[ 18 ] Exclusively Dating

Start from the beginning
                                    

"Bumalik ka na sa room. May klase ka pa"

"I don't. It's my vacant time. Let's talk"

"I'm busy. Magusap na lang tayo sa susunod"

Naglakad na ako papunta sa sasakyan niyo at nagulat ako ng bigla siyang humarang sa harap. Ang kulit din ng babaeng to. Sinenyasan ko siya na pumasok sa sasakyan pero pagalis niya sa harap ng sasakyan, nagmadali akong magdrive paalis at saka dumeretso sa office.

"Sir Gab, may tumawag po dito kanina. Hinahanap po kayo. Si KL daw siya" sabi ng secretary ko

"Ano pang sinabe niya?"

"Pupunta daw siya dito"

"Ah. Sige"

Pumasok na ako sa room ko at nagsimula na gumawa ng mga kailangan gawin. Masyado akong nadala sa pagdating ni Shane kaya nawala ang focus ko sa trabaho. Parating na si dad kaya hindi ko siya pwedeng idisappoint.

"Gaaaaaaaab!"

Biglang may pumasok sa kwarto ko at nagmadaling umupo sa sofa.

"Wow! Ang cool naman ng office mo! May sofa pa dito. Kamusta?"

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa braso at hinila.

"Gab naman e! Anong problema?"

"Umalis ka na dito KL"

"Bakit naman?"

"Busy ako. Sinabihan na kita kahapon"

"Magkwento ka kasi tungkol kay Shane e"

*knock knock*

"Sir, may naghahanap po sa inyo. Ms. KL, bakit po kayo pumasok dito? Sorry po Sir Gab" -secretary ko

"Sino yung naghahanap sakin?"

May pumasok na babae na hindi ko inaasahan na pupunta dito.

"Jin, I mean Shane! Bakit ka nandito?" -KL

"Gab, let's talk" -Shane

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now