ng masama dun sa teddy bear!

Natatakot parin ako kaya tumayo na ako at nagmadali'ng pumunta sa laundry area. Syempre, baka ako nalang mag-isa dito sa bahay eh!

Pero nanlaki ang mata ko sa nakita ko sa kusina.

Halos pulang-pula na yung kaserola at itim na ang usok na lumalabas dito! Mukhang napabayaa'ng lutuin!

"WHAT THE HELL! ANO'NG NANGYAYA---" napatigil ako sa nakita ko.

Sa may pinto ng laundry area sa gilid. May paa!

Lumapit ako dito habang nanginginig ang tuhod at halos manlaki ang mga mata ko sa nakita ko!

"OH MY GOD PANINI!" nakabulagta sya.

Tinakbo ko papalapit sa kanya at binuhat ang kalahati ng katawan nya at bahagya'ng sinampal-sampal ang mukha.

"Panini?! Shit, ang init mo! What happened to you?! Wake-up! Uy! Ano ba--"

Napatigil nanaman ako, pa'no yung teddy bear...

Andito! Nakababad sya sa balde at mukha'ng nilalabhan 'to ni Panini.

Nilalabhan o pinaliliguan? Bakit may shampoo at baby bath soap?!

Shit, nakakatakot! Dali-dali ko'ng binuhat si Panini. Eto na yata yung adrenalin rush na kahit mabigat kaya mo'ng buhatin basta takot ka or natataranta!

Dahan-dahan ko sya'ng binaba sa couch at tumakbo sa kwarto para kuhan sya ng damit.

Dahil nakalimutan ko'ng ipasok yung sasakyan, kaya dun kami dumiretso sa labas at mas madali ko sya'ng dinala sa ospital.

------------------*

AUTHOR'S NOTE: Okay, I made the horror scene around 3 am in the morning at halos nagsisitayuan yung balahibo ko habang tina-type yung mga detalye! Grabe, ewan ko lang kung effective ang gumawa ng horror tuwing alas tres ng madaling araw at MOST OF ALL, TAKOT KA! May epekto ba sainyo? XD

TANONG : Mamimigay ka po ba ng SC kapag tapos na ang TVHAHSW?

ANSWER : NO WAY! In your dreams! JOKE hahahaha xD of course I will! Darating din tayo dyan. I will announce it naman eh. *WINK*

the VIRGIN husband and his SEXPERT wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon