00

833 16 29
                                    

YUNA.

Bagong lipat palang ako dito sa university na to at dahil di ko pa gaano kabisado mga pasikot-sikot dito, eto ako ngayon: hawak-hawak ko schedule at naglalakad mag-isa sa hallway. Di na ako magtataka pa bakit ako nalang nag-iisang estudyante dito. Nagsimula na ang klase at hanggang ngayon di ko pa rin mahanap kung saan yung room ko. Aish. Sobrang laki ba naman ng building na to. Sino ba naman di maliligaw?

Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad pero natigilan ako ng may nakita akong isang pinto nakabukas mula sa isang room. Hmm. Baka may tao? Naisipan kong magpatulong kaya naman dumiretso agad ako dun sa room na bukas ang pinto. Ng makalapit ako dun ay napahawak ako sa pinto at dahan-dahan sumilip. Pero nagtaka ako ng makita kong walang mga armchair sa paligid. Ang tanging nakita ko lang ay isang speaker sa may gilid at isang lalaking nakatalikod sa akin. Teka, hindi ata classroom to. Mukhang practice room ito.

Napasimangot nalang ako at maglalakad na sana paalis pero nagitla ako ng makarinig ako bigla ng tugtog pangsayaw. Kaagad ako napatingin sa loob at nakitang sumasayaw yung lalaki. Saglit akong natulala dahil di ko akalain na ang galing nyang sumayaw. Sobrang lambot ng katawan nya mapapaisip ka nalang kung may buto pa ba sya o ano. Umikot sya at sa mga oras na yun parang biglang bumagal ang lahat.

Ng masilayan ko ang kanyang mukha ay napatakip ako sa bibig sa sobrang gulat ng mapansin ko na ang gwapo nya. Shocks. Bakit ang gwapo nya? Nagpatuloy ulit sya sa pagsasayaw at natauhan naman ako. Pinanood ko lang sya hanggang sa matapos na syang sumayaw.

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan at mamaya-maya napahinga sya ng malalim at napaupo sa sahig. Kinuha nya yung bote ng tubig sa may gilid at diretsong ininom ito. At hanggang ngayon nakatulala pa rin ako sa kanya. Ang galing nyang sumayaw! Tsaka ang gwapo nya rin! Namalayan ko nalang na napangiti ako sa aking sarili ng biglang may tumapik sa aking balikat.

"Um, naligaw ka ata?"

Napaatras ako dahil sa gulat at natamaan yung pinto. Dahil dun, napalingon agad sa amin yung kuyang pogi na magaling sumayaw. Shet, ang gwapo talaga.

 Shet, ang gwapo talaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wala ka bang klase?"

Natauhan nanaman ako ng marinig kong magsalita ulit yung tumapik sa balikat ko. Humarap ako sa kanya at ngayon ko lang napansin na lalaki pala tong nakatayo sa harapan ko. Napalunok ako at sinubukan magsalita.

"U-um, kanina ko pa hinahanap room ko. Kaya lang, di ko pa kasi kabisado to eh.."

"Bagong lipat ka ba dito?"

Tanong nya at tumango naman ako. Bigla nyang kinuha yung schedule na hawak ko at pinagmasdan yun. Napasulyap ako dun sa sumasayaw kanina at di ko alam bakit bigla akong kinabahan ng makita kong nakatingin pa rin sya sa akin. Fudge! Baka isipin nyang stinastalk ko sya!

"Ah, sa 3rd floor room mo."

Sabi nung lalaki at sinoli na sa akin yung schedule ko. Tumango nalang ulit ako at nagpasalamat sa kanya. Inayos ko na pagkakasukbit ng bag ko at bago umalis ay muli akong napasulyap sa kanya at mabuti nalang di na sya nakatingin sa akin ngayon. Nagpaalam na ako sa lalaking nakatayo sa harapan ko at dumiretso na sa room ko. Akalain mo yung first day na first day late pa ako.

Pero, ok lang. At least may nakita akong gwapo. Pakiramdam ko sikat sya dito sa school. Hmm. Ano kaya pangalan nya?










...

an: hey wassup! i'm back! :D

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon