Chapter 45.5: Singing Froglet, Dancing Zebra

Start from the beginning
                                        

Pero bakit ang sakit? I guess I have something to confess too.

"Chen yu luo yan," I whispered softly to her. I gathered her in my arms and lifted her bridal style. She shivered when the cold wind blew over us. Kawawa naman, baka magkasakit ang zebra ko. I brought her to my room and gently placed her on my bed. I started to pull away but she held on to my arm.

"A..." I checked if she's awake pero mahimbing ang tulog niya. I chuckled softly to myself. Baliw ka rin, Adam. Kung alam lang ni Z na kaya mo siya pinapatulog sa kwarto mo para bukas, the sheets would smell like her. Baliw... baliw...

"I'm here," Okay, I probably should rethink this kasi baka bukas magising na lang akong may nakakabit na bomba sa katawan ko... or baka hindi na ako magising. Whichever comes first.

I threw caution to the wind and slid under the sheets with her. She immediately burrowed against my side and buried her nose on my collarbone. Her unconscious actions are too tempting. I held her close as I felt sleep claim me as well.

I'm sorry Irina Jean Lim Ignacio, I didn't realize how selfish I've become.

In my desire to ease my pain, I didn't consider the possibility that I could fall again. Suddenly, irrevocably. Hard. I need to fix myself before I become someone who can love you fully... who can be your strength. Let me pick up my pieces and sort myself. I want to know if these feelings are love or it's just my loneliness and feelings of betrayal talking.

I promise that this is the last. We're gonna go out with a bang.

------------------------

I woke up with a throbbing headache. Ilang minutong hindi ko binuksan ang mga mata ko sa kirot ng aking ulo. Naririnig kong may gumagalaw sa paligid. Siguro gising na si Mitch at naghahanda ng pampaligo. Matagal bago ako nakatulog kagabi.

Kahit na sinabi pa ni Prince na mas mahalaga sa kanya na okay ako kaysa sa singsing, I still feel bad about what happened. Pahamak kasi yung palaka! Kunghindi nagulat si Issa, hindi niya ako kakapitan at di rin niya mahahablot yung kwintas ko.

This is crazy. Nababaliw na yata ako, pati palaka sinisisi ko. I felt a bitter smile come into my face. Tama na nga, hindi maganda na simulan ko ang araw ko na bad vibes. Ngayon pa naman ang monthsary namin ni Prince. Miss na miss ko na siya. Gusto ko na talaga umuwi. Pati si Mommy saka sila kuya miss ko na din. Kahit si Yaya Maring miss ko na. Natuwa ako nung isang gabi kahit papano kasi tumawag sa akin si Kuya Ali at nalaman ko na nakauwi na siya sa bahay. Kasama daw niya si Ria at na-excite ako kasi may makakasama na akong babae na ka-age ko sa bahay pagbalik ko. Miss ko na din talaga si Kuya Ali.

Haaay, gusto ko na makita ang pamilya ko. Feeling ko ako ang tao na hindi kaya ang magtrabaho sa ibang bansa kasi ayokong mapalayo sa family ko. Hindi uso sa akin ang maging independent. 

I tried opening my eyes again. Parang nabawasan yung kirot ng ulo ko pero mabigat pa rin ang aking pakiramdam. Parang nilalagnat ako. I carefully tried to sit-up.

"Owww...." Napahawak ako sa nosebridge ko at bahagya kong minasahe 'pagkat biglang namuti ang paligid at tila umakyat sa ulo ko ang lahat ng aking dugo. I felt someone sit beside me on the bed and put something on my hands.

"Drink." Nathan?

Iminulat ko ang aking mata at di nga ako nagkamali. Nakaupo siya sa tabi ko at hawak pa niya ang baso na may tubig.

"C'mon," he urged me. I licked my parched lips and drank. Medyo bumuti yung pakiramdam ko. Dinama niya ang aking noo and he looked alarmed. "You're burning up!"

It Started in the Library (Completed and Editing)Where stories live. Discover now